Chapter 18

46 6 73
                                    


Tracy's Point of View

Ang sarap ng gising ko dahil naaalala ko yung nangyari kagabi.

It's just a thank you kiss.

Wala namang ibig sabihin?

Well para sa akin syempre meron.

Bumangon na ako at pumunta agad sa baba para sumalo sa almusal ng dalawa kong mahal na erpats.

"Aba, mukhang maganda ang gising ha! Naka-iskor na ba?" Tanong ni papa.

Siniko naman siya ni Mama.

"Ano bang pinag-sasabi mo? Talaga nga naman oh." Napakamot na lang ito sa ulo.

Maybe you're wondering bakit magkaiba ang tawag ko sakanila, it's because I use their preferred pronouns.

Ako lesbian but my pronouns is still "she/her" and I think that's definitely okay.

Not because tomboy ka or bakla ka preferred mo na natawagin ka sa kahit anong gustong itawag sayo.

Doon tayo sa kumportable.

"Inuunti-unti ko pa po eh. Straight na naman kasi." Umupo na ako at inabutan ako ni mama ng kanin.

"Nako ha, ayan ka na naman pang-ilan na yan. Ingatan mo ang puso mo anak." Pagbibilin sa akin ni Mama.

Tumango na lang ako sa mga ito at kumain na din.

Medyo natagalan din ako sa baba dahil nakipag-kuwentuhan at tumulong ako sa gawaing bahay.

Pag-akyat ko sa kwarto narinig ko agad na may tiumatawag sa akin kaya dali-dali ko itong sinagot.

"Hello?" Sagot ko dito.

"Hey, hindi mo naman siguro nakalimutang magkikita tayo diba? Let's meet at 3 pm if that's okay with you." Sabi ni Beatrice.

Hindi naman ako magsisinungaling.

Nakalimutan ko talaga dahil si Sunny ang nasa isip ko.

Well, anyways pagkatapos naman ng pag-uusap namin ni Beatrice wala na akong problema.

Kaya't naligo na ako at sumabay kay Mama mag-lunch.

Umalis na si Papa at nagpunta na sa trabaho niya.

Nag-paalam ako na sasaglit lang ako sa opisina.

Magagalit kasi ito kapag nalamang makikipag-usap ako kay Beatrice.

Ni hindi daw kasi nakilala ng personal iyon tapos ganoon pa ang ginawa sa akin.

Hindi ko naman gustong hindi makita nila Mama si Beatrice talagang natatakot pa kasi siya noon kaya hindi ko na siya naipakilala.

Halos mga 2:30 na din ako umalis sa bahay dahil ayos lang naman sa akin na ma-late dahil hindi naman ito formal meeting.

"Buti dumating ka." Bungad sa akin ni Betrice at inalok sa akin yung kaharap nitong upuan.

"Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ko dito.

"Kumain muna tayo. Na-miss din kitang kasama eh." Hinawakan nito ang kamay ko kaya inalis ko kaagad.

Habang kumakain ay tahimik lang kaming pareho.

Ayoko din namang mag-initiate ng topic dahil hindi naman naging maayos ang break-up namin.

"I'm really sorry, Tracy." Nang matapos kami na kumain ito ang bungad niya.

"Siguro nga tama ka. Hindi pa ako handa sa kahit anong commitment."

Huminto ito saglit para uminom ng tubig.

"That night. Gusto kitang puntahan at ipaliwanag sayo na nagawa ko lang yun kasi pinepressure na ako ng mga magulang ko magka-boyfriend."

Kita ko naman ang pagsisisi nito at pilit niyang pinipigilang maiyak.

"Nung nahuli tayo ng parents ko. Doon ko na-realize na sigurado na ako sa sexuality ko. Pinaglaban ko ang sarili ko sakanila. Pinaglaban ko yung relasyon natin, pero masyado na kitang nasaktan kaya napagod ka na sa atin." Pagpapaliwanag nito.

Nasa huli talaga ag pagsisisi.

Well, that's not my business anymore.

I'm moving forward kaya hindi na ako masyadong naaapektuhan.

But yeah, I have to admit na tama si Ynna.

Medyo nawala na din yung mga tanong sa isip ko.

"Alam ko hindi madaling magpatawad, Tracy. I understand that. Gusto ko lang talaga na kunin yung opportunity nito para maka-usad na ako sa susunod na yugto ng buhay ko. At ganun na din para sa iyo." Dagdag pa nito.

Nakikita ko naman na medyo nag-grow na siya from the pain.

Sabi nga nila "experience is the best teacher".

"Atsaka sabi ni Ynna you're happy now. Sana hindi siya tulad ko na takot mag-take ng risk. I hope she's better than me, because that's what you truly deserves, Tracy."

Ngumiti ito sa akin.

Hindi din naman nag-tagal ang pag-uusap namin dahil may aasikasuhin pa daw siya.

"Thank you ulit sa pag-papautang sa akin ng oras mo. So I guess this is really a goodbye?" Tumayo na ito at isinukbit ang bag sa balikat niya.

"I appreciate your sincerity, Beatrice. Salamat din." Ngumiti ito at yinakap ako.

Nung kumalas ito sa pagkakayakap laking gulat ko na tanaw ko si Sunny at si Vaness na naka-titig sa amin.

"Sunny?" Napalingon ako kay Beatrice at sumenyas lang ito na puntahan ko na.

"Sige na, I'm okay now. Puntahan mo na. Thank you ulit."

Ngumiti ako dito at nagpaalam muli sa huling pagkakataon.

Hindi naman siguro nakita nila Sunny diba?







——

Medyo naging busy lang dahil tambak ang schoolworks kaya hindi ko na-upload kahapon :((

Bawi ako next week¿

Luv u all!

<3

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon