Mga dokumento at damit lang ang kinuha ni Lily sa tinutuluyan nya. Hindi nga sila tumagal man lang doon ng kalahating oras. Basta nya lang inilagay sa isang bag ang mga gamit nya. Sinabihan nya lang din ang land lady nya na babalikan nya na lang ang ibang gamit na naiwan akala nya ay hindi ito papayag pero sa huli pumayag din ito..
"You know that house? O kilala mo ang nakatira doon?" Micheal asked Lily when they passed on a two storey house on the town proper, kulay puti ang bahay at napaka lawak ng bakuran. Baka kilala nito ang nakatira doon dahil nakita nyang sinundan pa ni Lily ng tingin ang bahay ng lumagpas sila doon.
"Y-yun ang bahay namin." Simpleng sagot ni Lily.
"What?" Napa tingin sandali si Micheal sa katabi at nagpa tuloy ulit sa pag mamaneho. Bahay nila? That huge house?
"Y-yun ang bahay namin sabi ko. Doon kami nakatira dati. k-kaso nakuha na ng banko kaya yun wala akong nagawa kung hindi umalis dun."
"Hmmnn.. I see." So may sinabi din pala talaga ang buhay ni Lily noon? Kung doon ito nakatira ibig sabihin masagana ang pamumuhay ng pamilya nila dati. Pero anong nangyari? "Can i ask a question Lily?"
"Y-yes ano yun?"
"Bakit naka pangutang ang daddy mo ng malaking halaga sa lalaking humahabol sayo? S-sorry for asking but kung ayaw mo sagutin ayos lang. Im just curious."
"Okay lang alam ko namang itatanong at itatanong mo sa akin ito." Sabi ni Lily. "Naaksidente ang mommy ko nung mag celebrate ako ng 21 birthday ko. At kasalanan ko yun, binilhan nila ako ng kotse bilang regalo pero nag pumilit akong mag drive sakay si mommy then accident happened. Nabangga yung kotse na niregalo nila sa akin. Dead on the spot sya samantalang 1 month ako sa ospital. Lahat ng savings nila ni dad ay nagamit sa pag papalibing at pagpapa gamot ko. Yung business naman namin ay napabayaan kaya nangutang si dad kay Marko. Pero ang mali ng daddy ko ay hindi nya muna inalam kung saan ba galing ang perang pinautang sa kanya at kung ano bang mangyayari kung hindi sya agad makaka bayad."
Hindi ako naka imik habang nag kwekwento si Lily. Listening on her voice makes me realize that she's saying the truth. Dati nag dadalawang isip pa ako na maniwala sa mga kwento nya pero ngayong narinig ko na ang side nya ay parang mas may nag udyok sa akin na tulungan ko pa sya.
"So your only child?"
"O-oo. Wala din akong kilalang kamag anak nila mommy at daddy kaya nung namatay si dad hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko nga akalain na magta trabaho ako sa isang fast food chain eh.."
"At lalo na sa bar na sinasabi mo working there us against on your will. Don't worry Lily hangga't kaya ko na protekhan ka sa mga nag hahanap sayo ay gagawin ko." Sinulyapan pa ng mabilis ni Micheal ang dalaga at natawa pa sya ng makitang mamula ang pisngi nito.
"Uy! Saan kayo galing ha? Ikaw Lily maharot ka talaga! Nag date kayo ni Sir Micheal ano?"
"Baliw." Sabi ni Lily sa kasamahan sa trabaho. Naabutan sya nitong nag aayos ng mga gamit na kinuha nya sa inuupahan nya. Mang aasar na naman ang babaeng ito, day off nga pala nito ngayong araw.. "Sinamahan lang nya ako okay"
"Sussss.. Sinamahan lang daw." Parang hindi naniniwalang sabi ni Melody. "Kaya pala hindi ako ang inaya mo kanina kase si Sir pala ang kasama mo." Parang nag tatampo pa na sabi nito.
"Nakakahiya kase tumanggi sa kanya."
"Pero sa akin okay lang?"
"Hindi naman sa ganon syempre. Tsaka umuwi naman kami agad." Pasado alas onse pa lang kase ng umaga ngayon. Wala naman palang pupuntahan si Micheal sa bayan gaya ng sabi nito kahapon. Gusto lang pala talaga sya samahan.
"Sabagay sa pogi ni Sir Micheal kahit ako pag inaya nya ko sasama din talaga ako, kahit saan pa.."
"Saan ka naman nya aayain aber?" Nangingiting pinameywangan pa ni Lily si Melody. Natapos na din sya mag ayos ng mga gamit nya sa wakas.
"PAG nga. PAG inaya."
"Pero hindi ka naman aayain nun." Pang aasar nya dito. "Halika na mag tanghalian na tayo kanina pa ako nagugutom!"
"E-Ewan ko sayo." Inirapan pa ni Melody si Lily. "Basta mamayang hapon mag swimming tayo ha? Tutal hindi naman na masakit ang paa mo tsaka gagaling pa yan pag niligo mo sa dagat."
"Sige! Tamang tama nadala ko yung mga pang ligo ko kaya pwedeng pwede tayo mag swimming!."
Bandang alas kuwatro ng hapon ay nag pasyang maligo sina Lily at Melody sa dagat. Bago yun ay nag paalam pa sila sa resort manager na si Francine dahil hindi nila makita si Micheal, mukhang natutulog ang boss nila. Hindi kase porket off ni Melody at sya naman ay nag papagaling pa ng paa ay pwede na nilang gawin ang gusto nila. Nasa loob pa din sila ng resort kaya mas mainam na mag paalam din sila.
"Hayyyy ang daya mo talagang babae ka." Naka simangot na sabi ni Melody.
"Bakit na naman?" Nasa buhanginan pa silang dalawa at hindi pa lumulusong sa dagat. Sa may parte sila ng resort na walang gaanong guess.
"Tinalbugan mo ang one piece swimsuit ko."
Paano ba naman kulay puti na two piece bikini ang suot ni Lily samantalang si Melody naman ay isang itim na one piece swimsuit.
"Maganda naman sayo yang suot mo tsaka bagay pa sayo."
"Pero mas tinalbugan mo akong babae ka. Tsaka sure ka ba na hindi ka nag pa dagdag ng dede? Natural lang talaga yan?" Tanong pa ni Melody. Ayaw kase nitong maniwala na natural lang ang dibdib ni Lily at biniyayaan lang talaga ito ng malaking dibdib.
"Oo nga sabi. Hawakan mo pa eh."
"Yuck.. Nevaaa." Parang nandidiri na sagot ni Melody. "Pero pwede mong ibigay sa akin yung iba nyan para lumaki naman itong akin." Tukoy nya pa sa maliit na hinaharap.
"Oo ba. Babawasan ko ito para sayo. Tara na mag babad na tayo sa dagat hindi na masyadong mainit." Aya pa ni Lily, naeexcite kase syang mag tampisaw sa tubig. Asul na asul ang dagat at parang nang hahalina sa mga tao na lumangoy doon.
BINABASA MO ANG
Damsel in Distress
RomanceMicheal and Lily story🖤 SELF PUB: visit my fb page maribelatenta for more details about sa book or kindly pm me for more details!