Sunny's Point of ViewHindi pa din malalis sa isip ko yung nangyari sa loob ng kotse niya.
I mean sobrang weird kasi first time lang na may mag-kiss sa cheeks ko na babae.
Close kami nila Tiara but we don't do that thing. More on hugs lang talaga.
"Bakit parang may iniisip ka na naman? Alam mo teh dadating naman talaga tayo sa punto na kailangan nating maghintay sa biyaya. Tatawag din yan sayo." Talaga itong si Vaness ang hilig akong pangunahan.
Hindi naman kasi yun ang iniisip ko— si Tracy.
For the nth time.
Dahil undas na inunahan na kami ng boss namin nagsabi ito na pwede kaming mag-leave ng tatlong araw at mag-day off ngayon.
O diba bongga!
Ginawa niya lang naman ito dahil isang linggo din talaga siyang mawawala.
"Nagki-kiss ba ang magkaibigan?"
Napahinto sa paglalakad si Vaness nang maitanong ko ito.
Tinitigan niya muna ako bago nagpakawala ng tawa.
"Gaga! Ano yun? Friends with benefits?" Tanong nito.
"I mean, sa cheeks lang kasi! Showing gratitude lang kasi!" Pagdedepensa ko.
Pinanliitan ako ng mata nito.
"Ikaw ha. May halikan nang nagaganap. Nako! Chukchakan na sunod niyan!" Sinita ko ito dahil medyo napalakas ang boses niya.
Nakakahiya baka may makarinig.
Nasa mall kami ngayon ni Vaness at naisipan naming mag-pagupit ng buhok.
Gusto ko sana medyo maikli sa normal kong gupit para maiba naman.
"Huwag na nga nating pag-usapan yan. Ang mabuti pa kumain muna tayo bago tayo mag-pagupit."
Aya ko dito at hinila siya papunta sa McDo.
Matapos kaming mag-order ay naghanap muna kami ng upuan.
Tanging malapit lang sa may bintana yung upuan na available kaya umupo na kami agad.
Sa totoo lang ayaw na ayaw kong sa may bintana umuupo.
Feel ko kasi pinapanood ako ng mga tao sa labas habang kumakain ako.
Nakakailang.
Habang kumakain ay kung ano-ano ang napag-usapan namin ni Vaness.
Syempre hindi mawawala sa topic namin yung paghihintay ko ng trabaho.
Medyo naiinip na din kasi ako pero wala naman akong magawa dahil nga nagbabaka-sakali pa din ako na maka-hanap sa Manila ng trabaho.
Nag-paalam din ako kay Vaness na baka sa undas ay pumunta ako ng Cavite para pumunta kila Mama.
"Handa ka na bang sabihin sakanila ang problema mo?" Umiling ako dito at sumagot.
"Wala pa talaga akong balak. Magpupunta ako dun para maghanap ng trabaho, baka sakaling meron doong nangangailangan ng writer na gaya ko."
Kukunin ko na din ang opportunity na yun kung sakali, para hindi na din ako lumayo sa pamilya ko.
"Hay nako, basta kung ano man yang desisyon mo support ako. Walang kalimutan ha! Pag naging best-selling author ka na." Biro nito na ikinatuwa ko.
Simpleng compliment lang pero sobrang laking bagay na yun para sakin.
Atleast hindi panay sermon ang inaabot ko dito kay Vaness.
"Salamat ha. Ikaw lang kasi yung kaibigan ko na support ako." Ngumiti ito at sumagot muli.
"Wala yun sus!"
Madami akong nalamang bago ngayon kay Vaness.
Na-kuwento nito na wala na pala siyang Papa at tanging siya na lang daw ang inaasahan ng Mama niya ngayon. Yung mga kapatid niya mga nag-aaral pa.
Ang hirap siguro.
Maging bread winner sa pamilya no?
"Kinakaya ko pa naman. Syempre diba, ayan naman talaga ang mindset natin eh. Kinakaya at kakayanin para sa pamilya." Sabi nito.
Kaya hanga ako kay Vaness eh.
Kita ko naman kasi na dedicated siya sa trabaho niya kahit hindi man ito ganoong kumikita ng malaki ang mahalaga nakakatulong siya.
Sa sobrang dami naming pinag-usapan umabot kami ng halos dalawang oras sa McDo.
Para ngang nakatitig na samin ng masama yung guard dahil kanina pa kami nag-kukuwentuhan eh tapos na naman kaming kumain.
Nag-paalam muna ako dito na mag-cr at bantayan muna saglit ang aking gamit. Pumayag naman ito kaya nag-cr muna ako.
"Sunny bilisan mo! Halika dali!"
Pagkalabas na pagkalabas ko ay pinag-mamadali ako ni Vaness kaya naman lumapit ako dito agad.
"Ano ba yan?! Parang nakakita ka naman ng multo?" Biro ko dito.
Tinuro niya ang direksiyon na kung saan may dalawang babae na nag-uusap ng masinsinan.
"Hindi ba si Tracy yun?" Tinignan ko ulit ito sa huling pagkakataon, saka ko lang napagtantong si Tracy nga.
"Halika dali! Puntahan natin." Hinila ako agad ni Vaness papalabas at halos isang metro lang ang pagitan namin sakanila.
Hindi ko pa nakikita ang kasama niyang babae, si Ynna pa lang kasi ang namumukhaan ko kaya nakakapag-taka na may kasama siyang bagong babae.
Nag-yakapan sila.
"Akala ko ba ikaw gusto niya?" Napalingon sa akin si Vaness.
Pero hindi na lang ako tumingin dito sa halip ay napako ang tingin ko sakanilang dalawa.
Naiinis ba ako?
Oo.
Kagabi kasama niya lang ako tapos ngayon ibang babae na kasama niya? Waw.
Nagkatinginan kami nito pero dahan-dahan akong umiwas at hinila si Vaness papunta sa direksiyon ng malapit na salon.
Bahala siya sa buhay niya.
"Aray te! Ano ba! Ang sakit ha! Bitaw na! Malayo na tayo sakaniya. Hindi na tayo maabutan."
Hindi na lang ako umimik at pumasok na sa loob ng salon.
"Anong gupit po ang gusto mo Madam?" Tanong sa akin ng parlorista.
"Yung gaya nung sa babae kanina na kakaalis lang." Sagot ko.
"Ay pixie cut Madam? Bongga! Sige noted iyan. Kunin ko lang ang mga gamit Madam." Sagot nito.
Kinalabit ako ni Vaness na nasa katabing upuan ko lang.
"Sure ka ba? Maikli masyado yun gaga!" Sabi nito.
"Oo. Sigurado ako no."
Si Tracy lang naman hindi.
Nakakainis talaga.
- - - - - -
"Trying new things might change everything, pero sabi nga nila hindi mo naman malalaman ang resulta kung hindi mo susubukan eh. This will help us to grow and accept more opportunities and chances in our life. Kaya take a risk once and for all."
-Sunny ^-^

BINABASA MO ANG
Save Me
Fiksi RemajaSa pamamagitan ng panulat at isang malinis na papel ay nakakapagsulat si Sunny ng mga saloobin niya. Isang malaking parte ng buhay niya ang pagsusulat. Ano na lang ang mangyayari sakaniya kung ang trabahong pinaka-mamahal niya ay pinag-desisyunan n...