*42
"Gusto mo pa ba ng extrang unan?" tanong ni Jongin kay Sehun habang inaayos niya yung laylayan ng bedsheets sa kama. Umiling lang si Sehun.
Tiningnan sandali ni Jongin ang kaibigan niya na nakatanaw lang sa bintana nila, tapos bumuntong hininga siya na para bang malungkot rin siya para kay Sehun. Itinuloy na lang ulit niya yung pag-aayos ng kumot ni Sehun.
"Tawagin mo na lang ako o ang hyung ko kung may kailangan ka," sabi ni Jongin matapos niyang bumaba sa kama. "Babalik na ako sa kwarto ko."
Aalis na sana si Jongin nang tawagin siya ni Sehun.
"Nini," sabi ni Sehun kaya napalingon naman si Jongin. Gusto sana niyang sigawan si Sehun na wag siyang tawaging Nini pero nang makita niyang yung malungkot na mukha ni Sehun, natigilan na lang siya.
"Bakit?"
"Thank you," sabi ni Sehun sa kalmadong boses. "Kasi pinagstay mo ako dito. At sorry din sa abala."
Ngumiti si Jongin tapos umupo siya sa gilid ng kama ni Sehun. "Wala yun, ano ka ba. Magkaibigan na tayo since birth kaya nandito lang ako para sayo."
Ngumiti lang si Sehun nang konti tapos binalik na niya ulit ang pagtanaw niya sa madilim na labas ng bintana. Kung nalulungkot si Sehun, nalulungkot rin si Jongin para sa kaibigan niya. Naalala niya pa yung gabing pumunta si Sehun sa bahay nila na umiiyak at nagmamakaawang dito muna siya magstay. Nung gabing yun, alam na ni Jongin na nalaman na ni Sehun yung totoo kahit hindi nito sabihin.
"Uhm. Okay ka na ba?" mahinahong tanong ni Jongin. "Namimiss mo ba siya?"
Hindi sumagot si Sehun, pero nakita ni Jongin kung paano humigpit yung pagkakakapit ni Sehun sa bedsheets.
"Sinabi mo saking wag ko siyang banggitin sayo pero... gusto ko lang malaman mong nag-aalala si Baekhyun-hyung sayo," sabi ni Jongin kay Sehun na hindi man lang lumilingon sa kanya.
"Every two hours tumatawag si Baekhyun-hyung dito. Tinatanong niya kung okay ka lang daw ba o kumakain ka raw ba nang maayos. Sinabi rin niya na... sana sagutin mo na yung phone mo. At saka," tumigil si Jongin sandali para tingnan kung nakikinig pa ba si Sehun.
"Sana bumalik ka na, kasi hindi siya makatulog kakaisip sayo at--"
"Sinungaling," sabi ni Sehun habang mahigpit na nakakapit sa bedsheets niya. Napansin ni Jongin na tumutulo na pala yung luha ni Sehun.
"N-napakasinungaling niya," sabi ni Sehun, nanginginig yung boses niya. "W-wala akong pakealam sa kanya, Jongin. Hindi ako uuwi. Galit na galit ako sa kanya."
"Hunnie," sabi ni Jongin habang pinapat niya ang likod ni Sehun.
"Naiinis ako sa sarili ko, Jongin," sabi ni Sehun habang pinupunasan niya ang luha niya. "Kahit galit na galit ako sa kanya," tumigil si Sehun sandali para humikbi, "siya pa rin yung hinahanap ko."
"Mahal mo talaga si Baekhyun," malungkot na sabi ni Jongin. "Pero Sehun, kailangan mo rin siyang kalimutan..."
"Gusto ko na ngang iuntog yung ulo ko sa pader para mawala na siya sa isip ko. Gustong gusto ko na siyang makalimutan pero," sabi ni Sehun habang umiiyak. "Tangina, h-hindi ko magawa. H-hindi ko kaya..."
Niyakap ni Jongin si Sehun nang mahigpit, kaya naman umiyak na si Sehun sa balikat ng kaibigan niya habang pinapat ni Jongin yung likod niya.
"Nandito lang ako. Pwede kang umiyak sakin," bulong ni Jongin. "Hindi ako aalis sa tabi mo."
Humigpit ang pagkakayakap ni Sehun kay Jongin habang umiiyak siya, hinihiling niyang sana kahit konti mabawasan man lang yung sakit na nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Call Me Baby (FILIPINO) - CHANBAEK FF ✔
Fanfiction|COMPLETED| Summary: Kailangan ni Chanyeol ng babysitter para sa kapatid niyang si Sehun. Nag-apply si Baekhyun. * Date Created: March 22, 2015 Date Finished: November 24, 2015 * Title: Call Me Baby Pairing: Chanyeol/Baekhyun, Sehun/Baekhyun Rating:...