"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong agad ni Micheal ng mapagsino ang kumakatok sa pintuan. His friends is here, June, Gerald and Eros.
"Kikidnapin ka na namin tanga, iuuwi ka namin sa San Juaquin." Sabi ni Hunyo na dirediretsong pumasok sa loob ng bahay.
"We are all calling you, pero hindi ka sumasagot sa tawag namin." Sabi naman ni Eros na umupo na din sa sofa, hindi na nila hinintay na papasukin pa ni Micheal sa loob ng bahay. Sinadya talaga nila ang kaibigan dito sa Palawan ngayon para kamustahin at tingnan kung buhay pa ito.
"Im still alive, so you can leave now." Seryosong sabi ni Micheal, he might be rude but he really don't want to talk to anyone.
"Siraulo ka ba? Hindi puwede yun, come on pare let's go back in San Juaquin." Aya ni Gerald na katabi ni Eros.
"Ayoko nga, i just want to stay here." Inikot pa ni Micheal ang tingin sa loob ng bahay. Bahay kung saan sana sila bubuo ng pamilya ni Lily pero hindi na nangyari.
"I have a clue where the bastard is, kaya tama na muna sa pag-emote pare." Si Eros na nakatingin ng maigi kay Micheal.
"Who?" Tanong ni Micheal.
"Marko, like what I've said before Micheal, im going to help you to find and kill that bastard." Nanggagalaiti na sabi ni Eros, he's not used to see his friend like this. Pumayat ito at napabayaan na yata ang sarili.
"I want to kill him with my bare hand." Sabi ni Micheal, killing Marko is not enough to ease the pain deep inside him.
Parang mas okay kung papahirapan niya muna ito, hindi lang isang tao ang kinuha nito mula sa kanya, pati na din ang magiging anak sana nila ni Lily."Gusto mo gumanti? Pero tingnan mo nga ang itsura mo Micheal ang panget mo na gago!" Saad ni Hunyo sa kaibigan.
"Lily will not be happy if she will see you like this, we know pare your still mourning because of her pero huwag mo naman pabayaan ang sarili mo. You still have your mom and sister." Seryosong sabi ni Gerald.
Biglang naalala ni Micheal ang mommy niyang araw-araw kung tumawag sa kanya. His mom also went here on Palawan once a week to check him personally.
"Alam ko na ngayon ang pakiramdam ni Eros noong nawala si Sienna, i-it's killing me. Ilang buwan na ang lumipas pero hindi ko pa din matanggap na wala na si Lily." Malungkot na sabi ni Micheal, he knows that his mom is worrying about him. Pero ano bang magagawa niya? Hindi niya pa talaga tanggap hanggang ngayon na wala si Lily."Go back to Micheal that we use to know pare, kailangan pa natin gantihan ang Marko na yun sa ginawa niya sayo. Always remember, he might laughing at you now. Ikaw na andito sa loob ng bahay at nagdudusa samantalang siya ay tuwang-tuwa sa pagkawala ng asawa mo." Sabi pa ni Eros, kailangan nilang kumbinsihin ang kaibigan na sumama sa kanila pabalik ng San Juaquin, Lily is already finished her treatment in Manila at nagsabi na ito sa kanya noong nakaraang araw na handa na daw itong makita si Micheal.
"Nahhh i can stay here, you don't have to worries guys. Hindi ako magpapakamatay okay." Sagot ni Micheal, maybe he just need time to heal the wound on his heart. Kailangan niyang tanggapin na wala na talaga si Lily, na siya na lang mag-isa at tatandang mag-isa.
"We will not leave you pare, kung hindi ka sasama dito lang din kami." Sabi ni Eros.
"Oo nga, oo nga. Pati yung kambal ko hinahanap ka na pare, na saan na daw yung ninong nilang galante." Segunda ni Hunyo.
Bumuntong hininga si Micheal at tiningnan ang mga kaibigan, alam niyang hindi talaga aalis ang mga ito lalo pa at si Eros ang may sabi. Sasama ba siya sa San Juaquin o hindi?
"Im hungry, may pagkain ka man lang ba sa ref mo? Ako na magluluto." Suwesyon ni Hunyo, hindi naman talaga siya dapat sasama dito sa Palawan. Nahila lang talaga siya kanina ni Eros lalo pa at si Angela ang unang nakausap nito kanina ng puntahan siya sa bahay niya.
"I don't trust your cooking skills Hunyo, si Gerald puwede pa kahit magprito ng itlog. Pero ikaw hindi." Sabi ni Micheal. He have food on the fridge, binibili ito ng nanay niya kapag pumupunta dito.
"Grabe kayo sa akin no? I can cook now, natuto ako at nag-enrol pa sa cooking class." Pagmamayabang ni Hunyo, talagang kahit hindi ka marunong magluto ay matututo ka lalo na kung may anak ka na pala. He have three childrens at ang kambal niya ang malakas kumain.
"Sige na, raid his kitchen Gerald, Hunyo. Mag-uusap lang kami ni Micheal." Pagpapalayas ni Eros sa dalawa. Natatawa na lang siya ng maghampasan pa ang dalawa papuntang kusina.
"So ano ang pag-uusapan pa natin?" Diretsong tanong ni Micheal ng sila na lang dalawa ni Eros ang naiwan sa sala.
Ngumiti muna si Eros bago nagsalita. "Stop your drama pare, Lily is alive."

BINABASA MO ANG
Damsel in Distress
RomanceMicheal and Lily story🖤 SELF PUB: visit my fb page maribelatenta for more details about sa book or kindly pm me for more details!