CHAPTER 06

33.8K 861 199
                                        


23 years old na pala sya? Not bad. Si Eros at Sienna nga 15 years ang age gap pero wala namang nag puntang dswd kay Eros. Wala din naman nag kaso sa kaibigan nya dahil bata ang napangasawa.


"Tsk.. Ano ba itong naiisip ko? Eh ano ngayon kung 23 lang sya at 35 naman na ako. Age is just a number. Well i guess I shouldn't be super nice to her from now on baka kung ano isipin nya. Ayoko bigyan ni Lily ng malisya ang ginagawa kong pag tulong sa kanya.

Pumunta na ko sa aking villa, i will take a nap first mamaya ko na lang ibibigay kay Lily yung mga damit na binili ko para sa kanya, need to calm my mind so sleeping will do.

"Talaga? Nagpa tawag pa si Sir Micheal ng doktor? Aba.. I smell something fishy ha."
Si Melody na kausap ni Lily.


"Anong something fishy doon? Nag malasakit lang naman si Micheal.."

"M-micheal? Anong Micheal lang? Diba dapat may SIR? Ano ba kayo first name basis ganon? Aba't ang harot mo talagang babae ka." Kinurot pa ni Melody si Lily ng pabiro sa tagiliran.


"Yun kase gusto nyang itawag ko sa kanya." Sagot naman ni Lily.

"Sabagay mabait naman talaga si Sir, pero.."

"Pero ano?" Si Lily na na curious bigla.


"Pero alam mo na, kalmahan mo lang girl. Walang girlfriend si Sir Micheal pero syempre sa pogi nyang yun imposibling wala syang natitipuhan. Tsaka sa sitwasyon mo kase baka naaawa lang talaga si Sir sayo.."

Natahimik si Lily. Oo nga baka likas lang talaga na mabait si Micheal kaya ganoon o kaya naman baka naaawa lang talaga ito sa kanya.


"Dito ka muna Lily ha? Lalabas na muna ako, hapunan na kukuha na lang ako ng makakakain natin tapos dito na lang tayo. " Paalam ni Melody.

"Sige hintayin kita para sabay na tayo kumain." Pagka sara ng pinto ay muling nahiga si Lily sa kanyang kama. Hayyyyy.. kailan kaya matatapos itong problema ko? Alam kong babalik at babalik si Marko at ang mga tauhan nya dito pero sana mapakiusapan ko sya na uunti untiin ko na lang bayaran ang utang ni dad. Kase kahit ibenta ko pa ang katawan ko hindi pa din ako mag kakaroon ng dalawang milyon. Tapos si Micheal naman ang bait sa kanya, hindi nya talaga inaasahan na tatawag pa ito ng doktor kanina. Parang kailangan kong gumawa ng listahan ng mga naitulong sa akin ni Micheal. Tsaka bakit kaya ayaw nya ako na tawagin syang Sir? O maski ng kuya? Bawal din daw ako mag po kapag kausap nya. Bakit kaya? Eh lahat ng empleyado dito ay sir ang tawag sa kanya..



Samantala muling tiningnan ni Micheal ang tatlong paper bag na nag lalaman ng ibibigay nyang damit kay Lily. Naka tulog din sya ng isa't kalahating oras at pagka gising nga ay naligo sya agad.
Madilim dilim na ng lumabas sya ng kanyang villa, lagpas alas sais na ng gabi. Dalawang empleyado nya ang agad bumati sa kanya na nadaanan nya. Fully booked nga pala ang resort sabi ni Francine kaya may mga tao na nasa dalampasigan. Lahat ng ilaw sa bawat poste sa kanyang resort ay naka bukas na. Agad syang nag lakad papunta sa mga kuwarto ng empleyado nya. Huminga pa sya ng malalim bago kumatok. Why im getting nervous? Mag bibigay lang naman ako ng damit!


"Ay! Sir Micheal kayo po pala." Si Melody ang nag bukas ng pintuan. May hawak pa itong plato tanda na kumakain ito.

"Hmmnn.. kumakain yata kayo? I-i can go back.." Sabi naman ni Micheal na akmang tatalikod.


"Ay naku Sir okay lang po! Pasok kayo." Kinikilig pa na sabi ni Melody.


Pag pasok ni Micheal ay nakita nyang nasa may lamesa si Lily at mukhang kakatapos lang nito kumain.



Damsel in Distress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon