Kasabay ng malamyos na musika ay ang pag indayog ng aking katawan. Ang mga sigawan, mga tingin sa akin na puno ng pag nanasa nang mga kalalakihan na narito ay balewala na sa akin ngayon. Mayroong mga sumisigaw, sumisipol at tumatawag sa aking pansin. Lahat ay binabalewala ko na lang ngayon. Tatlong buwan na simula ng mag trabaho ako dito sa The blue club, nung una ay wala akong magawa kung hindi umiyak. Sino ba namang babae ang gugustuhin ang ganitong trabaho? Pinilit lang naman ako gawin ito at dala na din ng takot ay wala akong magawa kung hindi sumunod. Hindi ko pinangarap ang ganito. Wala sa hinagap ko ang sumayaw sa harap ng maraming tao na tanging maskara lang ang suot ko para itago ang aking pagkaka kilanlan at ang kakarampot na tela na nag tatakip ng aking pribadong katawan.
Ako si Lily Bautista, dalawampu't tatlong gulang. Ulila na sa magulang, namatay ang aking ina sa isang aksidente na ako mismo ang kasama nya. Naalala ko pa, sobrang saya ko ng araw na yun. Sa ika dalawampu't isa kong kaarawan ay niregaluhan ako ng magulang ko ng kotse. Dahil sa excitement hindi ako nagpa pigil na i drive yun pero sa mismong kaarawan ko ay may isang hindi inaasahan na pangyayari. Isang pang yayari na magpapa bago pala ng aking buhay. Nabangga ko ang sasakyan na regalo sa akin. Dead on the spot si mommy habang ako ay halos isang buwan nanatili sa ospital.
Pag katapos ng pangyayaring yun lahat ay nag iba. Ang masayang turingan namin ni daddy ay nawala. Napabayaan din nya ang aming negosyo hanggang sa kinailangan na nitong mangutang para isalba ang Bautista farm. Hindi nya man sabihin alam kong ako ang sinisisi nya dahil sa pag kamatay ng aking ina. Pero walang may gusto na maaksidente kami. Hanggang ngayon nga inuusig pa din ako ng aking konsensya. Kung hindi lang sana ako nag pumilit at nakinig lang sana sa magulang ko wala siguro ako dito. Hindi sana ganito ang mangyayari sa akin.
At matapos mamatay ni dad apat na buwan na ang nakaka lipas sa sakit sa puso ay sa akin naiwan ang utang na nagamit nya sa aming negosyo. Wala akong ka alam alam na ang pinag kakautangan nya ay isang grupo ng mga halang ang bituka dito sa Palawan. Dahil hindi ako maka bayad sa sinisingil nilang halaga ay dinala nila ako dito sa club na pag mamay ari ni Marko, ang lider ng grupo. Ilang beses nya sa aking sinabi na ako ang mag babayad ng utang ni daddy dahil kung hindi ay papatayin nya ako. Wala akong ibang kamag anak na pwedeng hingian ng tulong o malapit man lang na kaibigan. Kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Hawak nya ako sa leeg, wala akong magawa kung hindi sumunod.
Dito ko lubos naintindihan kung paano gumastos ang mga mayayaman na tao. Hindi lang ito ordinaryong club, meron din itong pasugalan at bilihan ng iba't ibang drugs. Gustong gusto ko ng mag sumbong sa mga pulis pero maski pulis dito sa aming bayan ay hawak nila. Hindi lang pilipino ang mga parokyano dito kung hindi mga foreigner din. Foreigner na akala mo ngayon lang nakakita ng babae. Mga sabik sa laman, sabik maikama ang mga babaeng nag tatrabaho dito at nag sasayaw. May ilan na waitress na alak kong nagpapa bayad para makipag talik kapalit ng pera, pero yun ang hinding hindi ko gagawin. Hindi ko ipag bibili ang aking pagka birhen sa kung sino. Tama na na akala ng mga tao sa paligid ko na ako ay isang puta, bayaran at mababa ang lipad. Basta ang alam ko sa sarili ko ay malinis ako.
"Your really good in dancing Lily.." Sabi ni Marko sabay hawi pa ng ilang buhok ko na humarang sa aking mukha papunta sa likod ng aking tenga. Nandidiri ako pag ganito ito kalapit sa akin. Dapat talaga pagka tapos kong sumayaw ay umalis na ako agad. Hindi ko masikmura na pumayag ako na gawin nya akong mananayaw dito sa club nya, wala syang puso! Puro pera lang ang nasa isip. Walang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao..
"S-salamat.. Pero u-uwi na ako." Paalam ko sa kanya. Alas dos na ng madaling araw. Natapos na naman ang isang gabi ko ng pag sasayaw at hindi ko pa alam kung hanggang kailan ko pa ito gagawin. Minsan naisip ko sana may dumating na isang tao na tutulong sa akin, taong pwedeng sumagip sa miserable kong buhay.
![](https://img.wattpad.com/cover/288397145-288-k560635.jpg)
BINABASA MO ANG
Damsel in Distress
RomanceMicheal and Lily story🖤 SELF PUB: visit my fb page maribelatenta for more details about sa book or kindly pm me for more details!