CHAPTER 13

28K 863 74
                                    

Masaya kong pinag mamasdan ang ilalim ng dagat. Kahit na hindi ako marunong lumangoy ay nakakatuwa pa din na makapag tampisaw sa tubig. Isa ang Palawan sa mayroong magagandang dagat, malinis at mapuputi ang buhangin. Kita ko nga ang buhangin na aking inaapakan sa pwesto ko. Kung sa bagay malinis talaga ang tubig sa resort ni Micheal. Araw araw may nag lilinis sa tabing dagat at bawal din mag kalat lalo na sa mismong dagat. Dapat ata talaga mag practice na ako lumangoy para hindi lang hanggang dibdib ko lagi ang tubig. Gusto ko matuto sumisid para masubukan ko naman ang mag scuba diving. Inaaya kase ako ni Melody kahapon pero sabi ko hindi ako marunong lumangoy.

"Ay!!" Nagulat ako ng may humawak sa aking beywang mula sa likuran ko.

"I told you not to wear like this but you did again."

"M-micheal..?" Dahan dahang akong lumingon, si Micheal nga! Nakatayo ito sa aking likuran. At wala syang pang itaas! Bakit hindi ko man lang naramdaman na may tao pala na lumapit sa akin. "A-anong ginagawa mo dito?" Nilingon ko pa si Abigail na nasa buhanginan kumaway pa ito sa akin ng makitang nakatingin ako sa kanya.

"Sinusundo ka.. Agaw pansin yang suot mo alam mo ba yun." Sabi pa ni Micheal.

Agad akong lumubog sa tubig hanggang sa leeg ko. "B-bakit ka ba kase andito? Akala ko ba umiinom kayo?" Tanong ko sa kanya na naka tingin pa din sa akin.

"Umiinom nga kami pero sinabi ni Francine na kasama mo daw si Abigail kaya pinuntahan kita dito."

"E-eh bakit naman? M-mabait naman si Abby ah. Tsaka nag swiswimming lang naman kami. Hindi naman kami lumalayo."

"Pero si Abigail pa din ang kasama mo, puro kalokohan yang doktor na yan alam mo ba. Tapos ganyan pa ang suot mo."

"May mag swiswiimming ba na naka jacket? Wala diba. K-kahapon nga pinauwi mo ako agad eh. Tapos ngayon na naman."

"Dahil nga kase sa suot mo." Paliwanag pa ni Micheal.
Hindi talaga sya natutuwa kapag ganito ang suot ng dalaga.

"S-sige na dun ka na mag swiswimming lang ako. Mamaya maya aahon na din ako. Baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo."

"As if marunong kang lumangoy, eh kanina pa kita nakikitang puro lublob lang ang ginagawa."

"Aba't!" Hahampasin ko sana si Micheal pero naisip kong naka tingin nga pala sa amin si Abby.

"Turuan kita lumangoy gusto mo?"

"A-ayoko nga. Kay Melody na lang ako magpapa turo tsaka naka inom ka eh."

"Im not drunk Lily. Iba yung lasing sa naka inom. So halika tuturuan na lang kita lumangoy tutal andito naman na tayo."

Inilahad ni Micheal ang kamay nya sa akin. Hindi kaya lunurin ako nito? O kaya dalhin ako sa malalim tapos iwan ako doon?
"W-wag mo akong bibitawan ha? Tsaka wag masyado sa malalim." Sabi ko sa kanya.

Hindi maisip ni Micheal na ganito pala kahirap turuan si Lily lumangoy o dahil takot ito kase dinala nya sa malalim na parte ng dagat. Lagi itong naka yapos sa kanya dahil takot maka bitaw. Dapat ata matuwa pa sya dahil mag kalapit silang dalawa. And he can touch her skin without other meaning.

"S-sabi ko sayo eh m-mahirap ako turuan." Sabi ko kay Micheal. Hindi na ako nahiyang humawak sa kanya. Sa laking tao nya nga abot ng mga paa nito ang buhangin samantalang ako ay hindi. Pag ako naka bitaw sa kanya siguradong lulubog ako.

"Matututo ka din kailangan mo lang mag practice ng mag practice.."

"Hindi pa ba tayo aalis dito? Walang kasama si Abby doon."

"Nahhh dito muna tayo sa tubig madaming tao nakikita mo?" Turo pa ni Micheal sa mga guess na nasa buhanginan at ang ilan ay lumalangoy din. "

"Hindi naman aalis yan eh." Paano hindi na ako komportable na ganito ako kalapit kay Micheal. Bumibilis ang tibok ng puso ko!

"But look at them mostly puro lalaki sila. Ayokong tingnan ka nila lalo na at ganyan ang suot mo." Micheal is referring again on her swimsuit.

"Tingin lang naman eh. Hindi naman mahahawakan." Pag dadahilan ko pa. "Tara na balik na tayo doon."

"Hanggang tingin lang talaga sila. Hindi ako makakapayag na may humawak sayong ibang lalaki Lily.."

"Micheal.." Teka bakit parang ang seryoso naman nya?

"Can i kiss you Lily? Kanina pa kita gustong halikan kung alam mo lang.."

Hindi ko inaasahan ang sinabi nya kaya naka bitaw ako sa pagkaka hawak sa kanyang braso. Buti na lang at maagap nya akong nahawakan at hindi ako tuluyan na lumubog sa tubig.

Micheal slowly lean towards on Lily's face. He's so eager to kiss those natural red lips. Hindi lang ngayon noong isang araw pa. Baka kung sakaling mahalikan nya ang mga labi nito ay tumigil na sya sa kakaisip tungkol sa dalaga. Lily is invading his mind specially last night.

Hindi ko alam pero napa pikit ang aking mga mata ng lumapat ang labi ni Micheal sa mga labi ko. Ilang sandali pa ay binubuka ng kanyang dila ang aking bibig na aking namang sinunod. Nalasahan ko ang maalat na tubig dagat at maging ang lasa ng ininom nyang alak. We are kissing now! Pero teka! Bakit masarap?!

"Im your first kiss right?" Micheal is smiling ear to ear ng tapusin nya ang ginawad na halik sa dalaga.

"T-tse! E-wan." Nahihiyang sagot ni Lily.

"Im your first kiss im sure on that." Naka ngiti pa ding sabi ni Micheal. Lily doesn't know how to kiss him back. Ang isipin na sya palang ang naka halik dito ay npaka saya nya.

"H-halika na nga b-bumalik na tayo doon." Aya ko sa kanya, dahil kung hindi kami lalangoy papunta sa pangpang ay baka mas gugustuhin ko na lang malunod dito sa sobrang hiya. Pag tatawanan ako nito dahil sa edad kong ito ay sya pa lang ang unang naka halik sa akin.

"Wear this.." Inabot ni Micheal kay Lily ang puting tshirt na hinubad nya kanina bago lumusong sa dagat at iwan sa may pwesto ni Abigail. Nang hindi agad kunin ni Lily ang damit na inaabot nya ay sya na mismo ang nag suot nito sa dalaga. They have three mens who keep staring on Lily at ayaw nya yun.

"Wow.. Ang cute nyong dalawa." Sabi ni Abigail na kanina pa pala naka tingin sa kanila.

"M-maliligo muna ako Abby, M-micheal." Paalam ni Lily sa dalawa.

"Sige mamaya punta ka sa villa namin ha? Hintayin kita." Sabi pa ni Abigail.

"S-sige Abby." Hindi ko na nakuhang mag paaalam kay Micheal. Naiisip ko pa din ang nangyari kanina! Nahihiya ako.

I saw it." Naka ngising sabi ni Abigail kay Micheal ng sila na lang na dalawa.

"You saw what?"

"You kissed her.."

"Hindi no!" Agad na tanggi ni Micheal.

"So ano ako bulag ganon? Nakita ko hinalikan mo sya."

"Baka namamalik mata ka lang."

"Wow.. Im sure hinalikan mo talaga sya, kitang kita ko yun Michael."

"Hindi nga sabi.."

"Eh di si Lily na lang tatanungin ko." Kinuha pa ni Abigail ang dress nya na sinuot kanina pati na din ang kay Lily na naiwan. Tumayo na sya at akmang mag lalakad na.

"Shit. Wag mo na syang sundan." Hayyyy ngayon ko na kaya lunurin ang babaing to? Tutal wala naman si Gerald.

"Pero sagutin mo nga muna kase.. Tama nga ako diba? Hinalikan mo sya?" Tanong pa din ni Abigail.

"Oo na oo na. Wag ka na lang maingay okay." Naiinis na sabi ni Micheal.

"Aba syempre depende yun sa kapalit."

"Kapalit? Sinasabi na nga ba eh. Anong kapalit naman?"

"Mag extend pa kami ng 2 days ni mi loves dito. Pero libre na yun."

Napa buntong hininga na lang si Micheal. Akala nya si Gerald lang kaya sya dugasin pati pala ang asawa nito. "Oo na basta wag mong sabihin sa iba okay? Kahit sa asawa mo."


"Deal.." Naka ngising sagot ni Abigail.

Damsel in Distress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon