CHAPTER 42

25.1K 806 82
                                    





Good morning! Wala po sana mag chat sa akin na update update ng paulit ulit. Mas nakakatamad po magsulat kapag ganoon.😅

Micheal and Eros spend their night on Palawan, they never thought that they will be cruel on Marko like what they did. Pinahirapan ito ng husto ng mga body guard ni Eros, pero hindi si Micheal ang mismong tumapos sa buhay nito. One of Eros bodyguard did, pinatinapon lang din nila sa ilog ang bangkay nito. Still hindi pa dito natatapos, before they went back on San Juaquin they talked on Governor Buenaventura, the Governor of Palawan. Hindi pupuwedeng napatay na nila si Marko pero magpapatuloy pa din ang mga kasamaan nito, natural lalo pa at buhay pa ang mga tauhan ni Marko, they can still continue their bad deeds. But now Micheal feel relief, at last his wife is now free and can live peacefully.


San Juaquin..

"Eros!" Masayang bati ko ng makita ko ito kasama ang aking asawa. Tanghali na nakabalik ang dalawa galing sa kung saan. At narito nga siya sa mansyon ng mga Jacinto para hintayin ito kasama si Sienna.



"Lily.." Nakabusangot na niyakap ni Micheal ang asawa, bakit si Eros ang tinawag nito pagpasok nila ng pinto imbes na siya? "I miss you, uwi na tayo." Aya niya dito. Napakasimple lang ng suot nitong asul na bestida.



"Mamaya na, kararating niyo lang eh. At isa pa hindi ko pa nakakakuwentuhan si Eros." Sagot ko sa kanya.

"Hindi mo siya dapat makakuwentuhan Lily, im tired. I want to sleep." Reklamo ni Micheal.


"Sige na nga, pero pupunta tayo ulit dito ha? Saan ba kase kayo nagpunta?" Hinimas ko pa ang mukha ng aking asawa, kumakapal na naman ang balbas nito pero siyempre hindi niya yun ipapaahit kay Micheal. Mas gusto niya na may balbas ito kaysa wala.


Mabilis na nagpaalam ang mag-asawa kila Sienna at Eros, hindi na nga nila napaunlakan ang pag-iimbita ni Sienna na magtanghalian muna sila bago umuwi. Pagod na nagmaneho pauwi si Micheal, he just want to lay on their bed with Lily.


"Kailangan mo ng masahe? Parang pagod na pagod ka. Pati din si Eros parang pagod kanina, saan ba kayo galing?" Tanong ko ng lumabas si Micheal mula sa banyo, kaliligo lang nito.

"We went to Palawan.." Panimula ni Micheal.

"A-anong ginawa niyo dun?" Parang kinakabahan na tanong ko, kaya ba hindi ito nagsabi sa akin kahapon kung saan sila pupunta dahil sa Palawan pala.

"We killed Marko." Direktang sabi ni Micheal sa asawa, pagkatapos ay hinigit niya ito papunta sa kanilang kama. "Finally naipag-higanti na din kita sa wakas kaya wala ka ng dapat ipag-alala pa simula ngayon." At mabilis niya itong hinagkan sa noo.

"Pinatay niyo? Seryoso ka Micheal?" Napaupo ako mula sa pagkakahiga sa sinabi niya.


"Yes, with the helped of Eros of course. I can be cruel for my love one Lily, lalo na sa ginawa niya sayo at sa magiging anak sana natin." Seryosong sabi ni Micheal, hindi man nagsasalita ang asawa dahil sa nangyari dito partikular sa pagkawala ng anak nila alam niyang sinisisi nito ang sarili dahil sa nangyari.


Hindi ko alam ang sasabihin ko, alam kong isa ito sa plano ni Eros noong tinutulungan pa niya ako at wala pang nakakaalam na buhay pa ako. Isa yun sa sinigurado niya sa akin maski noong dinala niya ako sa Ospital. Pero hindi ako makapaniwala na pati si Micheal ay kasama.


"No worries Lily, im not a bad guy here. Marko deserved it, hindi lang ikaw ang sinira niya kung hindi ang maraming kabataan sa Palawan na nalulong sa drugs at pati na din mga kababaihan na binebenta niya sa mga foreigners."



Totoo yun, sa Club ni Marko ay may mga mas bata pa sa akin na sumasayaw. At alam kong katulad ko napipilitan lang din sila sa ginagawa. Niyakap ko ng mahigpit si Micheal. "Salamat, maraming salamat sayo. Kung wala ka hindi ko talaga alam kung saan ako pupulutin ngayon."

●●●●●●●

Napipikon na nilingon ni Micheal ang asawang si Lily, dalawang linggo na ang nakakalipas buhat ng manggaling sila ni Eros sa Palawan at dalawang linggo na din silang walang sexy time! Ang kinakainis pa niya lalo ay laging hinahanap ng asawa si Eros sa hindi niya malaman na dahilan. Katulad ngayon, sabadong-sabado pero galing sila sa bahay ng kaibigan.


"Ang suwerte ni Sienna kay Eros ano? Ang guwapo ni Eros tapos mabait pa." Sabi ko kay Micheal habang nasa sasakyan kami pauwi. Pero bigla din akong napatili ng pumreno ito ng malakas.



"Im done on this!" Galit ng sabi ni Micheal. "You think it's right to say that infront of me? Na pinupuri mo yung kaibigan ko kaysa sa akin? Hindi na nakakatuwa Lily! Ako ang asawa mo!"


Natahimik ako sa sinabi niya, teka bakit ba nagagalit siya? Wala namang masama sa sinabi ko ah. "Bakit ka nagagalit sa akin? Totoo namang guwapo si Eros ah! Mas guwapo pa nga siya kaysa sayo eh."

Bumuntong hininga ng malalim si Micheal habang nakatingin sa asawa.
Kalma Micheal, kalma.. Asawa mo yan. Baka nag-iisip bata lang kaya ganyan. 12 years ang age gap niyo remember? "Im not happy every time you talked about my friend Lily. Nakakapikon."


"Eh di bahala ka, hindi ko na problema yun." Sagot ko naman.


Muling pinaandar ni Micheal ang sasakyan, mas okay pa na huwag na siyang makipagtalo kay Lily at huwag ng patulan ito. Naalala niya tuloy noong naglilihi si Abigail kay Hunyo galit na galit lagi si Gerald. Paano ba naman laging hinahanap ni Abby si June tapos etong si Gerald ay napipikon naman. Wait.. Naglilihi? Tiningnan niya agad si Lily na nakasandal ang ulo sa bintana ng sasakyan niya. Hindi kaya buntis na ito kaya ganito?

Damsel in Distress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon