CHAPTER 40

39.5K 890 152
                                        

Good evening! May binlock ako kanina, kesyo bakit daw pa isa isa lang ang update ko🤦‍♀️🥴 hindi ko po kaya magsulat maghapon at hindi lang po sa wattpad lang umiikot ang oras ko. Yung ilang minuto niyo po na pagbabasa minsan ilang oras ko siya sinusulat kase hindi tuloy-tuloy. Kaya please po wag tayo demanding sa update. Mas naapreciate ko po yung mga nagpapasalamat dahil nakakapag update ako. Salamat!


Hindi makapaniwala ang mommy ni Micheal at kapatid niya na buhay pala si Lily. Nagsabi kase si Micheal na iuuwi muna ang asawa sa kanila para naman makausap niya ang kanyang pamilya at para sabihin din kung ano talaga ang nangyari kay Lily. Pareho ng naramdaman ni Micheal, nalungkot din ang mommy niya ng malaman na nakunan si Lily, ito kase sana ang magiging unang apo niya. Kinagabihan naman ay naghanda ang mag-asawa ng dinner para sa kanilang mga kaibigan, at sa Resort ni Eros nila ito ginawa. Gaya ng inaasahan maging si Angela at Abigail ay hindi makapaniwala na buhay pa si Lily.


"Your really alive Lily! Diyos ko umiyak-iyak pa ako sa libing mo tapos buhay ka pa pala!" Sabi ni Abigail, magkakaharap sila ngayon sa malaking sala sa loob ng Villa ni Eros katatapos lang din kase nilang maghapunan.


"Masaya kami at buhay ka Lily, lalo na para kay Micheal." Sabi naman ni Angela. "Mabait talaga si Gov dahil tinulungan ka din niya pala. Maski ako hindi ko din mabilang kung ilang beses niya ako natulungan noon."


Sabay naman napasimangot si Hunyo at Micheal sa sinabi ni Angela, parang taliwas naman yun sa ginawa ni Eros sa kanila. Mabait daw?


"He's not nice Lily, he asked my private boat so he can let me in on his Farm and see you. See? 3 million yun! Ni hindi pa nga si Lily nakakasakay sa bangkang yun pero na kay Eros na." Himutok ni Micheal, naalala na naman niya ang private boat niya. Balak pa naman sana niyang papinturahan ng pangalan ni Lily yun pero wala na at mautak talaga ang kaibigan dahil nagpadala agad ito ng tauhan para kunin ang bangka sa Palawan.


"Bakit hindi naman kita pinilit ah? Kusa ka pa ngang pumirma diba? Kaya sa akin na yun." Sabi naman ni Eros na nakahawak pa sa kamay ni Sienna. He like everytime they are together like this, siya ang pinaka kuya ng mga kaibigan niya at pinapangatawanan niya talaga yun lalo na kapag may mga ganitong problema. Sayang nga lang at wala dito si Oscar, ang isa pa nilang kaibigan. Nasa Israel kase ito ngayon.


"3 million lang galit na galit ka? Paano naman ako?" Sabat ni June na katabi din ang asawang si Angela. "500 thousand lang nabili ni Eros yung bahay ni Angela pero ang gago 25 million binenta sa akin! Tangina tubong lugaw diba."

Nagtawanan sila lahat lalo na si Eros na tumingin pa kay Angela at Hunyo.


"Hindi din naman kita pinilit diba? Binigay mo nga agad sa akin yung pera eh, no choice ka lang talaga nun dahil ayaw mong magkita lagi si Angela at Calix sa Batanggas. Tsaka baka nakakalimutan mo din Hunyo hanggang ngayon hindi pa din ako boto sayo para kay Angela kahit tatlo na ang anak niyo." Sabi ni Eros.



"Gov naman.." Napapailing na sabi ni Angela, alam niya naman na tanggap na ng dati niyang boss si Hunyo para sa kanya. Lagi lang talaga nitong iniinis ang asawa niya, tapos si June naman ay napaka-pikon.


"Manggugulang ka lang talaga kamo!" Naiinis na sabi ni Hunyo.


"Manggugulang or what atleast hindi ko kayo pinilit na dalawa." Nakangising sabi ni Eros.


"Pero teka what's your plan for now Micheal? Kung ako sa inyo dito muna kayo sa San Juaquin, huwag muna kayo bumalik sa Palawan." Sabi ni Gerald.

"Im going to sell my Resort there, dito na lang ako magbubukas ng Resort." Nasabi na kanina ni Micheal ang tungkol doon sa mommy niya at kay Lily. Natural payag na payag ang mommy niya na dumito na lang sila ni Lily kaysa sa Palawan.



"Thats good then, pero it doesnt mean na magpepetiks-petiks ka Micheal ngayon. Remember hindi pa nahuhuli ang gumawa nito kay Lily." Sabi ni Sienna.

"I know, kaya nga kung pupuwede nga lang isabit ko sa beywang ko si Lily gagawin ko. I will not let anyone to harm her again." Paliwanag ni Micheal at pinisil pa ang kamay ng asawa.


Tumayo naman si Eros mula sa pagkakaupo. "Doon lang kami sa labas baby, may pag-uusapan lang kami." Paalam naman ni Eros sa asawang si Sienna. Sumunod sa kanya sina Gerald, June at si Micheal.






"Nagdala pala ako ng mga brownies at cookies, sandali kukunin ko sa ref" Sabi ni Angela ng makaalis ang kani-kanilang asawa. Nahilig na kase siya sa pagbebake ng kung anu-ano lalo pa at sa bahay na lang talaga siya matapos niyang ipanganak ang bunso nila ni June.


"Si Angela talaga ang magiging dahilan kung bakit tayo magkakaroon ng diabetes." Sabi ni Abigail, tueing magkikita-kita kase sila ay laging may bitbit na pagkain si Angela.


"Siya nga pala Abby baka may kakilala kang Dermatologist para sa peklat ni Lily sa likod niya, sayang naman dahil ang kinis kinis ng likod niya tapos nagkapeklat." Tumabi si Sienna kay Lily.


"Meron naman akong mga kakilala, no worries magtatanong ako if puwede pa matanggal yan Lily. Hihingi tayo ng 2nd option sa ibang doktor." Sagot ni Abigail na naunang nilantakan ang nilapag na pagkain ni Angela.


"Ayos lang naman sa akin kahit hindi na tuluyan matanggal ang nasa likod ko." Sabi ko naman. "Nakita naman na ito ni Micheal at alam ko kahit hindi niya sabihin galit siya dahil may naiwang marka ng nangyaring sunog sa katawan ko. Pero yun nga okay lang kahit hindi na matanggal, isa pa hindi naman nakikita."


"Nakita na ni Micheal? Oh my god nagsex agad kayo kagabi no?" Tanong ni Abigail, muntik naman masamid si Angela dahil sa sinabi ni Abby ng kinakain dahil kasusubo niya lang ng brownies.


"Abby!" Mabilis na saway ni Sienna.


"Nagtatanong lang eh, tsaka halerrr wag na nga kayo mga pabebe diyan." Si Abigail ulit. "Kaya pala may kislap ang mga mata ni Micheal kanina kase nakabira ang mokong."


Namumula na naman panigurado ang mga pisngi ko sa mga pinagsasabi ni Abigail. Wala pa din pala ito pinagbago, taklesa pa din! "Alam ko nalungkot si Micheal ng malaman niyang nakunan ako at pareho lang kami. Hanggang ngayon kase naiisip ko pa din ang tungkol doon."
Pag-iiba ko ng usapan.


"You can still have a baby Lily, bata ka pa. Im also sad after hearing you had miscarriage." Sabi ni Sienna.



"If you have active sex life madali ka ulit mabubuntis Lily, kahit pa nakunan ka." Komento ni Abigail.



"Sana nga, gusto ko na din magka-anak kami ni Micheal, maski ang mommy niya at kapatid niya ay nalungkot kanina ng malaman ang tungkol doon."



"Baka kase hindi talaga para sa inyo ni Micheal ang baby, pero magpasalamat na lang tayo dahil nakaligtas ka." Sabi naman ni Angela.


"Ganyan din ang sinabi ni Micheal kagabi sa akin, kahit ilan pa daw na baby puwede kami gumawa." Naalala ko na naman ang pag-uusap namin ni Micheal matapos naming magtalik kagabi. Gusto niya babae ang maging una naming anak at mas maganda daw na kamukha ko. Ang sarap lang pakinggan na may plano siya sa aming dalawa.


"Gusto mo ba na mabuntis agad Lily? May ibibigay ako sayo." Sabi ni Abigail matapos uminom ng juice.

"Huwag!" Mabilis na sabi ni Angela.

"Wag mo tatanggapin Lily!" Sabi din ni Sienna.

Damsel in Distress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon