It took 2 days before Micheal arrived on San Juaquin. Yes, 2 days, 2 fucking days! Bakit? Dahil hindi man lang siya pinahiram talaga ni Eros ng helicopter nito, maging ng kaibigan ni Gerald na may helicopter na sinakyan niya pabalik ng Palawan ay ganon din. Idagdag pa na hindi sinasagot ni Eros ang tawag niya na siyang kinakagigil niya.
"Sir hindi daw po talaga kayo puwede pumasok sa loob ng Farm sabi ni Gov." Pangatlong beses na sabi ng security guard ni Eros kay Micheal. Mula airport ay sa Banana Farm dumiretso si Micheal.
"Call him then, my wife is inside of his Farm so please lang papasukin mo ako." Pakiusap naman ni Micheal. Pakiramdam niya ay ginagantihan siya ni Eros ngayon dahil sa pagsuntok niya dito. Una ang hindi nito pagpapahiram ng helicopter tapos ito naman ngayon, may pagka walanghiya di talaga ang Governor ng San Juaquin ano po?
"Hindi po namin siya puwede tawagan kung hindi emergency, yun po ang bilin ni Gov sa amin." Paliwanang ulit ng security guard na nasa entrance ng Farm ni Eros.
"Tangina talaga." Lihim na mura ni Micheal sa isipan.
"Kung gusto niyo Sir puntahan niyo muna si Gov sa Kapitolyo para makausap niyo muna. Tapos kapag okay na po tsaka po kayo bumalik dito."
"Sige, sige pupuntahan ko muna ang siraulo mong boss sa Kapitolyo." Yun lang at umalis na si Micheal sa Farm.
Pagdating sa Kapitolyo ay walang Eros na naabutan si Micheal kaya sa opisina ni Gerald siya pumunta.
"Nasaan nga kase si Eros? Diba ikaw ang Vice niya? Bakit hindi mo alam?" Napipikon na tanong ni Micheal sa ngayon ay prenteng nakaupo na si Gerald."I maybe his Vice but it doesn't mean alam ko kung nasaan siya palagi, bakit hindi mo tinanong ang secretary niya?" Sabi naman ni Gerald.
"I asked her already, hindi nga daw alam kung saan nagpunta. So baka alam mo?"
"Hindi ko nga alam, kulit mo. Yan kase eh, kung hindi ka din siraulo sinuntok mo na nga si Eros hindi ka pa naniwala sa kanya. Anong akala mo sa tao? Hindi ka gagantihan?"
"Because i thought he only making fun about the deaths of Lily."
"Tapos? Nalaman mong buhay pala talaga? Eros won't do that, parang hindi mo naman siya kilala. Eh ano ka ngayon? Baka mamaya tinago na ni Eros ang asawa mo. Naku maghahanapan pa kayong dalawa niyan."
Napatiim ng bagang si Micheal, Eros can really do that. Walang duda doon, pero huwag naman sana. Hindi na nga siya nakatulog ng maayos kakahintay sa flight niya papunta dito sa San Juaquin tapos heto namancang bumungad sa kanya ngayon. "Teka, so nakita mo na din si Lily kung ganon?"
"Secret.." Nakangising sabi ni Gerald sa naiinis na si Micheal.
"Parang gago naman to eh! Ano nga kase? Nakita mo nga?"
"Secret.." Sabi pa ulit ni Gerald habang pinapaikot ang ballpen sa kanyang kamay.
"Hindi ako nakikipagbiruan Gerald, nakita mo nga si Lily?" Nauubusan na pasensiya na tanong ulit ni Micheal. Bakit ba ganito ang mga kaibigan niya? Bakit parang pare-parehong may saltik?
"Secret nga, sige na baka nasa mansyon niya si Eros, doon mo puntahan." Pagtataboy ni Gerald sa kaibigan.
"Yun talaga ang gagawin ko dahil hindi ko siya nakita dito."
"Oh hiramin mo muna." Hinagis ni Gerald ang susi ng sasakyan niya kay Micheal. "Huwag mo gagasgasan ha? Lagot ako kay Abigail kapag may gasgas yang kotse, hati kami sa pinangbili niyan."
"Oo iingatan ko ang kotse mo. Thank you!" Nilapitan pa ni Micheal si Gerald at kinurot sa pisngi nito.
Mag aalas singko na ng hapon nakarating si Micheal sa mansyon ni Eros, at si Sienna ang naabutan niya doon.
"Oh my god Micheal!" Hindi makapaniwalang sabi ni Sienna ng makita ang sinasabi na bisita sa kanya ni Nanay Imelda. Tinawag kase siya ng Mayordoma sa kuwarto nila ni Eros.
"Hi! Sienna." Maikling bati ni Micheal. "Nasaan yung hudas mong asawa?" Ngaling-ngaling itanong pa ni Micheal.
"Hala anong nangyari sayo? Pumayat ka!" May pag-aalala sa boses ni Sienna na nilapitan si Micheal at niyakap pa. Pero ilang sandali lang ay.. "T-teka.." Agad na sabi ni Sienna ng may humila sa kanya sa pagkakayakap kay Micheal. "Eros!"
"Ako lang ang dapat niyayakap mo baby, hindi yang gagong yan." Hinapit pa ni Eros ang asawa palapit sa kanya habang nakatingin kay Micheal.
"Hindi ako pinapasok sa Farm mo." Sabi agad ni Micheal, Kadiri! Paano kaya ito nagustuhan ni Sienna? 15 years na nga ang agwat nila tapos masama pa ang ugali ng kaibigan niya. Sa isip-isip ni Micheal, pero siyempre kailangan niyang magpakabait dito ngayon.
"Hindi ka talaga papapasukin doon, bawal ang gago dun tanga." Balik na sabi ni Eros pero kinurot naman siya ni Sienna.
"Nagkausap na daw kayo ni Lily Micheal?" Tanong ni Sienna.
"So my wife is really alive? Sienna? Buhay talaga ang asawa ko?" Maniniwala na talaga siya kung si Sienna ang magsasabi.
"Yes, she is alive Micheal. Actually magkasama kami kanina."
"Nasaan siya kung ganon? I really really want to see her. So please nasaan na ang asawa ko?"
"I saw this private boat on your Resort Micheal the last time we went there. Give it to me then papapasukin kita sa Farm ko." Nakangising sabi ni Eros. Sobrang nagustuhan niya kase ang bangka ni Micheal sa Resort nito. Doon kase nag landing ang helicopter niya kaya nakita niya doon. Puwedeng-puwede niya ilagay yun sa Resort niya, tapos gagamitin nila ng asawang si Sienna para pumunta sa gitna ng dagat at doon sila mag-sesexy time!
"No way! I bought that for 3 million no!" Mabilis na tanggi ni Micheal.
"Eh di umuwi ka na lang ng Palawan tapos mag lungkot-lungkutan ka na lang doon." Balewalang sabi ni Eros.
"Eros!" Saway ni Sienna sa asawa.
"It's a win win situation baby, hindi ko pa din nakakalimutan na sinapak ako ng walanghiyang yan." Paliwanag ni Eros sa asawa. "Beside ayos lang naman kung ayaw niya, meaning hindi niya din makikita si Lily ganon lang kasimple yun."
Putangina yan, napaka-utak talaga ng Gobernador na ito. Akala ko ba si Hunyo lang ang mangdurugas sa aming magkakaibigan? Eh nahawa na yata itong si Eros. Sabi ni Micheal sa sarili, parang gusto niya tuloy suntukin si Eros ngayon kaso nakakahiya lang kay Sienna. At isa pa baka hindi na talaga sa kanya ipakita ang asawa niya.
"Ano na? Deal or no deal? Madali ako kausap Micheal. Private boat lang oh tapos makakapasok ka na sa Farm ko." Dagdag pa ni Eros na akala mo ay nanghihingi lang ng limang piso.
"Oo na, oo na sige na pumapayag na akong letse ka!"
"Good." Nakangising sabi ni Eros, sabi na eh hindi makakatanggi ang kaibigan niya. Pag-ibig nga naman, gagawin talaga ang lahat. Dinampot niya ang notebook ng anak na si Miracle na nasa lamesa at pumilas doon ng papel. "Oh pumirma ka muna pare, para legal ang usapan natin." Inabot ni Eros ang papel at ballpen sa kaibigan.
Prepared yern?Pailing-iling na pumirma si Micheal sa kapirasong papel. Tangina yan, sino ba nagpa-uso ng what's are friends are of? Hayop hindi effective ngayon ah!

BINABASA MO ANG
Damsel in Distress
RomanceMicheal and Lily story🖤 SELF PUB: visit my fb page maribelatenta for more details about sa book or kindly pm me for more details!