CHAPTER 18

32.9K 839 118
                                        






Hi! pa like po ng fb page ko. maribelatenta stories. Salamat!

"So kamusta na Lily? Napa aga ata ang pag punta nyo dito sa San Juaquin." Tanong ni Abigail sa akin. Nahihiya pa ako sa kanila lalo na at ngayon ko lang nakilala ang mga asawa ng dalawa pang kaibigan ni Micheal. Nasa kusina na kaming apat. Nag luluto si Sienna ng pananghalian daw namin at tinutulungan naman ito ni Angela kanina.

"Oo nga eh. Nagulat din ako ng sabihin ni Micheal kahapon na may ticket na daw sya ng eroplano."

"Teka girlfriend ka ni Micheal?" Tanong sa akin ng nag ngangalang Angela. Napaka simple nito tingnan at mukhang mahinhin.

"Ha? Ah eh.." Ano bang isasagot ko?

"Hindi sya girlfriend ni Micheal pero parang sila na.." Sagot ni Abigail. "Ano pa lang nangyari nung inuwi ka Micheal noong nalasing ka?"

"W-wala. Naka tulog lang ako." Sagot ko naman. Alang naman ikwento ko sa kanila na sinayawan ko at kinantahan si Micheal ng gabing iyon at nag halikan kami.

"Weeehh really Lily? Ang weak naman ni Micheal kung ganon!"

"Sira ka talaga Abby." Natatawang sabi ni Sienna. Tinikman nya muna ang nilulutong kaldereta at muling tinakpan ito. "Wag ka mag papaniwala dyan kay Abby.." Nginitian pa ako ni Sienna.

"Sure ka talaga Lily walang dyugdyugan na nangyari?" Hindi pa din kumbinsidong tanong ni Abigail sa akin.

Umiling ako. "Anong dyugdyugan ba kase yun?" Naguguluhan ko syang tiningan at tanong sa kanya.
Kinangiti naman ito ni Angela at Sienna.

"Dyugdyugan, bumira, nag sex ganon." Dirediretsong sabi ni Abigail habang kumakain ng hinog na mangga. Mag kaharap kami na naka upo sa lamesa.

"H-hindi no! Hindi namin ginawa yun!" Mariin kong tanggi.

"Pero nag kiss kayo? Half half? O nag foreplay man lang?"

Tumingin ako sa naka tayong si Angela. Hindi ko talaga alam pinag sasabi nito ni Abigail.

"Wala nga. V-virgin pa ako no!"

"Wahhhhh!!" Tili ni Abigail at hinawakan pa ako sa kamay. "Really? Virgin ka pa?" Parang hindi ito maka paniwala.

"Oo nga. Bakit ba? Hindi ko naman boyfriend si Micheal kaya bakit naman namin gagawin yun?"

"Paano Lily yang si Abigail sya ang nanligaw kay Gerald ngayon kaya ganyan yan." Kwento naman ni Sienna.

"Talaga?" Tiningnan ko si Abigail para maka sigurado.

"Alam nyo sa panahon ngayon hindi na dapat tayong babae ang nag hihintay maligawan. Diba nga sabi ko pag may tyaga may nilaga." Proud pa na sabi ni Abigail. "Tingnan mo naman kasal na kami ni mi loves tapos masaya naman kaming dalawa."

Napa tango tango ako, so si Abigail pala ang may gusto sa asawa nya na ngayon noon? Siguro makulit talaga ang babaeng to.

"Pero Lily aminin mo attracted ka dyan kay Micheal pati sya sayo.." Dagdag pa ni Abby na nag hihiwa na naman ng mangga.

Natahimik ako, attracted nga ba ako? "Tinutulungan nya lang ako.."

"Yes he's helping you but Lily like what I've said before ikaw pa lang ang unang babaeng pinakilala sa amin ni Micheal. At noong nasa resort ako nakita ko kung gaano sya nag aalala para sayo.."

"Nagka taon lang siguro.." Sabi ko pa, mahirap mag expect baka kase ma dissapoint lang ako bandang huli.

"Pero wala talaga nangyari sa inyo? Ang hina naman ng manok ko!" Hirit pa ni Abby.

"Wala nga.."

"Pero pag ikaw na virginize Lily nakuuu baka katulad ka nito ni Sienna na nagka laceration pa. Ang laking tao pa naman ni Micheal."

Hinila naman ni Sienna ng mahina ang buhok ni Abigail. Ang daldal talaga ng babae na to. "Ang dami mo talagang kwento." Sabi pa ni Sienna.

"Oh bakit totoo naman ah! Sarap na sarap sayo si Eros tapos tatawag tawag ng nilagnat ka." Kwento pa ni Abigail.

"Abigail!!" Namumulang tinakpan ni Sienna ang bibig ni Abby. "Naku Lily alam mo na kung bakit ayaw ka palapitin ni Micheal sa babaeng to. Pasmado ang bibig diba?" Tanong nya pa sa akin.

"O-oo nga.."

"Ngayon gaganyan ganyan na kayo sa akin ha. Ikaw Sienna tsaka ikaw Lily parang hindi kayo nag enjoy sa mga lubricants na pinamigay ko ha.." Sabi ni Abigail.

"Ano yung lubricants?" Takang tanong ko. Parang narinig ko na yun dati pero hindi ko alam kung ano.

"Ay naku Lily magkaka sundo talaga tayo!" Tumayo si Abigail at tumabi pa sa akin. "Meron akong lubricants sa bag gusto mo?"

Masaya ang naging tanghalian namin. Masarap kausap sina Sienna at Angela. Si Abigail lang pala talaga ang makulit. Matapos naming kumain ay nagka yayaan sila Micheal at mga kaibigan nito na mag inuman sa garden. Samantalang kami ay nasa Living room ng bahay nila Sienna.

"Ang laki ng bahay nyo no." Hindi ko mapigilan mag komento ng magka tabi kami ni Sienna sa sofa.

"Mansyon to ni Eros, every weekend dito kami tumutuloy kasama ang mga anak namin. Pag weekdays naman doon talaga kami sa bahay na pinagawa nya." Kwento ni Sienna.

"Ang dami nyo pa lang bahay no?" Tanong ko pa.

"Hindi naman itong mansyon tapos yung bahay namin na iniwan na sa akin ng daddy ko at yung bahay na regalo sa akin ni Eros. Para din naman sa mga anak namin yun pag lumaki sila.."

"Aaahhh.. Sabagay mas maganda talaga mag invest ng bahay at lupa habang tumatagal tumataas ang value."

"Sa bahay kayo nila Micheal tumutuloy ngayon? Kahapon lang kayo dumating diba?" Tanong naman ni Angela sa akin.

"O-oo sa kanila nga. Mabait yung mommy nya tsaka yung kapatid nya."

"Buti hindi nag taka yung mommy ni Micheal kung ano ka nya?" Tanong ulit ni Angela.

"Girlfriend ang pakilala nya.. Kaya nga mag kasama kami tuloy sa kuwarto nya eh."

"Talaga Lily? Buti nakakapag kontrol sayo si Micheal ano? Sayawan mo para mabaliw.." Hirit na naman ni Abigail.

Napa iling na lang ako sa sinabi nya. Botong boto talaga sya kay Micheal para sa akin.
Ilang sandali lang nagulat ako ng may humawak sa balikat ko at pag tingala ko ay si Micheal pala.

"Buti si Sienna ang katabi mo. Wag ka tatanggap ng kahit ano mula kay Abby ha.." Bilin nito sa akin.

"Wag ka iinom ng madami ha? Magda drive ka pa." Sabi ko naman sa kanya.

"Yes hindi ako iinom ng madami basta yubg bilin ko ha?" Sabi pa nito sa akin.

"Oo sige.." Maikling kong sagot pinag titinginan na kase kaming dalawa nila Abigail.

"Oh tubig ka muna Lily ako nauumay sa pa sweet effect nyo ni Micheal eh.." Abot sa akin ni Abigail ng isang basong tubig. Nag aalangan pa ako na kunin ito.

"Tubig lang yan Lily wag ka praning dyan." Sabi pa nito kaya tinanggap ko na din at ininom. "Salamat." Sabi ko sa kanya ng maubos ko ang isang baso.

"Halika na mag dessert na tayo. May dinalang fruitcake si Angela." Sabi ni Sienna.


Damsel in Distress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon