CHAPTER 14

40K 945 97
                                        


"Tangina wala pa ding pinag bago ah. Sharp shooter pa din." Sabi ni Oscar sa dalawang kaibigan na sila Gerald at Micheal. Andito silang tstlo ngayon sa Palawan firing range, isa't kalahating oras mula sa beach resort ni Micheal.

"Syempre i need this. Iba na kapag marunong humawak ng baril." Sagot ni Gerald.
Lahat naman silang mag kakaibigan ay lisensyado sa pagkakaroon ng baril pwera na lang kay Oscar na mas gustong sandok ang hawak dahil restaurant ang business nito.


"It was a nice game pare." Tinapik pa ni Micheal ang kaibigan na si Gerald sa braso. Nakaka miss din talaga ang makipag barilan, parang hinahanap hanap ng katawan nya. Noong nasa navy seal sya madalas silang maka engkwentro ng mga pirata sa mga karagatan na binabantayan nila. Usually mga portuges at mexicano ang mga nakaka palitan nila ng bala. Ito yung mga pirata na gustong maka kuha ng mga armas ng amerika. Pero ngayon nga hanggang firing range muna sya dahil napa aga ang pag reresign nya.


●●●●●●●

"Hindi po ba maam magagalit si Sir Micheal nito? Oras po kase ng trabaho." Nag aalalang sabi ni Melody kay Abigail. Pinatawag kase sya nito para lang pala may makasama na uminom. Si Lily din ay andoon.


"Hindi yun magagalit tsaka pinag paalam na din kita kay Francine so maupo ka na dyan Melody."


Nag aalangan na sumunod si Melody, kilala nya si Abigail at isa itong doktor at asawa ng isang vice governor na kaibigan naman ng kanyang boss na si Micheal. Ilang beses na itong nag pupunta dito sa resort simula ng pumasok sya dito. Galante ang mag asawa mag tip kaya nga nag uunahan silang mga empleyado kung sino ang mag lilinis sa villa na tutuluyan ng mga ito.


"Uuwi na pala kayo bukas ni Gerald no?" Sabi ni Lily na nakaka ilang baso na din ng Bacardi. Kanina pa sila nag iinom ni Abigail. Hindi talaga sya nito tinantanan sa kuwarto nila ni Melody hangga't hindi siya sumama. Wala kase ang asawa nito at sila Micheal, nag punta daw sa firing range sa kabilang bayan.

"Oo ang bilis nga eh. Tapos back to work na naman kaming mag asawa.."

"Hayaan mo tatawagan kita minsan para makapag kamustahan tayo." Hiningi kase ni Lily ang facebook ni Abigail at ngayon nga ay friend na silang dalawa doon.

"Basta Lily sa birthday ng anak namin pumunta ka ha? Kung hindi mag tatampo talaga ako.." Si Abigail na nag bukas na naman ng pangalawang bote ng alak.


"Sige Abby sasabihan kita agad kapag makaka punta ako."


Mag aalas sais na ng gabi ng makarating sila Micheal sa kanyang resort. Pag katapos kase nilang mag firing range ay nakipag kwentuhan pa sila sa may ari na retired PNP general.


"Ano yang binili mo Makoy?" Tanong ni Micheal sa isang tauhan na may bitbit na maliit na cooler.

"Ay kayo pala sir Good evening ho. Tube ice sir pinabili ho ng kaibigan nyo."

"Oho yung kaibigan nyo Sir yung babae, yung asawa nya ho." Turo pa ni Makoy kay Gerald na kabababa lang sa unahang sasakyan.

"Si Abby? Eh aanhin daw nila yang yelo? Ang dami nyan ha!" Nag tatakang tanong pa ni Micheal.

"Eh nag iinuman ho sila kasama pa nga ho si Lily at Melody. Kanina pa nga po eh." Kakamot kamot pa na sabi ni Makoy. "Sige sir una na ho ako baka hinihintay na itong yelong pinabili."


"Tangina.. Alam mo Gerald kung hindi lang talaga kita kaibigan masasakal ko na yang asawa mo." Asik ni Micheal sa kaibigan. "Dapat kase sinama mo na lang eh."


Damsel in Distress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon