Short update po. Ulit short update lang. Patulog na talaga ako pero katulad ng dati hindi na naman mapakali ang kamay ko.
Halos isang buwan ng nanatili sina Micheal at Lily sa San Juaquin, naibenta na kase ni Micheal ang kanyang Resort sa Palawan at bumili na lang sila ng lupa dito sa bayan ng Burgos para tayuan ng kanilang bahay. At siyempre si Hunyo ang kinuha niyang contractor para na din mapabilis ang paggawa at makakuha ng discount.
"Seryoso ba ito Eros? Hindi pa ako nakakapagpaalam sa asawa ko." Tanong ni Micheal ng papuntahin siya ng kaibigan sa Kapitolyo.
"Tawagan mo na lang mamaya, but for now we need to go on Palawan. Anytime padating na din ang helicopter ko." Sabi naman ni Eros.
"Okay thank you for this pare." Pasasalamat ni Micheal kay Eros. Hindi na siya makapaghintay na makita ang Marko na yun and he will make sure siya mismo ang papatay dito. Finally nahuli na din ito ng mga tauhan ng kaibigan niya. At lintek lang talaga ang walang ganti.
Sa isang gusali na pagmamay-ari ng Gobernador ng Palawan dumiretso sila Eros at Micheal. Without the help of the Governor hindi agad mahahanap ni Eros si Marko. Powers in politics really do well, kung hindi lang nakipag matigasan si Eros sa Gobernador ng Palawan ay walang mangyayari. Of course he really know the other Governor dirty secret.
Napakuyom ang kamao ni Micheal ng makita ang lalaking nakaupo at nakatali pagpasok nila sa isang kuwarto. May apat na bodyguard si Eros na naroon. Agad niyang nilapitan si Marko at binigyan ng malakas na sapak. "Im the one who will kill you bastard!" Gigil na sabi ni Micheal, hindi pa siya nakuntento at sinikmuraan niya pa ang lalaki. This guy should die, yung unti-unti hanggang sa magmakaawa na lang ito sa kanya na patayin ito. He remembered what Lily went thru with this guy mula kung sa paano sila nagkakilala ng asawa hanggang sa tinulungan niya ito at ngayong asawa niya na si Lily. He will make sure na mahihirapan muna ito bago mamatay.
Tiningnan naman ni Marko ang lalaking sumuntok sa kanya, walang iba kung hindi ang lalaking tumulong kay Lily at pinakasalan pa nito, Si Micheal. Kung ganoon kaibigan pala nito ang Gobernador ng San Juquin. Hindi naman niya inakala na masasakote siya ng pulis sa mismong club niya. Akala niya din ay sa presinto siya ididiretso pero hindi dito pala! "Yan lang
ba ang kaya mo?" At dumura pa siya sa sahig. "Nasaan na si Lily? Hindi mo na talaga pinakawalan ano? Masarap ba ang babaeng yun at humaling na humaling ka sa kanya?" Pang-aasar niya pa dito.Ang kaninang galit ni Micheal ay mas nadoble sa sinabi ng lalaking nasa harap niya. Walang sino man ang maaaring bumastos kay Lily! "Putangina mo papatayin na kitang gago ka!" At mabilis niyang binunot ang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran, pero mabilis din naman siyang inawat ni Eros.
"Easy Micheal, pahirapan muna natin bago mo patayin." Sabi ni Eros.
Pero hindi nakinig si Micheal kay Eros, pinaputukan niya sa hita si Marko, napasigaw naman ito sa ginawa niya. "Ngayon kang magsisisigaw na hayop ka, ng dahil sayo nasunog ang Resort ko. At ng dahil sayo namatay ang magiging anak sana namin ni Lily!" Gamit ang dulo ng baril, diniinan ni Micheal ang tama nito sa hita. Natatawa pa siya ng makitang pilit itong kumakawala mula sa pagkakatali.
"Hayop ka!" Sigaw ni Marko.
"I am, binalaan pa kita noong una. Sinabihan na kitang pabayaan mo na si Lily pero sadyang matigas lang talaga ang bungo mo at sige ka pa din ng habol sa kanya." Sabi ulit ni Micheal, he remembered again the scar on his wife back. At narito sa kanyang harapan ang salarin noon.
"Hayaan mo kapag nakatakas ako dito itago mo ng mabuti si Lily. Dahil sisiguraduhin ko matitikman ko na ang babaeng yun!" Sabi na naman ni Marko. Alam niya kung papaano mapikon ang Micheal na ito at si Lily lang ang puwede niyang isangkapan.
"Kung yun ay mabubuhay ka pa." Inabot ni Micheal sa isang tauhan ni Eros ang hawak nitong asido. He will pour acid on Marko's body para naman maramdaman nito kung ano ang ginawa niya ng masunog ang likod ni Lily.
"Shit.." Mahinang mura ni Marko ng marealize kung ano ang hawak ni Micheal.
"Tutal nasunog ang likod ni Lily dahil sa kagagawan mo, eh di subukan din natin sayo." Walang sabi na binuhos ni Micheal ang asido sa likod ni Marko. Ang sigaw kanina nito ng barilin niya ay nadagdagan pa at halos umiyak ito sa sakit naramdaman. "How it feels? Masakit ba?"
"T-tangina mo!" Sabi ni Marko na napahiga na lang sa labis na sakit sa kanyang likuran.
You deserved it, magkikita din kayo ni satanas tandaan mo yan." Hinagis ni Micheal ang bote ng asido na walang laman sa sahig. Hahayaan niya muna ito, masarap pumatay ng unti-unti.
●●●●●●●
"Hindi ka talaga uuwi? Saan ba kase kayo ni Eros nagpunta?" Tanong na naman ni Lily sa asawa ng sagutin na nito ang tawag niya.
"I can't tell for you now sweetie, pero don't worry uuwi kami ni Eros okay?" Micheal said to his wife. Alas nuwebe na kase ng gabi at tiyak na hahanapin na siya ni Lily.
"Pero gusto ko makita si Eros Micheal, kahit siya na lang pauwiin mo." Parang bata na sabi ni Lily, galing nga siya kanina kila Sienna pero wala pala doon si Eros at umalis nga daw kasama ang asawa niya.
"Teka nga, anong gusto mong makita si Eros? Anong pinagsasabi mo Lily?" Nakakunot na ang noo na tanong ni Micheal.
"Gusto ko lang makita si Eros Micheal, basta umuwi na kayo! Dapat bukas ng umaga andito na kayo ha." Sagot ni Lily.
"Do we have a problem Lily? Bakit si Eros ang hinahanap mo? Im your husband!"
"Ewan ko basta gusto ko siyang makita." Naiinis din na sagot ni Lily, at sa inis niya nga ay pinatayan niya ng tawag si Micheal.
"Oh? Anong problema mo?" Tanong ni Eros sa kaibigan.
"Hinahanap ka ni Lily.." Nakabusangot na sagot ni Micheal.
"Ni Lily? Bakit daw?" Nagtatakang tanong ni Eros.
"I don't know, and that's makes me pissed. Bakit ka nga ba hahanapin ng asawa ko?"

BINABASA MO ANG
Damsel in Distress
RomantikMicheal and Lily story🖤 SELF PUB: visit my fb page maribelatenta for more details about sa book or kindly pm me for more details!