Chapter 15

46 6 134
                                    


Sunny's Point of View

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako pero siguro naman wala mangyayari.

"Huy, tulala ka na naman! Gusto mo ba si Tracy ha? Bakit masyadong kang affected sa tanong niya."

Nakapag-chat naman kagabi ni Tracy pero medyo hindi ganoon kabilis ang reply ko dahil nga tinuturuan ko si Vaness mag-gitara.

Wala lang para less worry?

At less hot-seat moments. Charot.

"Hindi wala. Trabaho na tayo." Sa totoo lang gulong-gulo na ako sa sarili ko.

Alam kong ang daming bagay ko pa na dapat intindihin bukod dito pero hindi ko naman maitatanggi na halos dalawang araw ko na siyang iniisip.

Hindi lang yung tanong niya ang naaalaa ko kung hindi pati pag-ngiti at yung gabi na nag-usap kami sa apartment.

Wala naman akong problema kung magka-gusto ako sa babae.

Medyo hindi lang ako sanay.

Nalilito pa ako.

Atsaka hindi ko pa din naman sigurado kung gusto ko nga ba talaga si Tracy.

"Paano ba malalaman kapag gusto mo na ang isang tao?" Tanong ko kay Vaness na ikinatawa niya.

"Ano ka back to zero? Paano mo ba nagustuhan ex mo?"

Nagustuhan ko lang naman si Ralf dahil masaya siyang kasama pero nung naging kami na, madaming nagbago at madami akong nalaman dito.

Hindi kami compatible sa isa't-isa.

"Sunny, I'm gay."

Oo na! Kaya malapit ako sa mga LGBTQ members dahil sakaniya, gwapo naman talaga ssi Ralf hindi ko maikakaila yun pero siguro nung naging kami na, narealize niya na hindi talaga siya para sakin.

O kahit sa kanino pang babae.

Para siya sa mga lalaki.

Hindi ako nag-tanim ng sama ng loob sakaniya dahil naiintindihan ko naman kung gaano kahirap magtago ng totoong nararamdaman.

"Chaka ha! Alam mo kung iba naging jowa nun baka nainis na sakaniya. Niloko ka kaya nung tao." Komento ni Vaness.

"Alam mo, hindi naman mawawala sa akin na magulat at siyempre malungkot, pero mas masakit kasing isipin na hindi naging manganda yung ending nung relationship niyo." Sagot ko dito.

Yep.

Kung makikipag-relasyon man sakin ang isang tao, gusto ko kapag nag-break kami may closure.

Gusto kong malaman yung side niya kahit sa huling pagkakataon.

Pero syempre charot lang, dahil si Ralf pa lang ang nagkakamali sa akin.

"Alam mo, korni man pakinggan pero i-try mo kaya na mag-isip ng mga signs. Tapos pag nagawa niya edi ibig sabihin siya na talaga."

Ano to? Gaya sa mga eksena sa palabas?

Masyado namang cliche itong naiisip na paraan ni Vaness.

Habang break time ay sinubukan kong mag-sulat sa notebook ko.

Mga signs para malaman kung gusto ko nga ba talaga ang isang tao.

1.) Kapag dinala niya ako sa isang lugar tapos biglang mag-sslow motion ang paligid at siya lang ang makikita ko.

Oo na sige na! Papatulan ko na itong payo sa akin ni Vaness.

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon