(Previously)
Agoeath smirked, not because of happiness that some action will took here but because of annoyance, annoyed by the fact that her first heist was interrupted.
Agoeath's POV
"Agoeath p'wede bang 'wag ka munang kumuha ng ulam? Kita mo naman siguro na nagluluto pa ako!?" sigaw ni mama sa akin, kanina pa kasi ako kuha nang kuha habang nagluluto siya.
Sumandal ako at um-oo. Isang linggo na ang nakalipas simula nang heist naming apat nina Saul, Miggy, at Tilly. Isang linggo na rin akong hindi nakapagmove-on. Paano ba kasi, e, palpak 'yung heist namin dahil sa akin.
Tumingin ako sa kawalan habang gumagawa ng senaryo kung ano ba dapat ang ginawa ko.
"Kung hindi lang sana ako nakinig kay Saul," isip ko.
"Agoeath! Ano ba!" sigaw ulit ni mama sa akin, 'di ko namalayan na gumalaw pala ang demonyo kong kamay at kumuha ng isang bacon.
Tumawa ako ng mapakla. "Sorry."
Tiningnan ko ang bacon at naalala ko ulit ang buong pangyayari.
Flashback
"Can I kill him?" tanong ko kay Saul na nasa unahan ko habang nakataas ang dalawa niyang kamay.
"No."
"Why? He ought to rip my eyes," inosente kong tanong sa kaniya.
"But you can make him stay at the hospital forever," he winked at me.
Ngumisi ako at hindi mapigilan ng tao na nasa likod ko na magsalita.
"Tigilan niyo na ang kadadada ninyo! Ibigay niyo sa amin ang diyamente at walang dugo ang masasayang!"
I cracked my neck, and without a second, I twirled, and I got a hold of his neck and immediately strangled him. It was easy for me to do that since I've been in that situation for like a hundred? Whatever. And that was the cue for everyone to fight.
"I thought," I kicked the man's gut while still holding his neck. "tayo lang ang magnanakaw dito!?" sigaw ko sa mukha ni Saul na nakikipag-away sa kaaway niya.
"Sweetheart, 'di lang kami ang magnanakaw dito sa Pilipinas," sagot niya sa akin.
"Akala ko ba na check..." binali ko ang braso ng kaaway ko kaya no'ng nabitawan nito ang kaniyang baril pinukpok ko ito ng malakas sa ulo niya. "niyo na ang paligid!? 'Di ba all surroundings are clear?"
Naramdaman ko naman na nasa likod ko si Miggy. "Sorry po, Lady Agoeath! Gutom kasi ako kanina 'di ko namalayan may nakalusot pala!" hingi ng tawad nito sa akin.
Rinig ko rin naman si Tilly sa gilid na na nagsalita. "Sabi ko kasi sa 'yo kumain ka ng marami! Ito tuloy, 'di mapayapa ang heist natin."
"Sorry na nga 'di ba!?"
Iniwan ko na sila at pinatid ko ng malakas ang kaaway ko kaya napunta ito sa gilid, agad kong binuksan ang magazine ng baril at kinuha ang mga bala. Baka kasi magamit ko 'to at makapatay pa ako. Remember? Saul said not to kill them. I guess in the world of stealing, it's forbidden to kill... right?
Habang nag mumuni-muni ako narinig ko nalang na sumigaw si Miggy at nang tiningnan ko ang direksiyon niya nakita ko na nagkabanggaan sila ni Tilly.
"Bulag ka ba Tulio!?"
"Ikaw ang bulag!"
"Tumabi ka nga!"
BINABASA MO ANG
Cracking Grave
ActionD E A T H S E R I E S I I I Buried six feet underground with nothing to see but soon will arise when an eclipse peak thus making the beholder feel alive.