CHAPTER 18

7K 330 240
                                    


*

18

Alam ni Chanyeol na nagtatry si Baekhyun. Kinakausap siya kahit hindi naman niya iniimikan, lumalapit kahit nilalampasan niya lang, nginingitian siya kahit hindi niya pinapansin.

At naiinis si Chanyeol sa ginagawa ni Baekhyun. Para ka nang tanga sa ginagawa mo. Bakit hindi ka pa tumigil, ganito na nga ang ginagawa ko sayo, ayaw mo pa ring sumuko?

Minassage ni Chanyeol ang ulo niya habang binabasa niya ang papel, na kahit anong gawin niya, nakastuck pa rin siya sa first page.

"Ch-chanyeol," tawag ni Baekhyun habang nakatayo siya sa gilid ng mini office ni Chanyeol. Nakaupo naman si Chanyeol sa may desk niya.

"Gusto mo ba ng doughnut? Bumili kami ni Yixing-hyung kanina sa mall, naisip ko lang na baka gust--"

Napatigil si Baekhyun sa pagsasalita nang biglang binato ni Chanyeol ang papel na hawak niya. Nakayuko lang si Baekhyun habang nakatingin sa papel na naglanding ilang dangkal lang ang layo sa paa niya.

Galit pa rin siya sakin, naisip ni Baekhyun habang nakayuko at hindi tumitingin kay Chanyeol.

"U-uhm, s-sorry, d-dapat hindi ako pumapasok nang walang paalam," sabi ni Baekhyun nang nakayuko pa rin habang nakatingin lang si Chanyeol sa kanya, galit ang mukha niya.

"Kailangan mo ba to? Ah, kukunin ko teka," sabi ni Baekhyun sabay lakad at yuko para pulutin yung papel na binato ni Chanyeol.

Nainis lalo si Chanyeol habang nakikita niyang isa-isang pinupulot ni Baekhyun sa sahig ang papel na hinagis niya. Nakita niyang inaayos pa ni Baekhyun ang mga papel na nagkalat sa lapag para hindi magusot, at naisip ni Chanyeol na ang tanga talaga ni Baekhyun.

Kaya hindi na siya nakapagpigil. Tumayo siya at naglakad papunta kay Baekhyun tapos hinila niya sa braso si Baekhyun para makatayo ito.

Nabitawan ni Baekhyun ang papel na hawak niya nang naramdaman niya ang mahigpit na kapit ni Chanyeol sa braso niya. Masakit.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ni Chanyeol habang nakatingin nang galit sa mukha ni Baekhyun. Nakaiwas lang si Baekhyun ng tingin.

"Bakit mo ba to ginagawa!? Hindi ka ba talaga marunong umintindi? Kahit gawin mo yan at kahit gawin mo ang kahit ano, hindi magbabago ang tingin ko sayo," sigaw ni Chanyeol sa tahimik lang na si Baekhyun. "Hindi kita gusto. Ayoko sayo. Naiintindihan mo?"

"Hindi mo na kailangang ulit-ulitin," sabi ni Baekhyun, nakatingin lang siya sa sahig. "Hindi dahil lang sinabi ko sayong gusto kita, pwede mo na akong sabihan nang masasakit na salita nang paulit-ulit."

Tinanggal ni Baekhyun ang kamay ni Chanyeol sa braso niya. "Ginagawa ko to dahil gusto kong maging okay na tayo," sabi ni Baekhyun tapos tiningnan niya si Chanyeol sa mata. "At hindi ako susuko."

Yumuko ulit si Baekhyun at tinuloy ang pagpulot sa papel habang nakatayo lang si Chanyeol sa tabi niya, pagkatapos ay pinatong niya ang papeles sa desk ni Chanyeol.

"Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka," sabi ni Baekhyun na ngayon ay nakangiti na. "Nasa baba lang ako."

Umalis na si Baekhyun at iniwan si Chanyeol na nakatayo sa gitna ng kwarto. Napabuntong hininga na lang si Chanyeol.

Kung pwede sanang paalisin niya na lang ulit si Baekhyun ay matagal niya nang ginawa, pero alam niyang hindi niya na pwedeng gawin yun dahil kay Sehun.

"Ano bang gagawin ko sayo?" tanong ni Chanyeol sa sarili niya.

*

"Ano, okay na ba kayo?" tanong ni Yixing kay Baekhyun na nakasalampak nanaman sa couch. Umiling si Baekhyun.

Call Me Baby (FILIPINO) - CHANBAEK FF ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon