(Previously)
I rolled my eyes but not in annoyance but kilig. "Want to sleep at my house?"
"I want to pero baka makagawa tayo ng bata."
At tuloy 'di ko mapigilang hindi humalakhak na ang dahilan kung bakit bigla nalang nawala sa isipan ko ang madugong nangyari kanina.
Third Person's POV
Sa loob ng isang museum may apat na tao ang nagtatago sa parte kung saan madilim. Hinihintay nilang sumara ang museum upang masimulan na nila agad ang balak nila.
"Hindi pa ba tayo papasok?" tanong ni Agoeath kay Saul na may ina-arrange na mga gamit sa sahig.
"Hindi pa."
"So, when will we get inside? Excited na excited na ako," dada niya habang inilagay niya ang iilang hibla ng kaniyang buhok sa likod ng kaniyang tainga.
Nilingon ni Saul si Agoeath at bumuntong-hininga. "I know, love. Just be patient for a moment," sagot niya rito habang isinuot ang isang itim na gloves.
Nakaupo si Agoeath sa hood ng sasakyan ni Saul habang nakapandekwatro na dala-dala ang isang burger nang bigla siyang may narinig na ilang mga yapak, sinundan niya ang tunog kung saan 'yon galing at nakita niya sina Miguel at Tulio.
"Sir, patapos na pong mag rounds ang isang guard, p'wede na po nating simulan ang pagnakaw," batid ni Tulio.
Sa totoo lang hindi sila dapat kasama sa heist na 'to kasi ang plano ni Saul silang dalawa lang ni Agoeath, dahil 'pag sumama ang dalawa walang maiiwan sa HQ bilang big boss pero dahil matigas ang ulo ng dalawa sumama ito kaya no choice si Saul na bigyang two days off ang HQ.
"Lady Agoeath, may isa ka pa bang burger diy'an? Nagugutom ako," tanong ni Miguel kay Agoeath na ngayon ay may hinahalungkat sa bag na nasa sahig.
Tumingin si Agoeath kay Miguel. "Yeah, it's at the backseat of the car."
Papunta na sana si Miguel sa backseat ngunit napatigil siya nang nagsalita si Saul.
"It's time, get ready."
Ang Agoeath na nauumay sa kakahintay kanina ngayon ay sumigla na.
"Finally! Magbibihis muna ako! Magbihis na rin kayo Tilly at Miggy!" excited niyang wika at pumunta sa loob ng sasakyan, bago niya isara ang pinto no'n may tinapon siya papunta kay Miguel, isang burger na hindi nakuha nito kanina.
"You don't have to change outfit," saad ni Saul habang nakatingin kay Agoeath.
"Jesus, Saul! Kung anong okupasyon mo dapat nababagay din ang outfit mo!" At isinara niya nga ang pintoan.
And Saul once again was left dumbfounded. Nakita niya sina Miguel at Tulio na nagbibihis din kaya 'di mapigilan ng kaniyang mga kilay na mag-abot.
It took them time to change outfit, hindi rin naman sila nagmamadali dahil nasa kanila ang lahat ng oras. Sa alas singko ng umaga pa kasi bubuksan ang museum at nasa alas diyes pa ng gabi.
"Done!" mshinang tili ni Agoeath na lumabas na sa kotse.
Mariing nakatitig si Saul kay Agoeath na ngayon ay nakatayo sa harapan niya, hindi mo makikita sa mukha niya ang pagkamangha bagkus ay ang makikita mo ay ang pagtataka.
"Ano 'yang suot mo?" tanong niya.
Pero imbis na sagutin siya ni Agoeath tumawa ito. Paano ba kasi? Nakasuot si Agoeath ng isang latex na damit na mukhang pang spy. Nang narinig niya rin ang mga yapak nina Miguel at Tulio napatingin din siya sa dalawa at gano'n pa rin ang kaniyang reaksiyon. Pati ang dalawa ay nakasuot ng latex.
![](https://img.wattpad.com/cover/284448379-288-k66585.jpg)
BINABASA MO ANG
Cracking Grave
AçãoD E A T H S E R I E S I I I Buried six feet underground with nothing to see but soon will arise when an eclipse peak thus making the beholder feel alive.