CHAPTER 65

4.8K 207 30
                                    


*

65

Sabado.

Nasa park sina Baekhyun at Sehun para sa kanilang 'weekend-date', na si Baekhyun ang nagpasimuno, dahil buong weekdays ay hindi sila gaanong nagkakasama. May pasok si Sehun Lunes hanggang Biyernes kaya wala silang gaanong time para magbonding.

At wala namang problema kay Sehun yun, dahil masosolo niya si Baekhyun nang buong isang araw.

Nakaupo sila ngayon sa park bench, kumakain ng snacks.

"May bago kang kwintas," sabi ni Sehun, kanina pa niya napapansin yun pero ngayon niya lang binanggit. Ngumiti si Baekhyun sa kanya sabay hawak sa pendant na singsing.

"Nagpropose na ba si hyung sayo?"

Umiling si Baekhyun. "Hindi...pa, pero parang ganun na rin yun!? Sinabi niya na 'isusuot mo rin yan sa daliri mo sa tamang panahon' Diba proposal na rin yun!"

Umirap si Sehun. "Psh, hindi kaya. Ang proposal, dapat ganito," niluhod niya ang isa niyang tuhod sa lupa habang nakatitig siya kay Baekhyun. "Akin na yung kamay mo." Binigay ni Baekhyun ang kamay niya, umubo si Sehun.

"Baekhyun?"

"Bakit?"

"Will you marry me?"

Pinagtitinginan na sila ng mga dumadaan. Yung ibang mga teenager na babae kinikilig, samantalang yung mga matatanda napapailing na lang. Ngumiti si Sehun ng pinakadabest niyang ngiti, at kumuha siya ng isang cheese ring sa chichirya niya.

Tumawa si Baekhyun. "Yes."

Nilagay ni Sehun ang cheese ring sa palasingsingan ni Baekhyun. "Ayan, engaged na tayo simula ngayon."

Nilapit ni Baekhyun ang daliri niya sa bibig niya, at nanlaki na lang ang mata ni Sehun sa ginawa ng babysitter niya.

"Yah! Bakit mo kinanin!?"

"Uh, hindi ko ba dapat kainin--"

"Yan yung simbolo ng love natin sa isa't-isa, tapos kinanin mo!" sigaw ni Sehun nang naiinis. "Ayoko na. Hindi na ako magpopropose sayo."

Nakasimangot lang si Baekhyun nang itanong niya nang pabiro, "Akala ko ba mahal mo ako?"

Natigilan lang si Sehun.

Alam naman niyang hindi seryoso yung pagkakasabi ni Baekhyun nun, pero nung narinig niya yun, parang may pumitik sa loob niya. Nakatingin siya kay Baekhyun nang walang ekspresyon ang mukha, at saka lang narealize ni Baekhyun ang sinabi niya.

"A-ah, ang ibig ko s-sabihin--" Umiwas si Baekhyun ng tingin. "H-hindi ganun yung.."

Mahal niya si Baekhyun, alam yun ni Sehun pero siguro--

Siguro..

"Mahal kita.."

Tumingin si Baekhyun sa kanya.

"Pero," bulong ni Sehun. "Mas mahal kita noon.."

"Anong ibig.. sabihin nun?"

Bumuntong hininga si Sehun. "Siguro.."

"Siguro?"

"Hindi na masakit sakin na nakikita ko kayong dalawa ni hyung na magkasama.." sabi ni Sehun. "Magandang... bagay ba yun?"

Hindi sumagot si Baekhyun, umusod siya palapit kay Sehun para magkadikit na sila. Lumingon si Sehun sa kanya nang ilagay ni Baekhyun ang palad niya sa ibabaw ng palad ni Sehun, at inintertwine ang mga daliri nila.

Call Me Baby (FILIPINO) - CHANBAEK FF ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon