CHAPTER 02

44.6K 988 26
                                    





I was looking intently on the woman who are laying on my sofa bed. Halos isang oras na itong tulog mula ng dumating kami dito sa beach resort ko. She is wearing the uniform of the fast food i went too earlier, so doon sya nagta trabaho? Pero nag tataka pa din ako bakit hinahabol ito kanina ng tatlong armadong lalaki? Mag nanakaw ba ito? O may ginawang krimen? Dapat ata sa pulis ko ito diniretso at hindi dito sa villa ko. But she have angelic face na parang hindi kaya gumawa ng masama kaya bakit sya hinahabol kanina? And the way she asked me to help her earlier ay halos mag makaawa ang boses nito at takot na takot. Pero may kasabihan ngang look can be decieving kaya pag nagising ito ay pauuwiin ko na. I don't want to meddle on other problem. Been there, been that. Ayoko makisali sa gulo, sa kahit anong klaseng gulo ng ibang tao..





Anyway I am Micheal Villarosa, thirty five years old and currently living here in Palawan. I served as a U.s marine for thirteen years and last year i decided to have my early retirement. I want to explore something more, something i want to establish for myself. Sa sobrang focus ko sa trabaho hanggang ngayon ni girlfriend ay wala ako! I want to build a family, to find a woman i can be with for the rest of my life. Ayokong tumanda mag isa, nauungusan na ako ng mga kaibigan ko. So after flying from America going here to Philippines i decided to bought a resort and my new ventures here. I choose here in Palawan, my place is not crowded compare to other resort here, i do have fifteen villa where you can stay. My resort offer also different beach activities that tourist will enjoy and have some fun. Gusto ko ang turistang mag babakasyon sa resort ko ay hindi nila malilimutan ang pag stay dito, yung tipong babalik balikan nila ang lugar dahil napaka ganda at tahimik.




Aside on my private resort here in Palawan my family do have a house on San Juaquin. Kaya kapag wala ako dito sa resort ay andoon naman ako sa bahay namin. I convinced my mom and my sister to live here in Philippines, mas mainam talaga sa sarili mong bansa tumira. At nasa San Juaquin nga ang mommy at kapatid ko.





I do have best of friends who are really one call away who are living in my hometown, ako lang talaga ang napa layo sa aming magka kaibigan. Sila ang mga tinuturing ko ng parang mga kapatid. Totoo talaga na hindi mo kailangan ng maraming kaibigan ang mahalaga ay mga totoo sila sayo, yung maasahan mo kapag may kailangan ka o may problema ka. Kaibigan na hindi lang sa saya masaya kasama kung hindi sa bawat hamon ng buhay.



Si Oscar ang lagi kong kasama kapag busy ang tatlo pa naming kaibigan, he have a restaurant business. Tulad ko single pa din ito kaya kami ngayon ang partners in crime ika nga. Next is June, he's into construction business and married to Angela and have a beautiful family now. Whirlwind ang istorya ng dalawang ito ang dami pang pag subok na hinarap sila pa din pala hanggang huli. Then next is Gerald he is the vice Governor of San Juaquin like June he is also a family man now, kasal ito sa makulit at madaldal na doktor na si Abigail. Meron na din itong dalawang anak. And last but not the least is Eros one of the youngest politician in the Philippines. He is a governor, and he's the only friend who knew about my work before. Hindi alam ng tatlo pa naming kaibigan ang dati kong trabaho bilang U.s marine. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila pero alam ko kaseng mas safe kay Eros ang nakaraan ko. Hangga't maari din ay ayoko ng pag usapan ang naging trabaho ko noon. Ilang beses din kase nabingit ang aking buhay sa panganib. Ilang beses na din akong nabaril pero sa awa ng diyos ay nakaka ligtas naman at buhay pa hanggang ngayon. Though i had a early retirement from my previous job i still do exercises to stay fit, like now im into swimming dahil na din sa trabaho ko. Basketball and biking too. Madami pa akong hilig, im into wood crafts also. Ewan ko pero mas gusto ko na gamit sa bahay ay gawa sa kahoy para kase sa akin napaka espesyal tingnan kapag ganon.



Samantala dahan dahang minulat ni Lily ang kanyang mga mata, agad syang napa pikit ulit ng masilawan ng ilaw. Naramdaman din nya ang pag kirot ng kanyang tiyan maging ang kanyang balakang. Ilang sandali pa ay dumilat ulit sya hanggang sa mapag sino ang lalaking naka upo sa tapat nya. "Ikaw??"





"Hi miss. Im the one who help you." Sabi ni Micheal, sa wakas ay gising na ito. Pwede nya na itong pauwiin para makapag pahinga na sya. Alas otso na din kase ng gabi.





"S-salamat. Akala ko hindi mo na talaga ako tutulungan." Mahinang sabi ni Lily. Bakit ba parang nahihiya sya ngayon? Ito ba talaga ang tumulong sa kanya? Pero ito talaga ang may ari ng sasakyan na sinakyan nya kanina! Ngayon nya lang mas nakita ang mukha nito kumpara kanina na nasa loob sya ng sasakyan na hindi nya masyado naaninag. Pero ang boses nito ay kilala nya. At hindi nya itatanggi na napaka kisig nito at gwapo! Ma muscle din ang pangangatawan na akala mo ay batak sa mabigat na trabaho.


"I will not ask you what happened to you earlier o kung bakit hinahanap ka kanina ng mga lalaki. But now that your already awake pwede ka na sigurong umuwi."




"H-ha? T-teka! Na saan ba ako? Nasa pilipinas pa naman ako diba? Pero bakit english ka ng english."




Natawa si Micheal sa sinabi ng babae. "Of course your still in the Philippines. Nasa resort kita.."




"Aaahh.. Sayo to?" Inikot pa ni Lily ang paningin sa silid kung na saan sila. Malaki ang lugar, merong kama kung na saan sya ngayon na ang disenyo ay hanging bed. Mayroon ding lutuan at maliit ding sala. At kung hindi sya nagkaka mali ay banyo siguro ang kulay puting pintuan na naroon.



"Wag ka na mag taka, this is my villa. Ako nga pala si Micheal." Nilahad ni Micheal ang kamay sa dalaga. "What's your name?"


"L-lily.. Ako si Lily B-bautista." At inabot ni Lily ang kamay ng binata para makipag kamay. Kung ano ang kinalaki ng katawan nito ay ganoon din ang kamay! Parang ang dalawang daliri nya ay katumbas ng isang daliri nito!



"Well okay ka naman na siguro so pwede ka ng umuwi.." Naka ngiting sabi ni Micheal.



"A-ayoko umuwi, baka andoon sila sa bahay ko. Yung mga humahabol sa akin." Basag ang boses na sabi ni Lily.


"Paano mo malalaman kung na andoon nga yung mga lalaking humahabol sayo kung andito ka naman? Come on miss i help you awhile ago so if you don't mind you can go home now."





Napapatitig lang si Lily kay Micheal. Saan ba ako pupunta? Ayoko talaga umuwi dahil siguradong andoon ang mga tauhan ni Marko! "S-sige maraming s-salamat sa tulong mo." Paalam nya dito, mukhang mabait naman itong Micheal pero alam nyang madadamay lang ito sa problema nya pag nag pumilit pa sya na manatili dito.




"Your welcome.. Mag ingat ka na lang sa susunod." Tumayo si Micheal. "Come on ihahatid na kita sa labas. "





Nang nasa gate na sila ng resort ay inabot ni Micheal ang bag ni Lily, naiwan nito iyon kanina ng mag tago ito sa kotse nya. "This is 30 minutes away from the fast food chain your working." Sabi ko pa sa kanya. Tahimik lang ito at puro tango. Hindi naman sa tinataboy ko sya pero ayoko lang talaga makisali sa kung anong gulo ang kinasasangkutan nya.


"T-thank you ulit Micheal. H-hindi ko ito makakalimutan." Tipid na nginitian ni Lily ang binata at nag lakad na palayo. Ngayon saan sya pupunta?

Damsel in Distress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon