꧁🌹29꧂

109 12 1
                                    

(Previously)

"Let's get the dirt off."

It was a small gesture but it made me smile. I find it. . . sweet.

Third Person's POV

"Miguel may napapansin kabang kakaiba kay Sir Saul?" tanong ni Tulio sa kaibigan niya na may st-in-istapler-an na mga papel. Napatingin din naman kaagad si Miguel dito.

"Wala?"

Sumandal muna si Tulio bago niya sagutin si Miguel.

"'Di mo ba nakikita na simula no'ng nandito na si Lady Agoeath ngumingiti na si Sir?" Kinamot niya ang kaniyang ulo. "Pati 'yung aura niya biglang umiba. . . bigla ba atang nagkaroon ng buhay. Talaga bang hindi mo nakikita?"

"Ng dahil sa sinabi mo napaisip na rin ako." Itinigil muna ni Miguel ang kaniyang ginagawa at bigla siyang tumutok sa ibabaw, nag-iisp. "Nakikita ko na masaya siya."

Lumiwanag ang mukha ni Tulio at sobrang excited niyang magsalita. "Hindi lang 'yon ang nakikita kong pagbabago! Maliban sa ngumingiti na si Sir, 'pag may heist tayo 'di na siya sumasama."

Nagkatinginan ang dalawa at dahan-dahang ngumiti ng nakakaloko.

"Sa tingin mo sila ba?" wika ni Miguel.

Ngumisi naman si Tulio bilang tugon.

"Nagkahalikan na kaya sila?"

Biglaan silang dalawang napatayo no'ng may nagsalita nang biglaan. Pagkatingin nila nakita nila ang bagong trabahante.

"Cruz, pinagsabihan kana namin na bawal ka rito," mahinahong saad ni Tulio habang bumalik sa pag-upo. Muntikan na siyang maatake dahil bigla-bigla ba namang susulpot sa kawalan si Cruz habang si Miguel naman ay guminhawa ng dahan-dahan noong naramdaman niyang malakas pumitik ang puso niya at saka na rin siya umupo.

"Eh? Kayo lang naman kasi ang pumapansin sa akin. 'Yung ibang trabahante snobber," malamyang salita niya at umupo sa bakanteng upuan. Nakita niya ang dalawa na humihinga ng malalim 'di niya tuloy mapigilang ngumiti dahil siya ang dahilan kung bakit sila nagkakaganyan.

"Kahit na."

"Ganiyan talaga ang ugali ng mga mayayaman, Sane," pailing-iling na sabi ni Miguel at sa kabutihang palad ayos na siya.

"Mayaman naman pala, eh bakit dito sila pumapasok?"

Ngumisi si Miguel. "Para tumino. Mga spoiled brats kasi, 'di ko malimutan kung paano sila sinampal ni Lady Agoeath nang sobrang lakas."

Tumawa silang tatlo noong naaalala nila 'yon.

"Oo nga pala, 'di ko nakita sina Sir at Lady. Nasaan pala sila?"

"May dadaluhing party."

"Kaya pala ang tahimik ni Jaguar Paw. Wala pala ang paborito niyang dalawang tao," ani ni Sane habang nakatingin kay Jaguar Paw na masamang nakatingin sa pintoan.

"'Wag mong anohin, wala sa mood 'yan baka makita ka naming kinakatay niya," wika ni Tulio.

Tumango lang si Sane at pagkatapos ay nakipag-usap sa kanila ng kaswal, pero sa totoo lang kaya siya nakikipag-usap sa kanila dahil nagbabasakali siyang may makuhang impormasyon. Ngunit ni isa wala siyang nakuha simula noong una siyang pumasok. Basta ang alam niya lang ay may konektado ang pamilyang ito kay Toni Silvestre.

IT'S EVENING and Saul is waiting outside Agoeath's house, it has been almost four months since Agoeath worked under him and four months for him to stare at her house but never actually got inside.

Cracking GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon