꧁🌹38꧂

60 6 0
                                    

(Previously)

"Her crimson eyes are so cute!" tili ko, gigil na talaga ako.

Narinig kong may sinabi si Kuya, "Tch, buyag."

Tumawa nalang ako. Dahil sa naganap tila ba nawala sa isipan ko ang unsuccessful na heist namin ni Saul at hindi ko akalain na makakalimutan ko 'yon ng dahil na rin sa bago kong pamangkin.

My new stress reliever!

Third Person's POV

"Ang tagal ng amo mo, Jaguar Paw," wika ni Saul habang hinihintay si Agoeath sa living room ng bahay nito.

In respond, Jaguar Paw just watched him as if he is some lunatic.

Habang naghihintay kay Agoeath tumingin-tingin muna siya sa paligid ng bahay nito kahit na ilang beses na niya itong nakita.

"We've been together, but I just realized that I never got to invite her to my house," isip nito habang sumandal sa sofa na itim. "Wait, I did, did I?"

Pumandekwatro siya at binuksan ang cellphone niya, ang wallpaper nito ay silang dalawa no'ng pumunta sila para maghapunan sa Bali, Indonesia.

Kaya nasa bahay ni Agoeath si Saul dahil ngayong araw na 'to ay kung saan pupunta sila sa barko niyang Greed of Solomon kung saan gaganapin ang party ni Rafael Wilde. Suot ni Saul ang damit na ginawa ni Agoeath no'ng unang trabaho nito sa kaniya.

It had the color black, and its design got a tribal mark. The color of his tie was red to match hers. Tinanong niya kasi ito kung ano ang kulay ng damit na kaniyang susuotin para matchy sila ng kulay.

So, he was staring at the ceiling when he heard footsteps coming down from the second floor. Nang napatingin siya roon hindi niya mapigilang mapatulala, para bang ito ulit ang unang pagkamangha niya sa kaniya.

Dahan-dahan siyang umupo ng maayos at nakangiti na tiningnan si Agoeath.

"Wow."

"Stop it! Baka lalaki ang ulo ko," banat ni Agoeath.

Ngumisi si Saul, 'yung mga mata niya hindi pa rin bumibitaw sa kakatitig ni Agoeath.

Well, it's not his fault. Agoeath was truly dashing and ravishing. Suot niya ang isang high neck bodycon red dress na hanggang hita niya, kitang-kita ang kaniyang tattoo na pumulupot sa kanan nitong hita na minsan lang makita ni Saul. Ang buhok niya ay naka style na messy-bun habang ang kaniyang mahahaba nang bangs ay nakadagdag sa ganda niya. Suot niya rin ang isang rosas na hikaw pati na rin ang kaniyang signature heels na Christian Louboutin na may cone na takong.

"Fascinated? I know. Ako nga rin," tawa niya.

Kinuha ni Saul ang kamay ni Agoeath papalapit sa kaniya at niyakap niya ito, niyakap din siya ni Agoeath pabalik.

"You look handsome as always," puri ni Agoeath nang binitawan na siya ni Saul.

"I want to look good for you."

"Sus! Kahit hindi na."

Hinapit ni Saul ang baywang ni Agoeath at naglakad na sila papunta sa pintoan nang biglang humarang si Jaguar Paw sa kanilang harapan.

"Oops," saad ni Agoeath. "Wait, p'wede ba siyang sumama sa barko?" tanong ni Agoeath kay Saul. "I think I've been neglecting him, ayaw kong sumama ang loob niya sa akin," tuloy niya at tinatap ang ulo nito.

"Of course, he can. You don't need to ask me, whatever you ask me it'll always be yes."

Tumawa naman si Agoeath, baka may na isip na naman siyang kakaiba. "Sugar daddy yarn?"

Cracking GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon