Chapter 2

247 11 54
                                    


Sunny's Point of View

Hindi pa man din natatapos ang araw ko alam ko nang wala na akong dahilan para ngumiti.

Unang-una may customer sa coffee shop na nakakainis, alam ko naman na may motto na "customers are always right" pero minsan kasi inaabuso na din nila at feeling entitled.

Akala mo naman ang mahal ng binili pero yung pinaka-mura lang naman sa menu yung pinili. Sino ba namang hindi maiinis ano? Andaming nakapila sa likod niya pero halos 20 minutes ko siyang pinag-laanan ng oras dahil papalit-palit siya ng order.

Naka-ilang palit din ako nun dahil na-punch ko na bago niyapa sabihing papalitan niya daw. Nako teh kung talagang wala akong self-control baka nabigwasan ko na siya kanina pa.

"Easy lang parang aabangan mo na sa labas kanina yung customer natin eh." Bulong sakin ni Vaness na kasama ko din na kumukuha ng orders. Sino ba namang tao ang hindi maiinis sa ganun?

Mga tao talaga napaka-impulsive pagdating sa decision-making kaya madalas ang resulta pinagsisisihan nila. Ano angal ka diyan? Tama naman ako diba?

"Teh gusto mo palit tayo? Ikaw na lang next time kumuha ng order niya pag bumalik siya dito." Umiling na lang ito at ngumiti sa akin.

At dahil break time na tinignan ko muna ang e-mail ko kung may mga bagong messages or responses. As usual, ayun wala pa din.

Nakakalungkot mang isipin pero mukhang matatagalan pa ako sa pagtitis ng mga customers na walang ginawa kundi mambwisit.

"Ano? Musta? Wala ka pa ring tawag?" Sumingit sa tabi ko si Vaness at sinilip ang cellphone ko. Alam niya din kasing nag-aaply ako sa ibang mga publishing companies.

Nalaman ko kasi na frustrated writer pala siya. Noon daw nung bata siya mahilig talaga siyang magsulat ng kung ano-anong storya pero pagdating nung college hayun nagshift siya ng course at lumipat sa HRM.

Doon niya daw narealize na nabuhay siya ng matagal na pinaniwalaang magiging writer siya balang araw, pero nagising na lang siya na hindi na siya masaya sa ginagawa niya kaya naghanap siya ng course na hindi niya man sigurado pero sumugal siya dito.

Naisip ko lang na ang hilig talaga natin sumugal sa mga bagay na hindi tayo sigurado.

Gaya ko, hindi ko sigurado kung saan ako pupulutin ngayon pero sumugal ako at nag-resign sa trabaho.

Siguro ngayon hindi pa talaga natin nakikita yung reulta nung desisyon natin pero darating ang panahon magbubunga din ito.

Maganda man o hindi kailngan nating harapin ang kapalit dahil ito ang desisyong ating pinili.

"Vanesss, sa tingin mo ba tatawagan pa ako?" Napasandal ako sa pader at tumingin sakaniya ng seryoso.

Nag-isip ito bago sumagot sa akin. "Oo naman noh! Atsaka hindi man kita gaanong kilala pa, nakikita ko naman sayo na talagang nasa puso mo ang pagsusulat." Napatahimik na lang ako at tila napa-isip kung tama ba ang ginawa ko.

Tinapik niya ako bago umalis at nag-iwan ng katagang "Matatawagan ka din. Huwag mo muna masyadong isipin yan. Trabaho muna tayo." Hudyat na iyon para lumabas ako at bumalik muli sa counter.

Sa totoo lang buong maghapon kong inisip ang mga bagay-bagay. Alam mo yung nakakalito at hindi mo na alam ang papaniwalaan mo? Kung worth it ba yung pag-reresign ko? O buong buhay kong pagsisisihan yun? Hays. Ang gulo. Bahala na nga.

Magsasarado na sana kami kaso may isa pang customer na pumasok. Apat silang babae na parang pagod na pagod sa buong araw nila. Sayang din naman sabi ni Vaness kaya sabi niya sila na ang last customer para ngayong araw.

Pinalitan niya na ang sign board ng "close" na nangangahulugang wala na kaming papapasuking customer sa araw na ito.

"Good day! May I take your orders po?" Bati ko sakanila.

"Sunny? Ikaw ba yan?" Tinitigan kong mabuti yung babaeng tumawag sakin. Huh? Sino ba itong babaeng ito? Para siyang familiar pero parang hindi.

"Ako yung naghatid sayo pauwi nung nalasing ka sa bar. Natatandaan mo pa ba?" Alala ko na. Siya pala yung makulit na text ng text sakin noon. Jusko pati ba naman pag-add sa facebook ginawa niya din. Natakot lang talaga ako baka stalker eh pero mukhang disente naman. Charot.

Looks can be deceiving ika nga nila.

"Ay oo! Haha. Tsaka na lang natin pag-usapan yun, work muna ako. Ano orders niyo?" Binulong ko na lang dahil nakakahiya na malaman pa ng mga tao dito na lasinggera ako. Charot. Minsan lang talaga yun. Pinilit lang talaga ako nila Tiara nun.

————FLASHBACK————

"Ang kj mo teh! Sige na sumama ka na samin! Minsan ka na nga lang mag-paramdam samin eh." Ito yung araw na nag-resign ako sa trabaho. Sobrang wala na talaga akong malapitan nun kaya pumunta ako sa location ni Tiara.

Gaya nga ng sabi ko sainyo isa siya sa mga taong nilalapitan ko kapag may problema ako. Kaya siya ang una kong pinag-sabihan noon.

Kahit na hindi ako umiinom napasabak na din ako dahil gusto ko lang na makalimutan sa araw na yun ang ginawa ko.

Hanggang ngayon pa din naman kahit 3 months na ang nakakalipas hindi ko pa din nakakalimutan yung desisyon kong iyon.

"Miss, pinabantayan ka sakin ni Reese. Sabi niya ako na daw maghatid sayo." Nagising ako nang nahihilo at medyo blurred pa yung paningin ko. Kaya hindi niyo rin ako masisisi kung nakalimutan ko siya agad dahil hindi ko naman nakita nang malinaw yung mukha niya non.

——END OF FLASHBACK——

"So uulitin ko lang ang order niyo ano. Tatlo po na caramel macchiato and isang cafe americano. That would be 379 pesos po." Binigay niya sakin ang pambayad niya at binalik ko naman sakaniya ang sukli.

This is really awkward.

Imagine almost 3 months na din nung nag-resign ako tapos dito pa kami magkikita nung babaeng nakakita ng kalat ko sa buhay.

Weird talaga.

"May I have your name for the drinks." Natawa ito nang bahagya at sumagot naman agad.

"My name's Tracy in case you forgot." Kumindat ito sa akin bago umalis at pumunta sa mga kaibigan niya.

- - - - - -

"Ang pagsugal sa isang bagay ay hindi madali pero kahit ano pa mang desisyon ang pinili natin dapat maging reponsable tayo sa magiging resulta nito, dahil ito ang pinili nating pasukin."

-Sunny ^-^

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon