CHAPTER 49

5.8K 255 80
                                    


*

49

"Ano, ready ka na ba sa first day mo?" tanong ni Baekhyun kay Sehun na nakatayo sa harap ng salamin sa tabi niya. Humarap si Sehun kay Baekhyun habang inaayos yung coat niya.

"Anong itsura ko?" nag-aalalang tanong ni Sehun habang nakatingin lang si Baekhyun sa alaga niya. "Pangit ba? Papalitan ko ba? Aish, sabi ko na pangit eh."

Ngumiti si Baekhyun tapos inabot yung balikat ni Sehun para pagpagan yung invisible na alikabok sa damit ni Sehun.

"Hindi pangit," sabi ni Baekhyun nang nakangiti pa rin, tiningnan niya si Sehun mula ulo hanggang paa. "Mukha kang... Perfect."

"Yah, ano bang klaseng description yan?" tanong ni Sehun habang pinipigilan niyang mamula. "Sabihin mo yung totoo."

"Yung totoo? Hmm," sabi ni Baekhyun habang nakalagay yung kamay niya sa ilalim ng baba niya. Nakatitig lang si Sehun sa babysitter niya, naghihintay ng sasabihin nito.

"Nagmatured yung itsura mo. Mas nagmukha kang manly at mas gumuwapo ka sa suot mo," sabi ni Baekhyun. "Para ka na talagang college student."

"Tss, college student na naman talaga ako," sabi ni Sehun habang finaflat niya yung damit niya gamit ang palad niya. "Mula ngayong araw na to."

Bumuntong hininga si Baekhyun.

"College na ang baby ko," malungkot na sabi ni Baekhyun habang nakayuko siya sa sahig. "Parang kahapon lang high school ka pa. Inaayos ko pa yung school uniform mo tapos ngayon college ka na. Bakit ganun, ang bilis ng panahon. Baka isang araw, hindi mo na ako kailangan."

Ngumiti si Sehun tapos hinawakan niya ng dalawang kamay niya yung mukha ni Baekhyun. Nagpout si Baekhyun habang nakatingin lang siya kay Sehun na parang kawawang tuta.

"Baekhyun, wala namang nagbago sakin. Hindi ako magbabago kahit kailan," sabi ni Sehun tapos ginalaw-galaw niya yung thumb niya sa pisngi ni Baekhyun. "At kailangan kita habang buhay. Wag ka na nang sumimangot jan. Hindi bagay sayo."

Nakatitig lang si Baekhyun sa mata ni Sehun, kaya iniwas ni Sehun yung mata niya, na para bang bigla niyang naalala na hindi na pala pwede, may mga bagay na hindi na niya pwedeng gawin o sabihin kay Baekhyun. May mga bagay na dapat sa sarili ko na lang sinasabi at hindi na sa kanya.

"Sehun," sabi ni Baekhyun, hawak pa rin ni Sehun yung mukha ni Baekhyun sa kamay niya. "Gusto kong malaman mo na hindi rin nagbago yung tingin ko sayo. Kaya wag mong iisipin na porke nagdedate na kami ng hyung mo, hindi na kita mahal. Mahal kita, lagi mong tatandaan yun, okay?"

Sana kagaya rin yun ng pagmamahal ko sayo, pero alam ko namang hindi na mangyayari yun. Ngumiti si Sehun sabay tango. "Oo na. At mahal din kita."

Pumasok si Chanyeol sa loob ng kwarto ni Sehun, kaya napalingon naman si Sehun at Baekhyun sa kanya. Nakatingin lang si Chanyeol sa kamay ni Sehun na nakahawak sa mukha ni Baekhyun, kaya medyo nagulat si Sehun, tinanggal niya agad yung kamay niya at nilagay niya ito sa likod niya.

"Chanyeol, akala ko umalis ka na?" tanong ni Baekhyun. Lumapit siya kay Chanyeol para sana ayusin yung tie nito kagaya ng pag-aayos niya sa damit ni Sehun, pero umatras si Chanyeol at inayos niya na lang yung tie niya nang mag-isa.

"Okay lang, kaya ko na," nakangiting sabi ni Chanyeol.

Binaba na lang ni Baekhyun yung kamay niya tapos tinago niya ito sa likod niya habang nakangiti niyang pinapanood na ayusin ni Chanyeol yung tie niya.

"Ibibigay ko pa kasi yung allowance ni Sehun kaya nandito pa ako," sabi ni Chanyeol habang kumukuha siya ng pera sa bulsa niya. Nagliwanag yung mukha ni Sehun, lumapit siya agad sa hyung niya tapos nilahad niya yung palad niya.

Call Me Baby (FILIPINO) - CHANBAEK FF ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon