CHAPTER 32

25.5K 660 44
                                        





Micheal can't still believe until now, nasa harapan siya ngayon ng puntod ni Lily. Hanggang ngayon ay hindi pa din siyang makapaniwala na wala na ang asawa, at talagang patay na ito. Apat na araw mula mangyari ang sunog sa kanyang Resort ay pinalibing na niya ang katawan nito. Ang hirap tanggapin, napaka sakit. Hindi niya maipaliwanag ang bigat na nararamdaman niya, parang gusto niya na lang din mamatay. Wala siya noong oras na kailangan ng tulong ng asawa niya, wala din siyang ka ideya-ideya kung ano ang ginawa ni Marko sa asawa ng pumasok ito sa loob ng Villa niya dahil hanggang dun lang ang nahagip ng cctv footage. Ang dami niyang sana, sana pinilit na lang niya si Lily na sumama sa kanya sa San Juaquin, o sana hindi na siya umalis pa at iniwan ito ng araw na yun sa Resort niya.

"Halika na anak, umaambon na.." Naaawang inaya ni Ginang Elizabeth ang kanyang anak.

"You can go home now mom, susunod na lang ako sa bahay. Isama mo na si Elisha at ang iba ko pang kaibigan." Sabi ni Micheal, pinagmamasdan niya ang bulaklak na kulay puti sa ibabaw ng puntod ni Lily. Puti na kulay dahil ito ang paborito ng asawa niya. Sana nga nananaginip lang siya, sana nga panaginip lang ito pero hindi. Totoo talaga ang lahat.

"Pare.." Magkakasabay na tawag nila June, Gerald at Eros kay Micheal.

Bumaling naman si Micheal sa kanyang likuran, andito pa din pala ang mga ito. Maging ang asawa ng mga kaibigan niya ay nasa di kalayuan din pa pala.

"Were here pare, kung kailangan mo ng makakausap andito lang kami." Sabi ni Hunyo, alam nilang sobrang lungkot ngayon ng kaibigan nila at maging sila ay ganon din. Tulog sila ni Angela ng tumawag sa kanila si Abigail para ibalita ang nangyari. Si Gerald kase ang kasama ni Micheal na bumalik papunta dito sa Palawan. Hindi din nila inaasahan na may ganito palang problemang pinag dadaanan ang kaibigan nila. Akala nila simpleng may humahabol lang kay Lily, kaya hindi nila alam na aabot sa ganito.

"Okay lang umiyak Micheal, hindi yan kabawasan sa pagkalalaki mo." Sabi naman ni Eros.

Tiningnan ni Micheal ang mga kaibigan, ang mga matatalik niyang kaibigan na hindi siya iniwan simula ng mangyari ang insidente. Nagpapasalamat siya at andito ang mga ito para sa kanya, hindi na din siya nagdalawang isip pa na ikuwento ang lahat sa mga ito. Ikinuwento niya na tatlong beses na siyang nakatanggap ng death threath mula kay Marko, na sana hindi niya pala binalewala yun at inaksyunan agad. Isa lang ang maipapangako niya sa harap ng puntod ni Lily, sisiguraduhin niyang hindi dito ito magtatapos, hindi siya titigil hangga't hindi niya naipapaghiganti ang kanyang mag-ina!

"Go pare, cry all you want. Iiyak mo na yan." Sabi din ni Gerald, siya ang kasama ni Micheal pabalik dito sa Palawan kaya nakita niya kung paano gumuho ang mundo nito ng malaman ang nangyari kay Lily, lalo pa at buntis pa pala ito sa first baby nila sana.

At kasabay ng paglakas ng ulan ay ang tuluyang pag-iyak ni Micheal sa harap ng kanyang mga kaibigan. Para bang nakikidalamhati pa sa kanya ang panahon ngayon. Hindi maialis sa kanyang isipan ang mukha ni Lily, ang itsura nito kapag masaya o kaya kapag napipikon na ito sa kanya. Maski ng unang beses siya nitong sayawan at kantahan sa Villa niya noong malasing ito ay naiisip niya din hanggang ngayon, ang mga ngiti ni Lily na nakatatak na yata sa utak niya, pati na kapag magkatabi silang matulog, sisiksik at sisiksik talaga ang asawa sa kanya at yayakapin pa siya. Yung oras na sobrang nag-alala siya at halos paliparin niya ang sasakyan papuntang Ospital ng atakihin ito ng allergy, at yung araw na pumayag itong pakasalan siya at mismong araw ng kasal nila ay sariwa pa sa kanyang alaala. Hindi niya din makakalimutan kung paano ito ngumiti ng dalhin niya ito sa bahay nila mismo na siyang binili niya bilang regalo. Lily is his damsel in distress, at kahit sa maikling panahon na nakasama niya ito ay totoong minahal niya ang asawa. Sayang lang at hindi na niya makikita at masisilayan ito, hindi niya nga alam kung ano ng mangyayari sa kanya pagkatapos ng lahat ng ito. Kung paano siya magsisimula at kung kaya ba niyang harapin ang mga bagong araw na wala na ito sa tabi niya. Ang dami niyang plano para sa kanilang dalawa pero hindi na mangyayari pa. Kung nalaman niya din siguro na buntis ito baka hindi siya umalis ng Palawan at hindi ito iniwan dito mag-isa. Yun din ang isa pa niyang hindi matanggap hanggang ngayon, na mayroong sanggol na nadamay sa nangyari.

"Don't worry pare we will make sure na makakaganti tayo sa gumawa nito kay Lily, hindi tayo titigil hangga't hindi natin nahahanap ang Marko na yun." Siguradong sabi ni Eros. He will do everything to get a justice for Lily, at kung kinakailangan niyang gumamit ng dahas gagawin niya. He don't want to see his friend like this, kung nakaya nito ang matitinding training bago maging ganap na U.S Navy Seal sa Amerika noon, hindi ito, hindi kakayanin ng kaibigan niya ito mag-isa.



"I really pitty Micheal now." Basag sa katahimikan ni Abigail, nakasakay silang tatlo ngayon nila Sienna at Angela sa kotse. Malakas na ang ulan pero ang mga asawa nila at si Micheal ay nasa harapan pa din ng puntod ni Lily.

"Same here, akala ko nga hindi totoo pero Eros confirmed it to me." Si Sienna na bakas din sa boses ang lungkot.

"Napaka-tragic nga lang ng nangyari kay Lily, hindi man lang siya nakalabas ng Villa at wala din tumulong sa kanya." Si Angela na nakatingin din kung nasaan sila Micheal.

"Hindi lang yun, Lily is pregnant! I can imagined how happy she is after she knew about her pregnancy." Sabi ni Abigail, hindi man niya ganon katagal nakasama si Lily katulad nila Sienna at Angela ay masaya siya at nakilala niya ito.

"And i know my husband will not stop to help Micheal after this, they treat each others like siblings. And im on on it, i want justice for what happened to Lily. Dapat mahuli ang gumawa nito sa kanya. Sabi ni Sienna.

Matapos nila manggaling sa sementeryo, sa bahay sa bayan umuwi si Micheal. Ang mga kaibigan niya ay umuwi na sa San Juaquin sakay ng helicopter ni Eros. Ang mommy naman niya at ang kapatid na si Elisha ay nasa Resort dumiretso. Dahan-dahan niyang binuksan ang kuwarto nila ni Lily, malungkot siyang ngumiti. Naalala na naman niya ang asawa, pumasok siya at humiga sa kama. Agad niyang nalanghap ang pabango ni Lily sa loob ng kuwarto. Hindi pa din talaga nagsisink in sa kanya lahat, pinikit ni Micheal ang mga mata. Sana paggising niya panaginip lang ang lahat ng ito, at sana paggising niya mukha ni Lily ang masilayan niya.

Damsel in Distress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon