*55
Para kay Sehun sapat na yun, ang maalala ni Baekhyun na birthday niya kahapon, kaya naman sobrang saya niya nung malaman niya na hindi naman pala nakalimutan ng babysitter niya ang birthday niya. Kumain lang sila ng cake at nagkuwentuhan hanggang gabi habang magkatabi silang nakahiga sa kama, natulog rin si Baekhyun sa kwarto niya. At para kay Sehun, isa yun sa mga pinakamasayang birthday niya sa buong buhay niya.
"Akin na yung phone mo," sabi ni Baekhyun na nasa tabi ni Sehun, nasa kotse sila ngayon papuntang school. Kinalabit ni Baekhyun si Sehun kaya naman napalingon na si Sehun sa babysitter niya.
"Akin na yung phone mo."
"Bakit?" tanong ni Sehun, kinapa niya yung phone sa bulsa niya. "Magseselca ka nanaman ba? Meron ka namang sariling phone, dun ka magpicture, wag yung sakin ang gami--"
"Akin na sabi yung phone mo eh!" sigaw ni Baekhyun kaya nagulat naman si Sehun. Dinukot ni Sehun yung phone sa bulsa niya at inabot ito kay Baekhyun. Kinuha naman ni Baekhyun yung phone.
Natigilan si Baekhyun bago niya pa maiswipe yung lockscreen, hawak niya lang yung phone ni Sehun sa kamay niya. Nanlaki bigla yung mata ni Sehun nang maalala niya, kaya hinablot niya agad yung phone niya sa kamay ni Baekhyun, pero iniwas agad ni Baekhyun yung phone kaya hindi ito nakuha ni Sehun.
"Y-yah," sabi ni Sehun nang namumula. "A-akin na nga yan... Wala ka namang gagawin jan."
"Teka sandali," sabi ni Baekhyun, nakatingin lang siya nang mabuti sa screen. "Yung wallpaper mo.."
Umiwas ng tingin si Sehun. "Alam ko, I'm sorry."
"Hindi. Ako dapat yung magsorry," sabi ni Baekhyun nang nakasimangot. "Ang pangit ng kuha ko dito. Masyadong mataba yung ilong ko, aish. Nakakahiya! Yah, palitan mo to, palitan mo to."
"Hindi ka... galit?" tanong ni Sehun, medyo nawala naman yung pamumula niya. "Wallpaper ko yung.. picture mo."
Umiling si Baekhyun nang nakangiti tapos may kinuha siya sa bulsa niya. "Yung wallpaper mo nga sa laptop at desktop computer mo, mukha ko rin, diba? Kaya hindi na bago to."
"Y-yah! Papano nabuksan yun, ha!? At papano mo nalaman yung password!?" sigaw ni Sehun, tinakpan niya yung mukha niya dahil sa kahihiyan. "Ugh! Nakakainis ka talaga!"
"050692! Birthday ko!!" sigaw ni Baekhyun, nakangiti pa rin siya. "Diba ang galing ko, nahulaan ko! Ah, at yun rin pala ang password mo sa SNS. Minsan kasi nakalimutan mong i-sign out yung--"
"Baekhyun," sabi ni Sehun, nakasilip siya sa butas ng mga daliri niya. "Pinapahiya mo ba talaga ako?"
"Ha?"
"Nahihiya na ako, tama na," sabi ni Sehun, kinuha na niya yung phone sa kamay ni Baekhyun. "Hindi ko alam kung gaano pa karami yung alam mo, at ayoko nang malaman. Baka wala na akong mukhang maiharap sayo.."
Ngumiti si Baekhyun. "I'm sorry, hindi ko alam na ganun pala yung mararamdaman mo. Pero Sehun, hindi mo naman kailangang mahiya. Okay lang sakin."
"Nasasabi mo yan kasi wala ka namang feelings sakin," sabi ni Sehun, natahimik na lang si Baekhyun. "Kaya... nahihiya ako sayo... Sabihin mo, diba minsan nahihiya ka rin kay hyung?"
Naalala ni Baekhyun yung eksena sa bathroom, at pakiramdam niya nahihiya na naman siya. Tumango si Baekhyun, nakatingin lang siya sa lap niya.
"Ganun din ako sayo."
"Pero nahihiya rin ako sayo," malungkot na sabi ni Baekhyun, tumunghay na siya kay Sehun. "Marami ka nang ginawa para sakin pero wala man lang akong magawa para sayo. Pakiramdam ko tuloy, lalo lang kitang nasasaktan.."
BINABASA MO ANG
Call Me Baby (FILIPINO) - CHANBAEK FF ✔
Fanfiction|COMPLETED| Summary: Kailangan ni Chanyeol ng babysitter para sa kapatid niyang si Sehun. Nag-apply si Baekhyun. * Date Created: March 22, 2015 Date Finished: November 24, 2015 * Title: Call Me Baby Pairing: Chanyeol/Baekhyun, Sehun/Baekhyun Rating:...