꧁🌹34꧂

61 8 0
                                    

(Previously)

"Lucky for you to have a Romano."

"Lucky to you too."

Saul's POV

Nasa airport ako ngayon dahil hinihintay ko si Agoeath, ilang buwan na rin kasi ang lumipas no'ng huling pagkikita namin. Akala ko na isang linggo lang siya ro'n ngunit tumawag nalang siya na matatagalan siya do'n dahil marami pa siyang gagawin. Hindi niya rin sinabi sa akin kung ano ang mga ginagawa niya.

Hinanahanap ko siya sa paligid, nagbabasakaling makita siya hanggang sa nakita ko nga siya. Nakasuot siya ng isang crimson pantsuit at kung ano rin ang kulay ng kaniyang damit ganoon din ang kulay ng kaniyang. Ang mahaba na niyang buhok ay nakalugay, noong una hindi naman nakatakip 'yung bangs sa mukha niya ngunit ngayon natatakpan na. Pero ang nakakuha ng atensiyon ko ay ang mga band aid na naka dikit sa ilang bahagi ng kaniyang mukha at mga braso.

Patingin-tingin siya sa paligid hinahanap ako at sa kalauna'y nakita nga niya ako. Pagkakita niya sa akin bigla siyang ngumiti at palakad-takbo ang ginawa niya habang ginuguyod ang maleta niyang dala. Lumapit rin ako sa gawi niya hanggang sa binigyan namin ang isa't isa ng mahigpit na yakap.

"I miss you!" masigla niyang wika.

Hinalikan ko siya sa kaniyang noo at hinaplos ang magkabila niyang pisngi. "Ako rin." Nakita ko na pumula ang mata niya at masasabi ko na sabik na sabik talaga siya na makita ako.

Kinuha ko sa kaniya ang dala niyang maleta gamit ang kaliwa kong kamay, 'yung kanan ko naman ay nakahawak sa kamay niya.

"Ba't ang dami mong band aid? May nangyari ba sa 'yo?" tanong ko sa kaniya.

It took her seconds to response. "May inaayos kasi ako sa Hacienda namin kasi 'yung mga hayop sobrang likot kaya nagkakasugat ako."

Tiningnan ko siya ng maigi. "Ano bang mga hayop 'yan?"

"Kagaya ng kambing, baka, kabayo, bibe, manok at iba pa."

"Pinuntirya talaga ang mukha mo? Magkakapeklat 'yan."

"It'll add to my beauty then."

Tumawa ako sa sinabi niya. I must have forgotten na wala itong kinatatakutan.

Bago ko siya i-uwi sa bahay niya, kumain muna kami sa isang restaurant na nasa loob ng mall ko na Meeting Greed. I know how much she wanted to rest, but her stomach chose to eat. Humanap muna kami ng table at nang makahanap nga kami sakto naman 'yon sa dalawang tao kung kaya't do'n na kami umupo. May lumapit sa aming waiter at binigay ang menu.

Hindi ako ang pumili ng mga o-orderin namin kung hindi siya. Ilang minuto lang ang nakalipas nakapag order na kami at hinintay nalang namin na maihanda 'yon, at dahil wala rin naman kaming magagawa nag-usap kami.

Kinamusta ko siya at kinamusta niya rin ako.

"Ano ba ang iniinom mo sa Cebu?"

Napatigil siya sa pagkalkal ng kaniyang maleta.

"Bakit mo naman natanong?"

"Lalo ka kasing gumanda."

Nakita ko na pumula ang mga pisngi at mata niya, "Tinutukso mo ba ako?"

"Why would I? I meant it."

Sumandal siya sa upuan niya at tumawa. "Tubig lang, normal na tubig lang talaga." sagot niya. "Ikaw din g-um-wapo," tuloy niya at malakas na humalakhak.

Ngumiti ako.

"Alagang Agoeath Cass Romano ba naman."

I saw her rolled her eyes at nahihiyang tumawa. Nag-uusap pa rin kami pero habang nag-uusap kaming dalawa kinakalkal niya pa rin ang kaniyang maleta.

Cracking GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon