Sunny's Point of ViewSa wakas! Sabado na ulit! Akala niyo natanggap na ako noh? Wala pa ding balita tungkol dun. Haha.
Asang-asa yarn? Charot.
Ako syempre asang-asa noh, pero wala naman akong magawa kundi maghintay.
Time first muna tayo sa "trabaho" topic na yan.
May mga ibang bagay pa naman akong dapat alalahanin. Gaya ng pag-grocery ko para may makain sa apartment.
Atsaka magpapadala din ako kila mama ng mga naitabi ko para makatulong sakanila. Hindi pa ako makaluwas ngayon sa Cavite dahil hindi pa alam nila mama na nag-resign ako.
Oo tama kayo ng pagkaka-intindi. Hindi alam ng magulang ko.
At wala akong balak na sabihin ito sakanla.
Nung nalaman ni mama ang course ko noon, dama ko na sakaniya na tutol siya sa kung anong balak kong gawin sa buhay ko. Pero syempre hindi ako nagpadala dito.
Mahal ko ang pagsusulat eh.
Kaya kahit na hindi niya ako suportado sa course na kukunin ko, nag-pursigi ako na makatapos para wala siyang masabi sa akin.
Siguro isa na din sa ayaw kong marinig sakaniya ngayon ay ang mga katagang "Ayan na nga ba ang sinabi ko eh, wala ka naman talagang mapapala sa pagsusulat mo na iyan."
Masakit para sakin na isipin na minamaliit ng karamihan ang sining, pero para sa akin, pagsusulat ang isa sa mga bagay na naka-tulong sa akin na ilabas ang emosyon ko sa bawat pangyayari sa buhay ko.
Let's face the fact, lahat naman tayo ayaw mapuna sa lahat ng mga bagay na nakapag-papasaya satin.
Alam kong iniisip lang ni mama yung kapakanan ko noon (pati din naman ngayon) pero alam niyo kung ano yung pinaka-masakit sa lahat na tanggapin para sakin? Na tama siya.
Kung malaman ni Mama na ganito ang kalagayan ko ngayon, baka mas lalo ko lang maisip na walang akong kwenta.
Kaya hangga't maaari ay iniiwasan ko na malaman niya, este nila.
Ang tanging pinag-sabihan ko lang ay si Tiara at Reese.
Nalaman na lang ni Vaness dahil nga nagtatrabaho ako sa coffee shop.
Bukod dun, wala na talaga akong pinag-sabihan. Pati yung bunso kong kapatid hindi alam.
Siguro nga walang sikretong hindi nabubunyag pero ngayon, magpapatuloy ako na magtago hangga't kaya ko pa.
Anyways, nasa grocery ako ngayon para mamili ng mga makakain ko sa apartment, pagkatapos nito ay balak kong maglinis ng kwarto pag-uwi para kahit papaano naman ay maging busy ako kahit nasa bahay lang.
Habang nag-hahanap ako ng mga bibilhin sa aisle section, bigla na lang nag-ring ang cellphone ko kaya't kinuha ko agad ito at sinagot ang tawag.
Si mama. "Nak! Nakuha na namin ng papa mo yung padala mo, salamat ha? Sa susunod bisita ka naman dito sa atin, miss ka na namin dito. Ayos ka pa ba dyan ha? Huwag kang masyadong magpapakapagod sa mga ginagawa mo sa trabaho. Magpahinga ka din ha?" Hindi ko na napigilan na maluha sa mga sinabi ni mama.
Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ako magpapanggap na okay ako.
Ngumiti ako na para bang nasa harap ko siya. "Okay lang ako dito Ma, kayo nila papa diyan ang mag-ingat. Sige na ho ma, namimili pa kasi ako dito eh." Ibababa ko na sana yung tawag kaso bigla pa nagsalita si mama.
"Oh siya sige salamat anak. Lagi mong tatandaan na proud na proud kami ni papa sayo. Miss you anak." Hinold ko na lang ang tawag at hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko.
Lagi namang sinasabi sakin yun ni mama, pero sa loob ng tatlong buwan hindi ko mapigilang malungkot dahil proud sila para sa wala.
Hindi ko mapigilan na maisip na nakakadisappoint akong anak, pero at the same time pinanghahawakan ko yung sarili kong paniniwala na malalagpasan ko lahat ng ito.
Mabilis kong pinahid ang luha ko nang may mapansin na akong papunta sa aisle section na kung nasaan ako. Saglit lang naman ako sa labas dahil wala naman akong mapag-lalaanan pa ng oras sa dito.
"Kuya dito na lang po. Salamat po." Sabi ko sa tricycle driver at sabay abot ng bayad.
Inayos ko na ang mga pagkaing binili ko at inilagay ko sa ref. Magsisimula na akong maglinis ng apartment. "Kaya mo ito Sunny!" Bulong ko sa sarili habang pinag-mamasdan yung mga aayusin kong kalat.
- - - - -
"Sa bawat desisyong ating tatahakin, may mga bagay o tao talaga na magbibigay ng dahilan para isipin nating mabuti ang gulo na ating pipiliin. At pag dumating sa puntong sila ang tama, sana handa tayo na tanggapin ang pagkakamali natin."
-Sunny ^-^
BINABASA MO ANG
Save Me
Roman pour AdolescentsSa pamamagitan ng panulat at isang malinis na papel ay nakakapagsulat si Sunny ng mga saloobin niya. Isang malaking parte ng buhay niya ang pagsusulat. Ano na lang ang mangyayari sakaniya kung ang trabahong pinaka-mamahal niya ay pinag-desisyunan n...