CHAPTER 28

43.1K 829 34
                                        



Micheal and Lily go back to Palawan after their beach wedding on San Juaquin. The wedding is so intimate, perfect timing with the sunset by the bay. Micheal didn't invited too many people, their guess is like 40 pax. Friends and family is enough to be on their special day. At ngayon pa lang sinasabi niya na wala talagang kawala si Lily sa kanya.

"Check always the security of the Resort Francine, tuwing umaga at lalong-lalo na sa gabi gusto ko may magroving na security guard dito." Seryosong kinakausap ni Micheal ngayon ang kanyang Resort manager. Ito talaga agad ang inasikaso niya ngayong umaga.


"Yes sir.."


"At dumating na ba yung pinadagdag ko na dalawa pang security guard?"

"Mamayang hapon pa daw Sir sabi ng Agency, tumawag sila kaninang umaga."


"Good, and no more walk-in costumer for now Francine, gusto ko lahat ng papasok dito sa Resort ay thru online sila nagpa-book naiintindihan mo? And ask for a a copy of their id's."


"Okay Sir noted po."

"Salamat Francine, kakausapin ko mamaya pagbalik ko ang ibang empleyado natin kaya sabihan mo sila. Pupuntahan ko muna si Lily."


"Okay Sir, and Congrats sa inyong dalawa."


"Yeah, welcome." Micheal want to secure his Resort, specially Lily is now married to him. Hindi siya magkakaganito kung walang nangyari noong nasa San Juaquin sila. At sila lang ni Eros ang nakakaalam na sa mismong araw ng kasal niya ay may muntik bumaril kay Lily. Hindi na nila pinaalam pa sa ibang kaibigan nila ang nangyari. He is damn mad seeing the guy who almost shoot his wife. Buti na lang nakita ito ni Eros at hindi natuloy ang plano nito. Gaya ng inaasahan halos mapatay niya ang lalaki sa bugbog habang pinapaamin niya ito. And behind that plan is no other than Marko, ang lalaking gustong kumuha kay Lily mula sa kanya. Nasundan pala sila ng mga tauhan ng lalaking yun sa San Juaquin. And now all he want is the safety of his wife, hindi siya papayag na may mangyari dito ng masama lalo pa at kakakasal lang nilang dalawa.


"Hey.." Pukaw ni Micheal sa atensyon ni Lily na naabutan niyang nakaupo sa labas ng kanyang villa. He can't still believe until now that he is already married to this beautiful girl.


"Kanina pa kita hinihintay, saan ba kase tayo pupunta?" Tanong ko kay Micheal pagkakita ko sa kanya, naiinip na ako. Ang sabi niya ay may pupuntahan daw kaming dalawa. Kagabi lang kami nakauwi dito sa Resort galing sa San Juaquin.


"Secret nga, kunin ko lang ang susi ng sasakyan." Pumasok si Micheal sa loob ng kanyang villa at kinuha ang susi ng kanyang pick-up. He have a surprise for Lily.



"M-micheal.." Tawag ko sa pangalan niya habang nagmamaneho ito, mabilis naman itong sumulyap sa akin.



"Yes?"


"Magtatrabaho pa din ako sa Resort mo diba?"

"Why? You don't need to work Lily."


"Pero gusto ko, baka mamaya kung anong isipin ng mga empleyado mo tungkol sa akin, umalis lang tayo tapos pagbalik natin kasal na tayo."

"Hayaan mo sila, wala naman silang pakialam kung kasal pa tayo o hindi." Balewalang sagot ni Micheal.

"Eh anong gagawin ko? Gusto ko magtrabaho!" Pilit ko pa, hindi naman puwedeng dahil sa kasal na kami ngayon ay hindi na ako magtatrabaho. Gusto ko pa din ang may ginagawa.

"Eh di ako na lang ang trabahuin mo." Hinawakan ni Micheal ang malambot na kamay ng asawa at dinala ito sa ibabaw ng kanyang pantalon. "Siya ang trabahuin mo okay na ako dun."

Mabilis kong binawi ang kamay ko na hawak ni Micheal at hinampas ito. Tirik na tirik ang araw tapos puro kalokohan ang iniisip. "Ewan ko sayo, seryoso akong nagtatanong tapos ganyan ka!"

"And Im serious too, hindi mo naman kailangan magtrabaho Lily, just be with me."


"Ewan, basta gusto ko pa din magtrabaho sa Resort sa ayaw at gusto mo." Ilang sandali pa ay nasa Town proper na kami. Siguro may bibilhin si Micheal dito sa Bayan kaya nagpasama ito sa akin. Pero laking gulat ko ng huminto kami sa isang pamilyar na bahay. Agad akong bumaling sa katabi ko.
"M-micheal? Paanong?"


Micheal just gave a smile to Lily, matapos iparada ang sasakyan sa tapat ng bahay ay inalalayan niya ito makababa ng sasakyan. Kinuha niya ang isa pang susi mula sa kanyang bulsa. "This is my surprise to you.." Masayang sabi ni Micheal matapos buksan ang pintuan ng bahay.

"Micheal!" Wala akong nagawa at nasabi basta ko na lang siya niyakap ng mahigpit. Nasa bahay namin kami ngayon! Yes, ito ang bahay namin noon ng pamilya ko.

"You like it?" Pinunasan ni Micheal ang luha ni Lily.

"Oo, siyempre sobrang saya ko! Anong nangyari? Bakit andito tayo?" Pinalibot ko ang aking tingin sa loob ng bahay, wala na ang mga gamit namin noon dito, pero malinis ito at halatang kakalinis lang din. Meroon akong nakitang sofa set na nakabalot pa at halatadong kakabili lang. Hindi ako makapaniwala na makakapasok pa ako ulit sa dati naming bahay!

"I bought this from the bank, and this is my wedding gift for you. Alam kong may sentimental value ang bahay na ito sayo kaya binili ko ulit." Yes, inlove na nga yata siya kay Lily, sa dami ng puwedeng iregalo niya dito para sa kasal nila ay ito ang napili niya. Naalala niya kung paano habulin ni Lily ng tingin ang bahay na ito noong dumaan silang dalawa dito. Alam niyang importante ang bahay na ito kay Lily kaya naisipan niyang bilhin sa bangko at iregalo dito.

Napaiyak na naman ako sa sinabi ni Micheal, kung puro kamalasan ang inabot ko noon ngayon naman ay ang suwerte ko. Hindi ko akalain na ito ang regalo ni Micheal sa akin.

"Huwag ka ng umiyak, halika umakyat tayo sa taas. I'll show something to you." Hinawakan ulit ni Micheal si Lily papunta sa ikalawang palapag ng bahay. Matapos mabili ang bahay na ito at maayos ang mga papeles ay agad siyang nagpahanap kay Francine ng gagawa ng ilang parte ng bahay. Nagkaroon kase ng basag ang mga salamin dito. Pagkatapos tsaka naman niya ito pinalinisan.

"Ito ang kuwarto ko.." Hindi ako makapaniwala na maayos ang dating kuwarto ko. Hindi kaya nananaginip ako ngayon? Literal na maayos at may gamit na dito sa loob. Meroon ng kama katulad dati, may mga cabinet at may aircon ulit. Amoy bagong pintura din pero ganon pa din ang kulay ng mga dingding. Puro kulay puti!

"I know, nagustuhan mo ba? Meron na ulit kuryente at tubig ang bahay. We can stay here for tonight if you want." Micheal already know the answer seeing Lily's face now. Alam niyang nagulat ang asawa sa regalo niya pero higit sa lahat alam niyang masaya ito.

"Salamat Micheal, maraming salamat!" Muli kong siyang niyakap sa sobrang tuwa. "P-pero wala ako sayong wedding gift." Sabi ko ulit sa kanya. "Wala akong pera Micheal." Napabusangot na ako.

"Hindi mo naman ako kailangang regaluhan, pero kung gusto mo talaga meron akong naisip." Mas hinigpitan ni Micheal ang yakap kay Lily.

"Sige, sige. Ano bang gusto mo?" Kapag sinabi talaga ni Micheal na sayawan ko siya ngayon kahit walang tugtog sasayaw talaga ako.

"Binyagan natin ang kama mo.." Nakangising bulong ni Micheal sa tenga ng asawa.




Damsel in Distress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon