Mag aalas sais ng umaga ng magising si Micheal, pag katapos makapag kape ay agad syang nag jogging sa dalampasigan. Ito ang pinaka exercise nya tuwing umaga, maliban sa nakakapag ehersisyo na ay naiikot nya pa ang kanyang resort. May pangilan ngilan silang guess na nasa tabing dagat na at nagpi picture ng magandang bukang liwayway doon. Pero ng mag jogging sya hanggang sa may entrance ng kanyang resort ay laking gulat nya ng mapag sino ang babaing naka tayo sa may gate.. The woman that he help last night!
"H-hey miss." Tawag ni Micheal sa babaing nakatayo. Kipkip ng babae ang bag nito.
"M-mister.." Nang hihinang sabi ni Lily.
Dali daling sinalo ni Micheal ang babae ng matumba ito at mawalan ng malay. Shit..
"What happened to her? Gising na ba sya Francine?" Agad na tanong ni Micheal ng lumabas ang tauhan nyang babae sa kanyang villa na nasa loob din ng resort. Binuhat nya agad ang babae kanina ng mawalan ito ng malay at dinala dito sa kanyang kuwarto. Napag sabihan nya pa nga ang security guard, kung bakit hindi ipinaalam sa kanya na naroon pa pala ito samantalang nakita nito kagabi ng ihatid nya ang babae sa labas ng resort.
"Sir pinalitan ko ho ng damit yung babae, yung damit nyo ho yung pinasuot ko. Yung nasa ibabaw po ng cabinet nyo. " Kakamot kamot pa sa ulo na sabi ni Francine. "Pero tulog pa din po sya."
"May lagnat pa ba?"
"Opo pero pinunasan ko na din pero ang laki ho ng pasa nya sa may balakang. Halos mag kulay violet na po."
Tangina.. "S-sige salamat. Ako ng bahala. Just bring some food here." Sabi ni Micheal sa kanyang tauhan at pumasok na sya sa kanyang villa.
Makalat ito ngayon dahil hindi na sya nakapag linis kagabi bago matulog.. Agad nyang nilapitan ang babae na naka higa sa kanyang kama. Bakit kaya hindi ito umalis kagabi? Akala pa naman nya ay umuwi na talaga ito pag hatid nya sa may entrance ng resort pero hindi pala. So she just stayed there all night? Buti na lang at hindi umulan.Mukha itong pagod na pagod, may pula pula din ito sa braso tanda na kinagat ng mga lamok. If im not mistaken her name is Lily. She is now wearing my white t-shirt, at buti na lang ay matangkad ako kaya ang damit ko ay umabot sa kanyang hita, para na tuloy itong bestida sa kanya. Pero ano ba talagang nangyari sa babaing ito?
Puting kisame ang nakita ni Lily ng magising sya. She remember hindi nga pala sya umuwi kagabi! Nang hinatid sya ni Micheal sa labas ng resort nito ay hindi agad sya sumakay ng mga dumadaan na tricycle doon. Marko keep calling on her phone pero pinatayan nya lang ito ng cellphone. Alam nyang hahanapin sya nito at pababalikin sa club. Ayaw nya ng gawin yun, ayaw nya ng sumayaw. Ang gusto nya na lang ngayon ay ang maka alis at pumunta sa malayong lugar para makapag simula ulit. Sa ibang lugar na lang siguro sya mag hahanap ng trabaho at mag iipon para unti unti mabayaran si Marko dahil alam nyang hindi ito titigil kakahanap sa kanya.
"Gising ka na pala.."
Agad nilingon ni Lily ang pinang galingan ng boses. At wala ngang iba kung hindi ang lalaking tumulong din sa kanya kagabi.
"Ikaw pala ang tumulong na naman sa akin. S-salamat ulit, M-Micheal.."
"Kumain ka muna para maka inom ka ng gamot. Mamaya na tayo mag usap pagka tapos mo." Nilapag ni Micheal ang isang tray ng pagkain.
"S-sige.. Salamat." Agad nakaramdam ng gutom si Lily ng makita ang pagkain na nasa plato. Hindi pa nga pala sya kumakain simula kagabi!
Matapos kumain ay agad tumayo si Lily, napa igik pa siya sa sakit ng mag lakad papunta sa pwesto ni Micheal. Napaka presko ng suot nitong navy blue na tshirt at shorts, bagong ligo lang ito at naka tsinelas lang din. Nagpupu mutok ang mga muscle nito sa braso!
BINABASA MO ANG
Damsel in Distress
RomanceMicheal and Lily story🖤 SELF PUB: visit my fb page maribelatenta for more details about sa book or kindly pm me for more details!