*13.1
Matapos ang halos apat na oras na biyahe mula Seoul gamit ang kotse, nakarating na rin si Chanyeol sa pupuntahan niya.
Isa lang ang masasabi ni Chanyeol. Simple lang ang pamumuhay ng mga taga dito, malapit sa tabing dagat, at malayo sa high way.
Pinark ni Chanyeol ang kotse niya sa gilid bago siya bumaba at inayos ang sarili niya. Sinuot niya ang shades sa mata niya para di siya masilaw sa sikat ng araw.
Ugh, bat ko ba ginagawa to. Kung alam ko lang na ganito pala kalayo, sana tinawagan ko na lang siya para pabalikin sa trabaho.
Naglakad si Chanyeol papunta sa grupo ng mga ahjumma na nagkukwentuhan tungkol sa paborito nilang drama sa TV. Tumigil siya sa tapat nila at magalang na nagbow.
"Aba, kay gandang lalaki naman nito!" sabi ng matabang nanay na singkit ang mata. "Ano bang maitutulong namin sayo, iho?"
Nagtawanan ang mga ahjumma na parang kinikilig. Ngumiti lang si Chanyeol sabay labas ng phone niya.
"Itatanong ko lang po sana kung alam niyo kung saan dito nakatira ang taong to?" sabi ni Chanyeol habang pinapakita ang picture ni Baekhyun sa phone niya. Bakit siya may picture? Kinuha niya sa resume ni Baekhyun.
"Hmm, teka," sabi ng isang matanda na halos bungal na ang ngipin. "Ano bang pangalan nito?"
"Baekhyun. Byun Baekhyun po, ahjumma."
Tumango ang isang babeng buntis sabay palakpak. "Ah! Si Baekkie!"
"Si Baekkie nga yan! Tama ka!" sabi ng isa pang lola. "Kamukha nga niya yan! Siya yan!"
"Ah, opo," sabi ni Chanyeol sa gitna ng ingay. "Alam niyo kung saan po siya nakatira?"
"Oo, alam namin. Kaibigan namin ang nanay niya. Nasabi ng nanay niyang umuwi ang anak-anakan niya galing Seoul," sabi ng babaeng mataba. "Malamang taga-Seoul ka! Kaya mo siya hinahanap!"
Tumango si Chanyeol at pinilit na ngumiti. Hindi niya gawain to. Ang makipag kwentuhan sa mga taong hindi naman niya kilala, lalo na sa probinsya. "Pwede niyo po bang... ituro sakin ang bahay niya?"
"Oo, naman! Ikaw pa!" sabat ng isa pang nanay na may maiksing buhok. "Sa gwapo mong yan, sino bang hihindi sayo! Hahaha!"
Nagtawanan ang lahat ng mga ahjumma at nakisabay na rin si Chanyeol kahit halatang awkward ang tawa niya.
Sinundan ni Chanyeol ang isang nanay na nagvolunteer na sumama kay Chanyeol para ihatid siya sa bahay nila Baekhyun. At habang naglalakad, hindi pinalampas ng nanay ang pagkukuwento at pagtatanong.
"Kung hindi mo naitatanong ay inaanak ko yang si Baekkie. Isa ako sa mga nag-alaga sa kanya nung bata pa siya! Aba'y napakacute na bata niyan!" sabi ng ajhumma at tumango lang si Chanyeol.
"Sa totoo lang ay ngayon lang may pumuntang taga-Seoul dito para hanapin siya. Kaibigan mo ba siya?"
Ayaw mang magsinungaling ni Chanyeol ay ginawa na lang niya para matapos na ang pagtatanong ng ajhumma. "Opo. Magkaibigan kami."
Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakarating sila sa tapat ng bahay na mukhang traditional house. Maganda pero luma na. Nagbow si Chanyeol bilang pasasalamat bago umalis ang ahjumma.
Huminga nang malalim si Chanyeol. Hindi siya kinakabahan. Konti lang siguro. Malayo na ang narating niya, at kung aatras pa siya ngayon, sayang lang ang pinunta niya dito kaya gagawin niya to, sa ayaw man o sa gusto niya.
BINABASA MO ANG
Call Me Baby (FILIPINO) - CHANBAEK FF ✔
Fanfiction|COMPLETED| Summary: Kailangan ni Chanyeol ng babysitter para sa kapatid niyang si Sehun. Nag-apply si Baekhyun. * Date Created: March 22, 2015 Date Finished: November 24, 2015 * Title: Call Me Baby Pairing: Chanyeol/Baekhyun, Sehun/Baekhyun Rating:...