CHAPTER 23

33.3K 768 40
                                        

Hayyyy ang sarap kumain ng cake ngayon😑 kahit black forest lang. Beke nemennn.😂🤣😂

Hindi ko maiwasang kiligin sa bulaklak na nakalagay sa aking tabi pagka gising ko. Ewan ko pero apat na araw na akong binibigyan ni Micheal ng ganito tuwing umaga. Dinampot ko ito at pinag masdan, sa itsura ni Micheal hindi ito yung tipong sweet pero ngayon nalaman ko na may side pala sya na ganito. Tatlong araw kami namalagi sa resort ni Eros at kahapon nga ay umuwi na kami dito sa bahay nila. Tuwang tuwa ang mommy ni Micheal ng malaman nito na magpapa kasal kami, pati ang kapatid nya ay excited din.

"Good morning.." Bati ni Micheal kay Lily ng maabutan nya itong gising na pag pasok nya sa kanilang kuwarto. Hawak nito ang bulaklak na kinuha nya sa garden ng mommy nya.

"S-salamat sa bulaklak, baka magalit na ang mommy mo kaka kuha ng tanim nya sa garden."

Natawa si Micheal sa sinabi ni Lily, nilapitan nya ito sa kama at naupo doon. Nakapag jogging na sya kanina at nakapag exercise. Alas singko pa lang ng umaga ng magising sya at ngayon nga ay alas syete pasado na ng umaga.

"Halika na labas na tayo, hinahanap ka na ni mommy. Mag aalmusal na daw."

Agad akong bumangon sa kama, nahihiya na din ako minsan sa mommy ni Micheal paano ni ayaw ako patulungin sa gawaing bahay.
Inayos ko ang kama na hinigaan namin, mamaya pag kakain ilalagay ko ang mga bulaklak sa vase dito sa kuwarto ni Micheal. Ganito lagi ang ginagawa ko sa binibigay nyang bulaklak.

"Ayaw nyo na ba talaga magpa pigil ha? Bakit hindi na lang sa simbahan kayo mag pakasal?" Tanong ni Ginang Elizabeth kila Micheal at Lily. Kasalukuyang nag aalmusal sila ngayon.

"Magpapa kasal din kami mommy sa simbahan pero sa ngayon sa huwes muna tsaka na ayos ko na ang tungkol doon." Sagot naman ni Micheal sa ina.

"Oh sige na nga malalaki naman na kayo. Kailan nga ulit ang araw ng kasal nyo?"

"Sa monday po." Ako na ang sumagot sa tanong ng mommy ni Micheal. Friday ngayon at dalawang araw na lang ikakasal na kaming dalawa. Ewan ko pero sabi ni Micheal sa akin tinulungan daw sya nila Gerald at Eros para maayos ang mga kailangang papel para makasal kami. Ngayon nga ay magkikita kami nila Sienna para bumili ng isusuot ko na damit sa lunes.

"At saan nyo balak tumira pag nakasal na kayo kuya?" Si Elisha ang kapatid ni Micheal.

"Babalik kami sa Palawan pero syempre pupunta at pupunta pa din kami dito." Sabi ni Micheal.

"Teka Lily baka naman buntis ka na ha at minamadali na nitong anak ko ang kasal nyo."

Muntik akong mabulunan sa sinabi ni Tita Elizabeth, buti na lang inabutan ako agad ni Micheal ng tubig. "H-hindi po. Hindi po ako buntis." Sagot ko matapos uminom ng tubig.

"Sayang naman kung ganon gustong gusto ko ng mag alaga ng baby. Etong si Elisha ang laki laki na, tapos si Micheal ang tagal din akong bigyan ng apo."

Natawa si Micheal sa sinabi ng mommy nya. His mom really want to have a grandchildren, ilang beses na nitong sinabi na mag asawa na sya at mag anak na. Noong nasa Amerika nga sya noon ilang anak din ng kaibigan ng mommy nya ang na date nya sa kagustuhan ng ina. Pero sadyang hindi nya talaga gusto ang mga puti o amerikana. Mas gusto pa din talaga nya ang pilipina. "Hayaan mo mom malapit ka na magka apo.."

Hinatid ako ni Micheal sa isang shop sa bayan ng Caspir, dito kase kami magkikita nila Sienna at Angela. Ilang sandali lang ang hinintay namin ni Micheal at dumating na ang dalawa.

"Im so happy for you Lily.." Niyakap ni Sienna si Lily at binati din nito si Micheal. Ganon din ang ginawa ni Angela.

"Oh paano Sienna, Angela kayo na bahala kay Lily ha? Buti at wala si Abigail. Kinakabahan na ako sa babaeng yun eh." Saad ni Micheal sa asawa ng mga kaibigan nyang sina June at Eros.

Damsel in Distress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon