Chapter 23

44 6 47
                                    


Sunny's Point of View

Nagulat ako sa pagdating ni Tracy pero mas nagulat ako sa reaksyon nito.

Iniwasan niya ako nung hinalikan ko siya sa labi.

Buong gabi ako naghintay pero tanging si Mama na lang ang nagpunta sa kwarto ko.

"Umuwi na si Tracy. May nangyari ba? Nag-away ba kayo?" Tanong ni Mama.

Doon ko lang narealize yung ginawa ko kanina.

Kung mas madadagdagan yung pagkabigo sa akin nila Mama parang hindi ko na yata kakayanin.

"Ma, pwede ko ba kayong kauspain ni Papa."

Napaupo ako sa kama at hinihintay ang sagot nito.

Kita kay Mama ang pagtataka pero sumangayon pa din siya at tinawag si Papa mula sa kabilang kwarto.

Tumayo ako at ipinakita ko ang ID ko sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko.

Pilit nilang iniintindi kung bakit ko ipanapakita sakanila iyon.

"Halos 4 months na po noong nag-resign ako sa Publishing Company na pinag-tatrabahuhan ko. Hayaan niyo muna sana akong magpaliwanag bago niyo ako sermunan."

Pangunguna ko sakanila.

"Alam niyo naman po ni Papa kung gaano ko kamahal ang pagsusulat pero minsan yung nasa paligid mo talaga yung magsasabi na dapat ka na muna magpahinga. Naubos ang pasensya ko sa mga ka-trabaho ko, Pa. Hindi naman po masama na magpahinga diba? Nahihiya po ako ngayon pero sa tingin ko ito na ang tamang panahon para malaman niyo. Ang bigat na po kasi. Sana maintindihan niyo po ang desisyon ko."

Matapos kong magsalita ay tahimik ang kwarto.

Inaasahan ko na ang mga sermon ni Mama.

"Naiintindihan ka namin anak." Pero sa halip na sermon ang inabot ko ay yinakap ako ni Papa.

Hindi ko na napigilang maiyak dahil hindi ko inakalang hindi ito nagalit sa akin.

Napatingin kami pareho kay Mama pero umalis lang ito ng kwarto.

"Hayaan mo na muna yung Mama mo, alam mo naman yan matagal bago i-proseso ang mga bagay-bagay." Sabi ni Papa.

Alam ko naman na magiging ganoon ang reaksyon ni Mama hindi na ako nag-expect pa,

pero masakit pa din talaga kapag nangyari na talaga.

3 am na pero tinatanaw ko pa din ang bintana.

Baka sakali na bumalik si Tracy, pero mukhang umalis na yata talaga siya.

Bigla ko na lang nararamdaman na may tumutulo ng luha sa mga mata ko.

Akala ko ba gusto niya ako?

Pero bakit ganoon ang reaksyon niya?

Nakakainis.

Mas nakuha ko pang umiyak dito kaysa sa ginawa kong pagtatapat kila Mama.

Bago lang ako sa nararamdaman ko tapos iiwan niya ako sa ere bigla?

Hibang ba siya?

Ano yun joke niya na naman?

Nakakainis na talaga siya.

"Bakit hindi ka pa tulog?" Napalingon ako nang makita ko si Mama na nakasilip sa kwarto ko.

"May napanaginipan lang pong masama." Tumabi ito sa akin kung saan malapit ako sa bintana.

"Proud ako sayo anak." Ayun pa lang ang binibitiwan niyang salita naiyak akong muli.

Simula bata hindi ko narinig sakaniya yang mga salitang iyan.

Nakakapanibago.

"Ang tapang mo para gumawa ng ganoong sitwasyon. Kung ako ang nasa kalagayan mo baka tiniis ko na lang habang buhay yun. Pero iba ka sa akin. Naniniwala ako sayo anak."

Niyakap ako nito at hindi ko na napigilan na mas humagulgol pa.

"Sige na nak. Tulog na. Bukas tutulungan ka namin ni Papa maghanap ng trabaho dito sa atin."

Nahimasmasan na kami pareho at nagpaalam na ito na matutulog na daw siya.

Ang lakas manggago ng tadhana noh?

Kanina ang saya-saya ko tapos ngayon kakagaling ko lang sa pag-iyak.

Sobra kang binabaliw?

"Teka? So alam na ng parents mo na gusto mo si Tracy?" Tanong ni Vaness mula sa tawag.

Kinukuwento ko kasi lahat ng mga pangyayari kagabi dahil baka mabaliw na ako kung hindi ko sabihin kahit kanino yung problema ko tungkol kay Tracy.

"Ano ka ba! Hindi! Ang sinabi ko kila Mama yung pag-reresign ko." Pagtatama ko dito.

Mukhang nalito na ata sa mga kwento ko.

"So? Ang itinawag mo sakin ay ang problema mo sa love life hindi problema mo sa pamilya tama ba ako?" Nakakainis naman itong si Vaness eh ginagatungan pa eh.

Inaasar niya ba ako?

"Vaness naman eh. Ano bang mali sa sinabi ko? Sabi ko naman sakaniya na gusto ko din siya. Hahalikan ko pa nga sana siya eh!" Sabi ko dito.

"Alam mo kung ano mali teh? Sabi mo kasi "I think" shunga ka ba? Hindi ka sigurado tapos gusto mong halikan yung tao? Aba talagang magwa-walk out din ako pag sinabihan akong ganyan! Paasa much?!" Sagot ni Vaness sa akin.

Nabigla lang din naman ako sa sitwasyon.

Nung hinalikan niya ako naramdaman ko na parang gusto ko pa na matagal niya akong halikan kaya gusto ko sana siyang halikan ulit.

Ang shunga mo talaga Sunny.

"I like you Sunny." Hinalikan ako nito sa labi.

Sobrang bilis ang tibok ng puso ko nun.

Hindi ko malaman kung ano ang susunod kong dapat na gawin.

Sandali lang nitong idinampi ang labi niya sa labi ko.

"I think I like you too Tracy." Sabi ko dito atsaka akmang hahalikan siya ulit.

Hindi ko inaasahan ang reaksyon nito. Umiwas siya agad at binuksan ang pintuan.

Nakakainis! Kapag naaalala ko naiinis ako sa sarili ko.

Gusto ko si Tracy.

Sigurado ako doon.

Nataranta lang ako.






- - - - -

"Unexpected decisions sometimes leads us on either good result or bad result. Kung maganda ang kinalabasan edi mas mabuti pero kung hindi naman atleast sinubukan mo. Ang importante lang dito hindi ka natalo sa sugal na tinayaan mo dahil maganda o hindi ang resulta at least hinarap mo ito ng lakas loob kahit na hindi ka sigurado."

-Sunny ^-^

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon