(Previously)
“Promise. . . di na ako k-kakain ng marami. . .” Huli kong sabi bago ko pinikit ang mga talukap ko.
Napagod akong tumae.
Agoeath's POV
Sobrang bilis ng mga pangyayari, di ko akakalain na makikita ko ang Kuya ko na nasasaktan.
Nakatingin ako sa panganay kong kapatid na nasa harap ng isang puntod.
Kay Al 'yon. . .
Napatanong ko nalang ang sarili ko kung bakit 'yon nangyari? Kitang-kita ko pa kung gaano sila kasaya noon, lalong-lalo na noong pumunta sila sa Relinquere, kitang-kita ko pa rin kung gaano kasaya ang Kuya ko sa piling ni Al ngunit sa nakikita ko ngayon mukhang. . . babalik siya sa dating Ace.
Gusto kong pumunta sa gilid niya upang damayan siya ngunit pinigilan ako ni Aser.
“Bakit?” Tanong ko sa kaniya, pero imbis na sasagutin niya ako umiling siya at doon alam ko na ang pahiwatig niya.
Let him be alone. . .
Naaawa ako sa kapatid ko ngunit wala naman akong magawa.
Nagtanong kaming lahat kung anong nangyari upang matulungan namin siya ngunit hindi niya kami sinasagot kaya heto wala kaming nakuhang eksplenasyon sa mga tanong namin.
Nasa sasakyan ako ng pangalawa kong kapatid na si Kuya R at nakita ko nalang si Aser na pumunta sa kotse kung saan nandoon ang sarili niyang pamilya, ang naiwan nalang sa sementeryo ay si Kuya, umuwi na ang lahat.
“Kuya R! Teka lang! Iiwan ba natin si Kuya Ace?” Aligaga kong tanong sa kaniya noong narinig ko na umandar ang kotse.
Napatingin siya doon at bumuntong-hininga.
“Hayaan muna natin siya, alam ko kung paano mawalan ng minamahal,” malungkot niyang saad.
Nag-abot ang dalawa kong kilay.
Minamahal? Eh, wala naman 'tong jowa.
“Anyway, alam mo? Na sila ni Al?”
Tumawa siya ng mapakla. “Hmm. . .”
At lumabas na kami sa malaking gate ng sementeryo, hinatid niya ako sa bahay ko at noong nasa tapat na ako ng gate ko at nakapasok na dali akong bumunot ng mga damo at sinunog 'yon at mabilis akong dumaan sa usok. Ganoon gawi namin sa Cebu 'pag may patay kaming hinahatid.
“I hope it won't happened to me. . .” Mahina kong sabi habang tinatanggal ang sandal ko at hinubad ang damit ko.
Then right there I saw my baby.
I'm a single mom, you see.
“Hello, baby boy!” Sinubukan kong maging masigla kahit na fresh pa sa loob ko ang nangyari kanina. “Namiss mo ba ako?” I cooed.
Dinilaan niya ako.
“You're eating too much my Jaguar Paw!” Angal ko, sobrang bigat na ng pusa ko!
I walked around my house half naked, pumunta ako sa kwarto ko at sinuot ang napulot kong pyjama sa cabinet. Nakabuntot pa rin sa akin ang malaki kong pusa.
Tumingin ako sa orasan at nasa mahigit alas tres na pala. Kumuha ako ng makakain sa ref at nilagyan ko ng hita sa manok ang bowl ni Jaguar Paw. In-on ko ang TV at nagsimula na akong kumain.
In the middle of my snack, may tumawag sa akin. It was Gail, one of my trusted employee.
“Lady Agoeath, good afternoon po. Have you ever heard of Clarissa Hughes?”
BINABASA MO ANG
Cracking Grave
AcciónD E A T H S E R I E S I I I Buried six feet underground with nothing to see but soon will arise when an eclipse peak thus making the beholder feel alive.