This chapter is dedicated to zathara2308 salamuchhhh sa pa kape.
Walang ka alam-alam si Micheal na susunod ako sa pupuntahan niya. Alas singko ng hapon ng mag paalam ito sa akin na makikipag kita ito sa mga kaibigan niya, ayaw ngang umalis na hindi ako kasama pero para daw sa kanya mismo ang party na gagawin nilang magka kaibigan dahil nga ikakasal na kami sa Lunes. At kabilin bilinan pa daw ni Gerald na asawa ni Abigail na NO GIRLS ALLOWED kaya kahit gusto siya nito isama ay hindi din puwede.
Mag aalas otso ng gabi ng sunduin ako nila Sienna, Abigail at Angela sa bahay nila Micheal. Ang mga loka bihis na bihis talaga, parang mga dalaga pa din tingnan kahit may mga anak na. Si Sienna ay naka pulang dress na hanggang tuhod, si Angela ay naka slacks naman na pinarisan ng maluwag na blouse. At si Abigail naman ay naka itim na dress katulad ko.
"Ano ba yan bakit naka flat shoes ka lang Lily?" Sita ni Abigail sa suot ko.
"Huh? Ano ba dapat? Wala naman akong dalang ibang sapatos ng mag punta kami ni Micheal dito. Rubber shoes tsaka ito lang." Paliwanag ko.
"Diba nga isu-surprise natin si Micheal? Sasayawan mo remember?" Si Abigail na katabi ko sa likod ng sasakyan. Si Angela ang nag mamaneho ng kotse, si Sienna naman ang naka upo sa tabi nito. Apat lang kami dito sa sasakyan pero may tatlong kotse naman ang naka sunod sa amin sakay ang mga bodyguard nila Abigail at Sienna.
"Seryoso ba talaga yun? Akala ko nag bibiro lang kayo kahapon." Sabi ko naman.
"Hindi yun joke no! Buti na lang talaga prepared ako." Mayabang na sabi ni Abigail at inabot sa akin ang isang paper bag mula sa tabi nito.
Kinabahan alo bigla
"Ay naku Abby ayoko nyan. Baka kung ano na naman yan." Tanggi ko sa kanya at binalik muli dito ang paper bag na binigay nya. Hindi na talaga ako tatanggap ng ano mula sa babaeng ito, delikado."Relax Lily damit lang yan, pinakita na sa amin yan kanina ni Abigail." Sabi naman ni Sienna na lumingon pa sa akin.
Napa tingin ako ulit kay Abigail na naka ngiti, baka naman pati damit kaya nitong gawan ng kalokohan? "Sure kayo ha?" Paninigurado ko pa habang binubuksan ang paper bag na pinatong ni Abigail sa hita ko. Pero ng makita ko ang damit na sinasabi nila ay parang hindi ko ito kaya suutin sa harap ni Micheal!
"Ang sexy diba? Bagay na bagay sayo yan Lily siguradong mababaliw si Micheal sayo mamaya." Sabi ni Abigail habang tinitingnan ko ng maigi ang binigay niya sa akin. It's a color black bunny costume! Pang bdsm ito ganito ang nakikita ko sa internet. See through ang maikling damit na pang itaas, pag sinuot ko ito siguradong bakat ang aking mga nipples tapos kita din ang aking pusod. At ang pang ibaba ay kulay itim din na parang boyleg shorts. Meron pang kasama na itim na stocking at itim na bunny headband. Lord iuwi nyo na lang po ako sa Palawan. "Parang hindi ko kaya suutin to."Binalik ko lahat sa loob ng paper bag. "Hindi ko kayang sumayaw ng ganito lang ang suot tapos andoon din kayo." Paliwanag ko sa kanila.
"Don't worry Lily iiwan namin kayo ni Micheal sa loob para kayong dalawa lang. Tsaka siguradong hindi din papayag mga asawa namin na manood sa inyo." Sabi ni Angela.
Luhhh.. Ano ba ito? Oo ako o hindi? Parang walang atrasan na ito eh. Sa isang penthouse kami nag punta, siguro mayroong mga dalawampung palapag ang gusali na nasa town proper ng bayan ng Caspir. Ang ganda ng view habang sakay kami ng elevator, kitang kita ang buong bayan pati na din ang dagat. Pag mamayari daw ito ni June ang asawa ni Angela. Engineer pala ang asawa nito at itong building ay si June daw mismo ang nag disenyo.
Samantala masaya namang nag kwekwentuhan at nag iinuman sila Micheal.
BINABASA MO ANG
Damsel in Distress
RomanceMicheal and Lily story🖤 SELF PUB: visit my fb page maribelatenta for more details about sa book or kindly pm me for more details!