(Previously)
Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Agoeath at 'di ako makapaniwala sa mga nangyayari. Yes, I saw her fight, but I never saw her fight like this. It seems like she's not herself.
She's gone... berserk.
Third Person's POV
Lahat ng tao na nasa party ay sumugod kay Agoeath, dala-dala nila ang kanilang mga baril, kutsilyo o ano pang armas na p'wede pumatay. Ngunit kahit anong gamit nila sa kanilang mga armas bigla nalang umiikot ang kanilang paningin at sa huling sandali makikita nalang nila ang kanilang katawan na pugot na ang ulo.
"Agoeath! Agoeath!" sigaw ni Saul habang sinusubukang habulin ito. Kitang-kita niya kung paano ito walang awang pumatay. Nakita niya kung paano nito hinahabol si Wilde at ilang tao na rin ang humaharang kay Agoeath pero bigla nalang napupugot ang kanilang mga ulo.
Gusto niyang habulin si Agoeath upang pakalmahin pero hindi niya magawa-gawa dahil may humaharang din sa kaniya at gusto rin siyang patayin.
Inikot niya ang mukha no'ng lalaking akmang sasaksakin siya pagkatapos ay malakas niyang binangga ang lalaking papalapit sa kaniya kaya silang dalawa ay napabagsak sa sahig.
Tumayo si Saul at inapakan ang mukha ng lalaki. “Wala akong panahon para sa inyo.”
Diretso siyang tumakbo at hinanap ulit ng kaniyang mga mata kung nasaan si Agoeath ngayon. Nakita niya ito sa kalayuan at kitang-kita niya kung sino ang kaaway nito, si Wilde.
“WILDE!” sigaw ni Saul.
Ngunit sa ilang subok niyang lapitan sila hindi pa rin siya makalapit.
“Putang ina!” mura niya sabay pakikisabak ng away sa mga tauhan ni Wilde na pumapalibot sa kaniya. Alam niyang talo siya dahil marami sila kaya'y sinusubukan niya munang iwasan sila.
Dahil isa siyang lalaking marunong ilihim ang kaniyang mga ginagawa na walang nakakaalam. Patago siyang lumiko at dumaan sa gilid kung saan madilim, sa parte kung saan hindi siya mahanap.
At dahan-dahan siyang lumapit pagawi kung saan nag-aaway si Agoeath at Wilde.
“'Yan! 'yan ang gusto ko!” sigaw ni Wilde habang nakikipag-away kay Agoeath gamit ang kaniyang kamay.
Nakailang salita na siya ngunit hindi pa rin siya sinasagot ni Agoeath dahil ang dahilan wala ito sa sarili, ang nasa isipan lang nito ay ang pumatay.
Ilang daplis ang nakuha ni Agoeath sa mga nakaaway niya. Maraming dugo na rin ang nabawas sa kaniyang katawan ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pakikipag-away. Tila ba'y walang makakapigil sa kaniya.
“Hindi mo ako mapapatay, Romano!” sigaw ni Wilde habang denidepensahan ang sarili sa mga kalmot at suntok ni Agoeath sa kaniya.
Pulang-pula ang nga mata ni Agoeath at tutok na tutok ito sa mga mata ni Wilde. Napapigil si Wilde no'ng nakita niya 'yon, naalala niya na itong mga mata na ito ay walang-awang nakatingin sa mga katawan ng kaniyang ama at ina na nakahandusay sa lupa. Dahil do'n nagalit siya at akmang sasakalin si Agoeath pero nakuha nito ang kamay niya at binali.
“Ahhh!” iyak niya dahil sa sakit.
Napadaing sa sakit si Wilde, hawak-hawak niya ang bali niyang kamay. Sinubukan niya itong ibalik ngunit 'di na bumalik, lumaylay lang ito at hindi niya ma kontrol.
Okupadong-okupado siya sa kaniyang sarili na nakalimutan niyang nasa harapan niya lang si Agoeath. Nang tumingin siya rito huli na para madepensahan niya ang kaniyang sarili dahil sakal-sakal siya nito.
BINABASA MO ANG
Cracking Grave
AcciónD E A T H S E R I E S I I I Buried six feet underground with nothing to see but soon will arise when an eclipse peak thus making the beholder feel alive.