"I-is she okay?" Agad kong nilapitan si Abigail. Dahil doktor sya pinayagan sya mismo na makapasok sa loob ng emergency room. Im so damn worried about Lily. So worried.
"Okay na sya Micheal maiuuwi na din natin si Lily mamaya."
Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng marinig ko ang sagot ni Abby. Hindi ko nga alam kung paano na kami nakarating dito sa ospital ng ganoong kabilis kanina. Halos paliparin ko na kanina ang sasakyan. Si Abigail at Lily nlang sakay ng sasakyan ko at si Gerald at Oscar naman ay sumunod na lang kanina gamit ang isa ko pang sasakyan.
"Kung ganon may allergy pala talaga sya sa sea foods kaya pala narinig ko kanina na ayaw nya kumain." Sabi naman ni Gerald.
Yes i heard it hindi nga lang isang beses sya tumanggi ng yayain ko sya kumain kanina still i insist her to eat with us. Grabe talaga ang kaba na naramdaman ko kanina ng pag pasok ko sa loob ng villa ko ay pulang pula ang katawan nya. Sabi ni Micheal sa sarili.
"Sige na pumasok ka na doon, gising naman si Lily. May ininject lang sa kanya ang doctor para tumigil ang pamamantal ng katawan nya at para hindi sya mahirapan sa pag hinga.." Sabi pa ni Abby.
Hindi na nag dalawang isip pa si Micheal. Pumasok na sya sa kuwartong pinag dalhan kay Lily.
"H-hey.." Naabutan nyang naka upo ito sa kama. "H-hows your feeling? O-okay ka na ba? May masakit pa ba sayo?"
"Okay na ako mawawala din daw itong pantal sa katawan ko mamaya." Mahinang sagot ni Lily.
"Im sorry hindi ko alam na may allergy ka pala sa sea food kung alam ko lang hindi sana kita pinilit kanina na kumain. Kasalanan ko kung bakit nagka ganyan ka."
"A-ano ka ba wala kang kasalanan. Hindi ko din kase sinabi sayo na bawal talaga ako kumain ng mga sea foods nahihiya kase ako kanina sayo at sa mga kaibigan mo na tumanggi."
"Still you made me so worry. Sorry talaga Lily.."
"Okay lang ang importante ayos na ako tsaka sabi pala ng doktor p-pwede na daw ako umuwi."
"Ganon ba sige babayaran ko muna yung bill mo then uwi na tayo para makapag hinga ka na din." Simpleng ngiti lang ang isinukli ni Lily.
Pangalawang beses pa lang na experience ni Lily ang ma ospital dahil sa pag atake ng allergy nya at ngayon nga ang pangalawa. Mas grabe nga lang ngayon dahil nahirapan pa syang huminga.
Pasado alas onse na ng gabi ng maka balik sila sa beach resort.
"Pasensya na talaga sa inyo." Sabi ni Lily sa tatlong kaibigan ni Micheal ng maka baba sila ng sasakyan. Nahihiya tuloy sya sa mga ito dahil naabala pa nya ang masaya sanang hapunan. Ilang beses din syang nag pasalamat kay Abigail kanina ng nasa ospital pa sila. Obgyne doctor pala ito pero hindi lang talaga halata dahil taklesa.
"Ayos lang buti nga at okay ka na. Wala namang may gusto ng nangyari sayo." Si Oscar.
"Sige na Lily mag pahinga ka na siguradong maya maya ay bagsak ka na dahil sa antihistamine na ininom mo." Sabi ni Abigail na naka yakap pa kay Gerald. Ganon kase ang epekto ng antihistamine mawawala ang allergy mo pero aantukin ka naman, sa iba naman mabigat pa nga ang katawan.
"She will stay on my villa tonight. Ako ng bahala sa kanya." Sabat naman ni Micheal na kinatingin nilang lahat.
"Ha? Naku hindi na! Dun na lang ako sa kuwarto namin tsaka okay naman na ako." Tanggi agad ni Lily. Ano bang pinag sasabi ng lalaking ito? Nakaka hiya! Baka isipin pa ng mga kaibigan nya may relasyon kami.
BINABASA MO ANG
Damsel in Distress
RomanceMicheal and Lily story🖤 SELF PUB: visit my fb page maribelatenta for more details about sa book or kindly pm me for more details!