"Hi!" Simpleng bati ni Abigail ng puntahan nya ang tinurong kuwarto ng mga empleyado sa beach resort ni Micheal. Kausap nya kanina si Francinexang resort manager. "Kamusta ka na Lily? Okay na pakiramdam mo?"
"I-ikaw pala A-abby." Nagulat pa si Lily ng mapag buksan nya ito ng pinto. Naka tulog ulit sya pag balik nya dito sa kuwarto nila ni Melody. Iba talaga epekto ng antihistamine sa kanya nakaka antok. Pinapasok nya ito.. "O-okay na ako, salamat ulit kagabi."
"Naku wala yun. Teka may ginagawa ka ba?"
"Ha? Wala naman kagigising ko lang din. Bakit?"
"Papasama sana ako mag swimming sayo kung okay lang. Nag iinuman kase yung asawa ko tsaka sila Micheal."
"Aahh. Ganon ba? S-sige okay lang." Tutal hapon naman na at hindi na mainit kaya maganda mag palipas ng oras sa tabing dagat. Mag dadala na lang sya ng tela na pwedeng ipang sapin sa buhangin.
"Talaga?! Thank you Lily!" At niyakap pa ni Abigail ang dalaga. "May swimsuit nga pala ako na dala ito ang isuot mo." Winagayway pa ni Abigail ang dala nitong maliit na paper bag. "Pareho naman ata tayo ng size kaya sayo na lang to."
"Naku hindi na. S-sasamahan na lang kita mag swimming pero hindi ako maliligo." Tanggi agad ni Lily sa inaabot ni Abigail na paper bag. "B-baka magalit si Micheal kapag nakita na naman nya ako na naka swimsuit."
"Hindi yan. Ako ang bahala. Tsaka kasama mo naman ako. Mahirap naman kung ako lang naka swimsuit tapos ikaw hindi para din makapag picture picture tayo sa tabing dagat."
Nakakahiya naman tumanggi kay Abigail tinulungan nya pa naman ako kagabi pero baka magalit naman si Micheal sa akin pag nakita nya ako. Isip isip ni Lily. Pero kung nag iinuman ito kasama ang mga kaibigan hindi naman siguro pupunta ang binata sa tabing dagat kaya ayos lang.
"Sige na Lily samahan mo na ko? Please.." Paawa effect pa ni Abigail.
"S-sige na nga, teka lang mag bihis lang ako."
Saktong sakto ang two piece swimsuit na binigay sa akin ni Abigail. Ito ang unang beses na nag suot ako ng strapless bra sa beach at medyo nakakakaba pala dahil baka matanggal sa akin buti na lang makapit ang tela sa aking dibdib at talagang inayos ko ang pag suot nito.
"Ang ganda ganda sayo Lily, bagay na bagay sayo ang kulay na black ang lakas maka sexy.." Puri ni Abigail kay Lily. Nasa tabing dagat na silang dalawa. Nag swimming sila sandali sa dagat at ng dumating ang inorder na fruit shake ni Abigail ay umahon na sila.
"Maganda din naman ang suot mo." Sabi din ni Lily sa suot naman nitong pulang two piece swimsuit. Nalaman nyang may dalawang anak na pala ito at si Gerald pero sa hulma ng katawan ay hindi talaga halata. Wala man lang stretch mark si Abigail at maliit din ang beywang. Isa pang nalaman nya ay vice governor pala si Gerald at ang governor ng San Joaquin na Eros daw ang pangalan ay kaibigan din nila. Kung ganon hindi pala basta basta ang mga kaibigan ni Micheal. Puro bigatin. Hindi nga halata na pulitiko pala si Gerald dahil napaka simple lang nito wala din man lang body guard na kasama.
"You should visit us on San Juaquin Lily. Maganda doon at meron ding beach kagaya dito mag eenjoy ka sa amin."
"Hayaan mo pag natapos na ang mga problema ko dadalawin kita doon."
"NNahhhh pwede kita ipasundo sa driver namin tsaka mag bebirthday pala ang anak namin next month pumunta ka ha?"
"Ha? S-sige titingnan ko."
"Basta aasahan kita na pumunta kahit one week ka pa mag stay doon okay lang."
"S-sige.." Sagot na lang ni Lily. Masyadong madaldal si Abigail kausap at parang hindi mauubusan ng kwento sya na nga lang ang natatahimik kapag salita ito ng salita.
"May itatanong pala ako Lily.."
"A-ano yun?"
"Narinig mo kanina yung sinabi ni Micheal na hindi ka daw nya gusto?"
"Hmmnn.. O-oo. Bakit mo naitanong?" Syempre narinig nya talaga yun kanina para ngang kumirot ang dibdib nya ng sabihin nitong wala itong gusto sa kanya. Kung sa bagay bakit nga naman magkaka gusto si Micheal sa kanya?
"I don't believe him Lily. Nag sisinungaling sya." Siguradong sabi ni Abigail.
"P-paano mo naman nasabi?"
"Action is louder on voice Lily, matagal ko ng kilala si Micheal. Ninong nga sya ng panganay namin eh. At kahapon ko lang sya nakita ng ganoon."
Natahimik si Lily.
"Sinabi naman nya kagabi na sobrang nag alala daw sya sa akin kase kasalanan nya nga daw."
"Pero iba pa din. Yung kahapon nga lang na nakita ka nya na naka swimsuit, eh halos manlisik na ang mata what more ng dalhin ka namin sa ospital. He's like a kid who made a big mistake."
"M-mabait lang siguro talaga si Micheal, tsaka Abby ano naman ang magugustuhan nya sa akin? Eh dinamay ko pa nga sya sa problema ko."
"Yung presensya ng isang babae sa isang lalaki, yung ngiti, yung nakaka usap mo palagi. Ganon Lily hindi naman laging dapat mayaman ka beside mabubuhay ka naman ni Micheal."
"Ano ba yang sinasabi mo.." Natatawa ng sabi ni Lily.
"He likes you. It's a woman instinct Lily. Sigurado ako dun. Kaya ikaw hindi ka man lang ba nagkaka gusto sa kanya? Lagi kayong mag kasama ah."
"M-mabait sya, prangka, matulungin kung hindi dahil sa kanya siguradong hindi mo ako kasama ngayon dito at nasa club ako sigurado at nag sasayaw. Pero kase mahirap mangarap, lalo na kung titingnan natin masyadong magka iba kami ng lebel ni Micheal."
"Still papantay at papantay kayo, mag tatagpo at mag tatagpo kayo sa gitna. Kahit itanggi mo Lily alam mo sa sarili mo na may kaunti ng puwang na dyan si Micheal at hindi lang dahil sa utang na loob kung hindi bilang sya. But Micheal is like my husband. He is too serious, minsan mawawala tapos susulpot ulit."
Tumayo na si Lily sa buhanginan at pinagpag ang buhangin sa kanyang mga hita. "Halika na Abby mag swimming na tayo!"
At ganon din ang ginawa ni Abigail inilapag nya sa maliit na lamesang naroon ang baso ng fruit shake.
"Hey Francine may itatanong kami." Tawag ni Micheal sa kanyang manager.
"Yes sir?" Agad lumapit ang ginang. Bumati pa ito kila Oscar at Gerald.
"Have you seen my wife? Hindi pa kase bumabalik dito eh." Si Gerald na ang nag tanong. Lagpas isang oras na kase ng umalis ang asawa pero hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Nagka ayayaan kase sila kaninang tanghali na uminom at hanggang ngayon nga.
"Ay si Maam Abby po? kasama nya po si Lily kanina pagkaka rinig ko mag swiswiming daw sila."
"The fuck?" Sabi agad ni Micheal. "Nakita mo ba sila?" Tanong nya pa.
"Baka nasa dagat na ho kase naka swimsuit na sila kanina eh." Sabi pa ni Francine.
Shit.. Masasakal ko na talaga si Abigail ngayon walang duda ito ang prumotor sa pag swimming swimming nila. "Sige Francine salamat."
"Wag mo ko tingnan ng ganyan pare hayaan mo na lang sila mag enjoy." Agad na sabi ni Gerald ng tingnan sya ng kaibigan.
"We know your wife Gerald baka kung ano gawin nun kay Lily." Nag aalala na sabi ni Micheal. Parang nawala ang hilo nya ng sabihin ni Francine na mag kasama si Lily at Abigail.
"Ang kj mo talaga Micheal. Hindi mo naman girlfriend si Lily pero ang dami mong bawal." Sabat naman ni Oscar.
"Let them enjoy pare i know my wife hindi yun gagawa ng kalokohan kay Lily dahil kakilala lang nila." Natatawa naman na sabi pa ni Gerald.
"Tsk.. Ewan. Pupuntahan ko muna sila.."
BINABASA MO ANG
Damsel in Distress
RomanceMicheal and Lily story🖤 SELF PUB: visit my fb page maribelatenta for more details about sa book or kindly pm me for more details!