(Previously)
"Ang sama mo, Sir."
"Matagal na."
At pinaharurot na nila ang kotse, patungo sa kompanya ko.
Saul's POV
Narating na namin ang kompanya na pinamumunuan ko. It's a luxury hotel that I own and it's name is Crown Greed. Pagkapasok pa lang namin sa elevator sa may basement agad kong sinabihan sina Tulio at Miguel sa gagawin nila.
"Tulio, Miguel, iikot niyo ang buong parte ng kompanya at tanungin mo ang bawat section kung may problema sila, at kung meron man sabihan ninyo ako," saad ko.
"Maaasahan po ninyo kami," sagot ni Tulio sa akin habang sumasaludo, sumasaludo rin sa akin si Miguel.
Napunta na kami sa palapag kung nasaan ang opisina ko. Pagkarating ko doon agad kong nakita ang sekretarya ng kompanya. Bumati siya sa akin habang ako naman ay tumango pabalik. Hindi ako mahilig bumati sa ibang tao ngunit nirerespeto ko siya, hindi madaling maging sekretarya ng isang luxurious na kompanya.
"May mga appointments ba ako ngayon?"
"Marami po pero. . . ang ilan nag back-out. Simula noong event sa mga Hughes nag back-out sila. To think na interesado lang po sila sa inyo dahil may konektado kayo sa mga Hughes." Mahabang paliwanag nito sa akin.
"Hayaan mo na sila, kapag may kailangan nga palang ipapapirma ipasok mo lang sa opisina ko."
"Ah, nandoon na po lahat. Mahigit isang linggo po kasi kayong wala sa kompanya kaya nagkabundok-bundok na po ang mga papeles. Nandoon din po ang report sa mga complaints and feedback of the hotel."
Tumango ako at pumasok na. Wala na sina Tulio at Miguel kanina pa, nasa saang lupalop man sila ng kompanya, hinahanap ang problema. Pagkapasok ko talaga sa opisina kitang-kita ko nga ang mga papeles. Hindi ko mapigilang mapamura, lumapit ako roon at tiningnan ang mga papel. Tumaas ang kilay ko nang nakita ko na mas marami ang pepermahan.
Mas mabuti nga 'yon. Kaysa sa mataas na kwento tungkol sa feedbacks at sa mga complaints.
Agad akong umupo at mabilis na pinirmahan ang gabundok na papeles. Hindi ko namataan na ilang oras na pala ako ganoon. Tumayo muna ako baka makita ko nalang ang sarili ko na naging isang hipon. Lumapit ako sa malaking bintana na tanaw ang siyudad at hinilot ang leeg ko. St-in-retch ko ang aking mga braso at daliri dahil nangangalay na ito.
"Mahigit dalawang oras na ang lumipas, hindi man lang nagpakita sila Miguel at Tulio, baka siguro walang problema?" Bulong ko sa aking sarili. Umupo ako pabalik at in-on ko ang intercom.
"Sir?" Rinig ko, boses iyon ng sekretarya ko.
"Can you perhaps get me a cup of coffee, please? The usual one."
"Right away, Sir."
Ilang minuto lang ang lumipas at dumating nga siya, pinagsalamatan ko siya at agad ko rin iyon ininom habang pumipirma, nakikita ko na sampung papel nalang sa pagpipirma ang kailangan ko, at sa wakas masisimulan ko na nag pagbabasa sa mga feedbacks at complaint.
Busy na busy ako nang narinig ko na bumukas ang pintoan at nakita ko si Tulio at ang nasa likod nito si Miguel na sobrang bagot ang pagmumukha.
"Nagkaroon ba ng problema?" Tanong ko sa kanila habang hindi ko sila sinusulyapan.
"Meron po, Sir. Pero hindi naman ganoon ka laki. Tinulungan ko silang lutasin iyon," sabi ni Tulio sa akin at umupo sa upuan na nasa harapan ko.
Napatingin ako kay Miguel. "May masama bang nangyari, Miguel?"
BINABASA MO ANG
Cracking Grave
ActionD E A T H S E R I E S I I I Buried six feet underground with nothing to see but soon will arise when an eclipse peak thus making the beholder feel alive.