CHAPTER 47

5.9K 258 93
                                    


*

47

(A/N: Ang buong chapter na ito ay nakalaan para sa SeBaek! Enjoy reading!)

Naglakad si Sehun papasok ng living room, sobrang linis at sobrang tahimik ng paligid na halos yung sapatos lang niyang humahakbang sa tiles ang naririnig niya.

Huminga nang malalim si Sehun. Wala pa ring nagbago dito sa mansion simula nang nawala ako... Maliban na lang sa mga taong nakatira rito.

Napangiti si Sehun, malungkot. Wala si Yixing sa kusina at wala si Baekhyun sa living room. Parehong bahay pero parang iba ang pakiramdam. Hindi lang siguro ako sanay.

Nakarating si Sehun sa hagdan, tapos tumingala siya habang umaakyat papunta sa kwarto niya, at habang humahakbang siya palapit sa pintuan ng kwarto niya, lalong bumibilis yung heartbeat niya sa dibdib niya.

Iniisip pa lang ni Sehun na makikita niya si Baekhyun sa loob, kinakabahan na siya. Hindi niya alam kung ano bang gagawin niya pag nagkita sila. Magagalit ba ako, iiyak ba ako, matutuwa ba ako? Hindi ko pa alam...

"Pwede pa akong umatras ngayon," bulong ni Sehun sa sarili niya habang nakahawak sa doorknob ng pintuan ng kwarto niya. Naalala niya bigla na ganito rin yung eksena sa hospital. Nakahawak siya sa doorknob at nung binuksan na niya ito, nakita niya si Baekhyun kasama ni Chanyeol at Yixing.

Binitawan ni Sehun yung doorknob at huminga siya nang malalim, sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang gawin to.

"Yah. Sehun, ano ka ba? Walang bagay sa mundo na hindi mo kayang gawin. Magbubukas ka lang ng pinto, hindi mo kaya? Ano bang mahirap dun!?" sabi ni Sehun sa sarili niya, naiinis na siya.

"Fine, bubuksan ko lang to, tapos bahala na," sabi ulit ni Sehun sabay balik ng kamay niya sa doorknob. Hinawakan niya ito at dahan dahan niya itong pinihit pakanan para bumukas.

Tinulak niya yung pinto para magkaroon ng konting awang para pagsilipan niya.

Nakabukas na. Huminga nang malalim si Sehun tapos pinasok niya yung ulo niya. Sumilip siya sa maliit na awang ng pinto at ginala niya yung mata niya sa loob ng sarili niyang kwarto habang nakahawak pa rin siya sa doorknob.

Dugdug. Dugdug. Lumunok si Sehun habang nakasilip pa rin sa loob, wala siyang makita dahil nakapatay ang ilaw.

Ang dilim naman dito. Bakit hindi man lang nakabukas ang ilaw. Hindi na nakatiis si Sehun, binuksan na niya nang malawak yung pinto tapos humakbang na siya papasok sa loob ng kwarto niya. Binuksan rin niya yung switch ng ilaw.

At nakita na niya si Baekhyun.

Si Baekhyun na nakadapa sa kama ni Sehun, nakayakap sa malaking unan ni Sehun habang nakapikit at natutulog nang mahimbig.

"Ugh, shit," bulong ni Sehun sa sarili niya sabay hawak sa dibdib niya para pakalmahin yung puso niya. "Natutulog ka pala."

Hindi alam ni Sehun kung matutuwa ba siya dahil natutulog si Baekhyun, o maiinis lalo siya kasi natutulog si Baekhyun dahil pag nagising na si Baekhyun, hindi nanaman niya ulit alam ang gagawin niya.

Humakbang palapit si Sehun sa kama, nalunok na yata niya lahat ng laway niya at nadilaan na niya nang ilang beses yung labi niya pero hindi pa rin bumabagal yung heartbeat niya. Nakakainis ka, Baekhyun. Pinapahirapan mo talaga ako.

Uupo na dapat si Sehun sa kama niya nang biglang nagring yung phone niya. Malakas.

RING! RING! RING! RING!

Call Me Baby (FILIPINO) - CHANBAEK FF ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon