*44
(A/N: Sorry kung medyo natagalan ang update! Busy kasi sa summer job, pero anyways! Haha! Susubukan ko mag update gabi-gabi! :) Enjoy reading!)
"MAGSIKILOS NGA KAYONG DALAWA, ANG TATAMAD NIYO, MAGHAPON NA KAYONG NAKATUNGANGA!" sigaw ni Minseok pagkapasok niya sa loob ng bahay.
Nagulat naman si Jongin kaya tumayo agad siya sa pagkakaupo niya, natanggal sa pagkakapatong yung ulo ni Sehun sa lap niya kaya bumagsak yung ulo ni Sehun sa matigas na couch.
"Hyung! Wala ka na sa army, wag ka namang sumigaw!" sabi ni Jongin habang nakacross arms. "Saan ka ba galing, kanina pa kami nagugutom dito!"
"Sa convenience store, bumili ng ramen," sabi ni Minseok habang pumupunta siya sa kusina. "Ah, at nakasalubong ko nga pala si Baekhyun dun kanina."
Bumangon agad si Sehun sa pagkakahiga niya habang nakatingin lang siya kay Minseok, naghihintay ng sunod nitong sasabihin.
"Si Baekhyun-hyung!? Pumunta dito si Baekhyun-hyung?" tanong ni Jongin. "Bakit? At paano mo naman siya nakilala?"
"Nagkakilala kami sa Jejudo, pero hindi na mahalaga yun," sabi ni Minseok tapos tumingin siya kay Sehun. "Hinahanap niya yung kapatid ni Chanyeol. Ikaw yun, diba Sehun?"
Hindi sumagot si Sehun kaya si Jongin na ang sumagot habang umuupo ulit siya sa couch sa tabi ni Sehun.
"Oo. Si Sehun nga yun, hyung. May sinabi ba si Baekhyun-hyung kanina nung nagkita kayo?"
"Wala eh. Sinabi kong pumasok muna siya dito sa loob pero tumanggi siya. Tapos, bigla na lang siyang nagpaalam at tumakbo na siya palayo."
Tumakbo ka palayo? So, ayaw mo pala akong makita... Humigpit yung pagkakakapit ni Sehun sa remote. Ayaw rin kitang makita kung ganun. Umiwas ng tingin si Sehun kay Minseok na parang nawalan na siya ng gana at binalik na lang niya ulit ang tingin sa TV sa harap niya.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Minseok kay Jongin nang hindi gumagawa ng ingay, yung labi lang niya yung gumagalaw.
Nagpout si Jongin at gumawa siya ng heart gamit ang kamay niya, tapos hinati niya ito sa gitna.
"Brokenhearted," malungkot na sagot ni Jongin kaya napa-ahhhh na lang si Minseok habang tumatango.
*
"Hah! Nakakapagod!" sabi ni Baekhyun habang hinihingal siya dahil sa pagtakbo niya. Nasa tapat ulit siya ng convenience store, nakapatong yung kamay niya sa dalawang tuhod niya habang hinahabol niya yung hininga niya.
"Hindi naman siguro ako nakita ni Sehun, diba?" sabi ni Baekhyun sa sarili niya, umupo muna siya sa may table na may payong sa tapat ng convenience store.
"Baka lalo lang siyang magalit sakin kaya dapat lang na tumakbo ako. Next time ko na lang ipapakita yung sarili ko," sabi ni Baekhyun habang nakasubsob ulit ang mukha niya sa table.
Kinuha ni Baekhyun yung phone niya para tingnan kung may message o missed call galing kay Sehun, pero wala pa rin, puro kay Jongdae at sa Eomma lang niya. Wala pa rin... Galit pa rin talaga siya sakin. Tinago na lang ulit ni Baekhyun yung phone sa bulsa ng hoodie niya.
Tatayo na dapat si Baekhyun para makauwi na pero natigilan siya. May bigla siyang naramdaman kirot sa kanan, sa may babang parte ng tiyan niya.
"A-aray," sabi ni Baekhyun habang nakahawak sa parte ng tiyan niya kung saan masakit. "Ang s-sakit..."
Humigpit pa lalo yung pagkakakapit ni Baekhyun sa damit niya nang biglang sumakit pa nang sobra yung tiyan niya, na para bang may matulis na bumubutas sa loob ng bituka niya. Napasubsob na siya sa lamesa habang hawak yung tiyan niya, sobrang sakit talaga na halos hindi na siya makagalaw at hindi na siya makahinga.
BINABASA MO ANG
Call Me Baby (FILIPINO) - CHANBAEK FF ✔
Fanfiction|COMPLETED| Summary: Kailangan ni Chanyeol ng babysitter para sa kapatid niyang si Sehun. Nag-apply si Baekhyun. * Date Created: March 22, 2015 Date Finished: November 24, 2015 * Title: Call Me Baby Pairing: Chanyeol/Baekhyun, Sehun/Baekhyun Rating:...