CHAPTER 40

6.2K 246 63
                                    

*

40

"Congratulations, Sehun," sabi ni Chanyeol sa kapatid niya tapos niyakap niya ito nang mahipit. "Graduate ka na."

"Thank you, hyung!" sagot ni Sehun at niyakap niya pabalik ang hyung niya, pinicturan naman sila ni Baekhyun gamit ang DSLR.

"Hindi mo man lang ba ako icocongratulate!?" sabi ni Sehun kay Baekhyun nang humiwalay siya sa yakap niya kay Chanyeol.

"Ako pa ba?" sabi ni Baekhyun nang nakangiti tapos lumapit siya kay Sehun at niyakap niya ang alaga niya. "Ako pa ba ang hindi babati sayo? Alam mo namang masayang masaya ako para sayo, diba?!"

Niyakap rin ni Sehun pabalik si Baekhyun habang hawak niya ng isang kamay niya yung bouquet ng flowers. Ngumiti siya nang malapad.

"Thank you," bulong ni Sehun. "Dahil sayo kaya nandito ako ngayon, Baekhyun. Ikaw yung inspiration ko."

"Talaga?"

"Oo naman!"

Umiwas si Chanyeol ng tingin sa kanilang dalawa. Nagpaalam siya na babatiin muna niya si Jongin at para na rin iwan si Baekhyun at Sehun na mag-usap. Naglakad na siya papunta kina Jongin kasama nila Yixing at Kyungsoo.

"Siguro kung hindi kita nakilala, baka tinatamad pa rin akong mag-aral ngayon," sabi ni Sehun sabay tawa tapos pinakita niya yung diploma niya. "Para sa inyong dalawa ni hyung to."

Hindi sumagot si Baekhyun, humiwalay siya sa yakap tapos tumingin siya kay Sehun. Nagtiptoe siya at hinalikan niya si Sehun sa pisngi, malapit na malapit sa may gilid ng lips ni Sehun.

Natigilan lang si Sehun habang nakatitig siya kay Baekhyun. Ngumiti si Baekhyun sa kanya tapos inabot niya kay Sehun yung isang pirasong white rose na binili niya sa malapit na flower shop.

"Congratulations, Sehun."

Nakatingin lang si Sehun sa bulaklak na inaabot sa kanya ni Baekhyun. White rose. Binibigyan niya ako ng white rose.

Alam ni Sehun na walang ibang ibig sabihin para kay Baekhyun yung kiss sa cheeks pati na rin ang pagbibigay ni Baekhyun sa kanya ng bulaklak, pero para kay Sehun, maraming ibig sabihin yun, dahil lahat ng ginagawa ni Baekhyun ay may meaning para sa kanya. Lahat may epekto sa kanya.

Napayuko na lang si Sehun at napangiti siya. Dahan dahan niyang kinuha yung white rose na inaabot sa kanya ni Baekhyun, nagdikit yung dulo ng mga daliri nila.

"Thank you," sagot ni Sehun nang namumula. Nilagay niya yung rose sa gitna ng bouquet na hawak niya.

"Yah, sa susunod magsabi ka naman kung... gagawin mo yun," sabi ni Sehun tapos tumingin siya sa paligid. "Maraming teachers. Nakakahiya pag nakita nila.."

Bumuntong hininga si Baekhyun.

"I'm sorry," sabi ni Baekhyun nang seryoso, na para bang may iba pang kahulugan yung sorry niya. "Sorry Sehun..."

"Bakit bigla kang nagsosorry?" tanong ni Sehun nang nakangiti. "Okay lang yun! Hindi naman big deal yun, Baekhyun."

"Sorry, Sehun kung... masasaktan kita, hindi ko naman sinasadyang-- hindi ko ginustong gawin yun sayo," sabi ni Baekhyun na parang iiyak na siya. "Iniisip ko lang namang ayaw kitang saktan kaya ko ginawa yun. Alam kong--"

"Baekhyun," sabi ni Sehun tapos hinawakan niya si Baekhyun sa balikat. "Yung kiss sa cheeks, okay lang yun. Ano ka ba, wag mo nang ispin yun."

Hindi sumagot si Baekhyun kaya pinat na lang ni Sehun ang buhok niya. Umiwas ng tingin si Baekhyun.

Call Me Baby (FILIPINO) - CHANBAEK FF ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon