꧁🌹39꧂

61 6 0
                                    

(Previously)

Pero 'di niya alam na 'yon na pala ang huling langhap niya ng sariwang hangin dahil sa susunod na mga oras may masamang mangyayari na 'di niya kayang pigilan.

Agoeath's POV

"Can I have that caviar," sabi ko habang tinitingnan ang caviar na nasa harapan lang ni Saul. Nakita ko na kinuha niya agad 'yon at ibinigay sa akin. "Thank you," I exclaimed.

Tanghaling tapat na at nandito kami sa isang private room sa taas ng deck at sobrang tahimik dito, makikita mo ang magagandang tanawin ng dagat, mga seagulls na nagliliparan. Oh, how I wish to see some dolphins following the ship.

"Saan ba pupunta ang barko?" tanong ko.

"Dadako ito sa iba't ibang pier at babalik din sa pinagtutunguhan natin kanina. Kapag nag alas singko na babalik na do'n sa unang pier at hindi na lalayag pa."

"But last time lumayag ito for 24 hours."

"Things change," sagot ni Saul sa akin habang kumakain ng scallops na may cheese.

Nasa gilid ko si Jaguar Paw na kumakain din ng raw na paa ng turkey. Note, I paid that. Sobrang daming inihain na mga pagkain, mga bago ito kasi 'di ko 'to nakain nang huling pagtungtong ko rito sa barko.

"Hinay lang baka kahantungan mo sa banyo na naman."

"I can't sobrang sarap ba naman kasi," wika ko. Nang tumingin ako sa kaniya nakita ko na nakataas ang isa niyang kilay at doon ko lang napagtanto na hindi pala siya nakatingin sa akin kung hindi sa likod ko, kaya tumingin din ako.

Pagkatingin ko nakita ko ang dahilan kong bakit ako nandito sa barko, yes, nakita ko si Rafael Wilde na kasama ang babae na nakita ko rin noong unang party niya. 'di ko matandaan ang kaniyang pangalan.

"So, you did come," bungad niya, nakalingkit ang braso ng babae sa kaliwang braso ni Wilde.

"Yes, and so?" mataray kong tanong. Tumawa naman si Rafael dahil sa ginawa ko.

"Wala lang, akala ko kasi hindi ka pupunta. I mean isa kang Romano at in-accept mo ang isang imbitasyon na galing sa taong kagaya ko."

"Yeah, yeah, whatever." Tumayo ako at nagpaalam kay Saul na pupunta muna ako sa banyo dahil tinawag ako ng kalikasan, I passed by Wilde and his pimp without taking a glance.

MATAPOS AKONG mag banyo lumabas ako sa cubicle para hugasan ang kamay ko nang may pumasok na isang babae at walang iba kung 'di ang babae ni Wilde. To be honest, maganda siya, too na maganda siya pero mas lalo siyang gaganda kung mawala 'yung aura niyang mala prostitute, something like that.

Wala kaming imik dalawa nang bigla siyang nagsalita no'ng inayos ko ang buhok at lipstick ko.

"How much did you pay Saul?"

"Pardon?"

"You must be rich. Paying Saul to be with you for almost two years now," tuloy nito.

Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to?

"Kaya mo ba hindi siya pinapakawalan kasi sobrang galing niya sa kama?" taas kilay'ng tanong nito. "Kung mayaman lang ako kagaya sa 'yo baka nandito pa siya pinapainit ang kama ko," tumawa ito na para bang isa itong bruha. Dahil sa sinabi niya kumulo ang dugo ko.

"Bitch what?" bulalas ko.

Ano'ng pinapainit ang kama!?

"The fuck are you saying? Can't you see that we are together? We are in a relationship," seryoso kong saad. Sabay no'n ipinamukha ko sa kaniya ang singsing. Nakita ko naman na nanliit ang mga mata niya.

Cracking GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon