Hindi alintana ni Micheal ang lamig ng hangin na nanunuot sa kanyang balat. Mag aalas tres na ng madaling araw at sakay siya ngayon ng helicopter pabalik ng Palawan. Sobrang pasalamat niya at may kilala ang kaibigang si Gerald na meroon din na helicopter, wala pala si Eros sa San Juaquin at gamit daw nito ang sasakyang panghipapawid nito. Kung puwede lang talaga siya lumipad ay gagawin niya makauwi lang ng Palawan. Pasado ala una ng madaling araw kanina ay nakatanggap siya ng tawag mula sa tauhang si Francine. Nagkakagulo daw sa Resort niya at nasusunog. Wala siyang pakialam doon, ang pinag-aalala niya ay si Lily lalo pa at sa mismong Villa daw niya nag umpisa ang sunog. Hindi niya makontak ang asawa, at bago sila kanina sumakay ng helicopter ay hindi na din niya matawagan ang Resort manager niya kaya naman kung anu-ano ng pumapasok sa kanyang isipan ngayon. Pero sana walang mangyaring masama kay Lily.
Mga bumbero at mga pulis ang naabutan ni Micheal pagdating sa Resort. Paroon at parito ang mga tao, agad hinahanap ng kanyang mata ang asawa sa mga taong naroon pero wala!
"S-sir Micheal.." Ang umiiyak na Resort manager na si Francine ang agad lumapit kay Micheal.
"Nasaan si Lily? Nasaan ang asawa ko?" Hindi magkamayaw na tanong ni Micheal.
"H-hindi pa ho siya nakikita, a-ang sabi ng mga bumbero meron d-daw patay doon na nakita sa Villa niyo." Ang nanginginig na boses ni Francine habang kinakausap ang kanyang boss.
"Putangina!" Malakas na mura ni Micheal, hindi pupuwede! Hindi puwedeng nasunog ang asawa niya!
"Calm down pare.." Sabi naman ni Gerald habang nakasunod sa kaibigang si Micheal.
Lakad takbo ang ginawa ni Micheal papunta sa kanyang Villa, wala siyang pakialam sa mga empleyadong tumatawag sa kanya. Isa lang ang gusto niya, ang makita si Lily!
"Sir! Sir! Bawal ho pumasok sa loob, for infection pa ho." Sabi ng isang bumbero na humarang kay Micheal. Pero hindi siya nakinig at pilit pa din siyang kumakawala sa pagkakahawak ng kaibigang si Gerald.
"Hintayin na lang natin hanggang sa puwede ng pumasok sa loob." Sabi naman ni Gerald, naiintindihan niya ang pag-aalala ng kaibigan. Kahit sino naman ang nasa sitwasyon nito ngayon ay siguradong magkakaganito din.
"Lily! Lily! N-nasaan ka? Nasaan ka n-na?" Napaluhod na lang si Micheal sa harap ng
ng Villa. Sunog na sunog ang limang Villa niya na magkakahilera. May mga bumbero pa din na pinapatay pa din ang usok sa dalawang Villa. Ang daming tanong sa kanyang isipan, kung paano at saan ba nagsimula ang sunog at kung ano ba talagang totoong nangyari."Hello Sir! Kayo daw ho ang may-ari ng Resort?" Sabi ng isang bumbero na lumapit kay Micheal, ito yata ang pinaka hepe ng mga ito. Inalalayan naman ni Gerald si Micheal para makatayo.
"Yes, y-yes ako nga." Sagot ni Micheal sa lalaking lumapit sa kanya.
"Im Senior Fire Officer Rodriguez Sir at meroon hong isang casualties sa sunog. Inaalam pa din namin hanggang ngayon ang pinaka dahilan kung bakit nagkasunog, pero isa lang din ho ang sigurado. Sinadya ho ang sunog may nakita kase kaming galon ng mga gasolina dito."
Napakuyom ang kamay ni Micheal dahil sa narinig. Sino naman kaya ang gagawa nito?
"At kung may CCTV ho kayo dito baka puwede din makatulong sa imbestigasyon." Dagdag pa ng Fire officer.
"N-nasaan na ho yung nakita niyong patay? Saang Villa niyo nakita? Babae ba o lalaki?" Lakas loob na tanong ni Micheal.
"Dito ho Sir.." Turo ng bumbero sa Villa na tinutuluyan mismo ni Micheal at pinag-iwanan niya kay Lily kahapon. "Meron ho kaming nakitang singsing sa bangkay, baka kilala niyo ang may-ari." At inabot na nito kay Micheal ang nakita ng mga bumbero kanina na singsing.
"No! No! No! H-hindi puwedeng si Lily ang nakita niyong patay. Hindi puwedeng ang asawa ko ang nakita niyo. H-hindi puwede!"
Halos mag hysterical si Micheal ng makilala ang singsing na inabot sa kanya. It's their wedding ring! Ito ang binigay niyang singsing kay Lily noong kinasal sila!"Katawan ho ng babae Sir ang nakita ng mga tauhan ko sa loob. Sunog na sunog ang bangkay at hindi na makilala." Dagdag impormasyon pa na sabi ng Fire officer.
Pilit pinipigilan ni Gerald na huwag maiyak sa nakikita niya. Parang isang bata si Micheal na umiiyak at napaupo na lang ulit. He never saw his friends like this, kilala niya itong masayahin at mapag-biro pero ngayon naaawa siya dito ng husto.
"Sige ho Sir, balitaan namin kayo ulit mamaya kung ano na ang resulta ng pag-iinpeksiyon pa namin. Kung gusto niyo hong makita ang bangkay andoon pa ho sa ambulansiya." Paalam ng bumbero bago ito tuluyang umalis.
"Pare.." Tawag ni Gerald sa kaibigan.
"S-si Lily Gerald, si Lily yung asawa ko." Sobrang naninikip ang dibdib ni Micheal ngayon, sobrang sakit. Hawak niya ng mariin ang singsing sa kanyang kamay. What's happened to her? Tinatawag ba siya nito habang nagkakasunog kanina? Umiiyak ba ito? Bakit walang tumulong sa asawa ko!
Hinayaan muna ni Gerald ang kaibigan na umiyak, dinukot niya ang telepono mula sa bulsa tsaka tinawagan ang asawang si Abigail, sasabihin niya muna dito ang masamang balita.
"S-sir Micheal.." Malayo pa lang ay naiiyak na si Melody na naglalakad palapit sa kanyang boss.
"Melody.." Tawag ni Micheal sa isa niyang empleyado na kaibigan ni Lily.
"S-sir wala na daw ho si Lily? Hindi namin agad siya napuntahan sa Villa niyo dahil biglaan ho ang nangyari. A-at ang alam ko lalabas naman si Lily kapag nalaman nitong may sunog."
Hindi umimik si Micheal sa narinig, sana ganoon ang nangyari. Nakalabas sana ito, pero sabi kanina ng kausap niyang bumbero ay sinadya daw ang sunog. Ang tanong sino ang gumawa nito?
"S-sir may sasabihin ho ako.." Mas lumapit pa si Melody kay Micheal. Alam niyang hindi pa din makapaniwala ang boss niya sa nangyari. Pero tapos na, may namatay na at si Lily nga yun.
"Ano yun?" Tanong ni Micheal.
"Sir si Lily ho kase may surprise sana sa inyo pagbalik niyo dito. Kaso S-sir hindi na mangyayari."
"A-anong surpresa ang sinasabi mo?" Napatayo na si Micheal at humarap sa kanyang empleyado.
"Sir si Lily ho kase, si Lily po buntis."
"W-what?" Gulat na tanong ni Micheal kay Melody.
"Nagpabili po siya sa akin kahapon ng pregnancy kit kase one week na daw siyang delay. Kaya din hindi siya sumama sa inyo para susubukan niya gumamit nun, at ayub nga Sir nalaman namin kahapon b-buntis pala si Lily. S-sir kawawa naman si Lily. Nasunog siya sa loob ng Villa ng walang kalaban-laban. Oati ang magiging baby niyo sana ay wala na din."
Napasuntok si Micheal ng malakas sa pader. "Putangina! Putangina!" Balewala ang pagdudugo ng kanyang kamao, parang namanhid ang buong katawan niya sa narinig mula kay Melody. Lily is pregnant? His wife is pregnant for fucking sake!
Parang sobra-sobra naman na yata ang nangyari, hindi niya pa nga matanggap na patay na si Lily tapos ngayon malalaman niya pang buntis ito sa magiging anak sana nila.Napaigting ang panga ni Gerald ng makita ang cctv video ng Resort ng kaibigan. Buti na lang may mga cctv na hindi nasama sa sunog kanina. Agad niyang pinatawag sa isang empleyado ng Resort si Micheal, baka kilala nito ang pumasok na lalaki sa loob ng Villa kung nasaan si Lily.
Walang ibang maramdaman si Micheal kung hindi galit at poot sa kanyang dibdib matapos panuorin ang kuha ng cctv video sa kanyang Resort. Walang iba kung hindi ang humahabol noon kay Lily ang may gawa ng lahat ng ito, si Marko. At sisiguraduhin niya na siya mismo ang papatay dito.
THE END

BINABASA MO ANG
Damsel in Distress
Storie d'amoreMicheal and Lily story🖤 SELF PUB: visit my fb page maribelatenta for more details about sa book or kindly pm me for more details!