꧁🌹32꧂

113 11 0
                                    

(Previously)

"Hayaan na 'yon," nakangiting saad ni Agoeath. "I mean what's the point? We're gonna end up at the church anyway."

Agoeath's POV

"Agoeath."

"Hello, mother dear," masayang bati ko. 

"I heard from your brother that you were attacked!" sigaw nito sa akin. Partida ito 'yung una naming pagkikita sa linggong ito bungad niya pa sa akin ay sigaw niya.

Bumuntong-hininga ako at tumingin sa lalaking nakaupo sa harapan ko na umiinom ng wine.

"Oo."

"Oo!? What did you do this time?"

"Mama, wala akong ginawa. Maybe they choose to target me because I'm the only one in the family who's open?" paliwanag ko sa kaniya. Ini-slice ko ang pancake na nasa harapan ko at nilagyan ng isang kutsarang nutella. This is not actually our breakfast, we've already had one so this would make it us our snack.

"'Di mo ba nakita ang mukha nila?" tanong ni papa sa akin na kakarating lang, umupo siya sa gilid ko at kumuha rin ng isang pancake na nakahanda sa lamesa. 

Umiling ako. "Naka cap kasi sila."

"If it wasn't for Saul catching the bullet for you you might be dead right now!" sigaw na naman ulit ni mama. 

"I don't think so, siguro daplis lang."

"Will you stop that! Be careful next time. 'Wag puro pagkain ang aatupagin mo mind the surroundings also! Isa kang Romano at maraming tao ang gustong pabagsakin tayo," mahabang salita ni mama. 

"I know."

"But they never did," puna ng Kuya ko. 

"Tumahimik ka Acereath!" supalpal ni mama sa kaniya, tumahimik rin naman ang matanda kong kapatid.

"'Wag kayong mag-alala kunting tiis nalang at malalaman din natin kung sino ang tumatarget kay Agoeath," wika nito at tumingin sa akin. 

Aren't you busy looking for Al? gusto ko sanang sabihin 'yan sa kaniya pero hayaan ko nalang. Ayaw ko na ako pa ang dahilan na hindi siya magkakaasawa.

I rolled my eyes down, napatingin ako sa cellphone ko at nakita ko ang huling text ni Saul. I love you, take care. 'Di ko tuloy mapigilang ngumisi. 

"Oh oh oh, hija! And dami mong kasalanan sa amin!" 

Nakangiwi akong tumingin kay mama. Akala ko kasi tapos na siyang magsalita meron pa pala? Both my brother and father were just listening to us while munching down some foods. 

"BOW just release an article saying you are married to Saul!" 

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Akala ko ba ang profile ko lang ang iniba? Nag release pa talaga ng article? Sino naman kaya ang nagpasimuno no'n? But, whatever, do they think I'll be angry? My ass, I like what they published. 

"Oh that," ngumiti ako. Tumaas ang kilay ni mama, si papa at kuya naman ay hinintay ang susunod kung sasabihin. "Hayaan mo na 'yon."

"Nasaan ba ang utak mo, Agoeath!? Saang lupalop iyon lumipad!? Kung hahayaan mo lang 'yon no man will flock towards you!"

'Di ko pinakinggan si mama. Tumingin ako sa relo ko at nakita ko na malapit na palang mag 11:30. Me and Saul agreed to have a date today. I can't wait. Inilabas ko ang cellphone ko at tiningnan kung may text ako galing sa kaniya kaso wala.

"I love you, take care," rinig kong saad ng lalaki na nasa gilid ko. Agad kong tinago ang cellphone ko at hinarap si papa.

"Papa!" nahihiya kong sigaw. Dahil sa sinabi niya nakita ko ang mukha ni mama, naging maldita. 

Cracking GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon