Tracy's Point of ViewSobrang balisa ako nang mai-send ko na sakaniya ang text ko.
Me: Can we meet tomorrow? After work mo?
Aaminin ko na noong gabi na yun nagkamali ako sa pagtatanong sakaniya ng ganoong bagay.
Masyado siyang nabigla.
"Sunny." Inaantok na ito pero pilit pa ding ayaw humiga dahil ako daw dapat ang unang antukin sa amin.
"Hm?" Tumahimik kami pareho at hinintay ko na magtama ang tingin namin.
"May chance ba na mainlove ka sakin?"
"Alam mo, itulog mo na lang yan. Baka antok ka na."
Sobrang pinag-sisisihan ko talaga na naitanong ko sakaniya yun.
Baka umiwas na siya sa akin o hindi kaya ay hindi niya na ako kausapin dahil dun.
Kaya naisipan ko siyang ayain para man lang sana bumawi dahil sa nangyari.
Habang hinihintay ang text niya (it's been almost an hour pero wala pa din siyang reply) naisipan ko na lang muna na pumalagi sa opisina at hintayin na umalis ang lahat.
Iiglip muna ako dito bago bumyahe pauwi.
Minsan kasi nadadatnan na ako ng antok habang nag-ddrive kaya madalas na binubusinahan ako ng koteng nasa likod ko.
"Wala ka na ba talagang kausapin si Beatrice nang maayos? Deserve niya din naman siguro ng closure."
Napaupo si Ynna sa may tabi ko at ito agad ang ibinungad sa akin.Beatrice na naman?
Matagal na kaming wala at hindi ko kinakailangan mag-explain sakaniya dahil ko naman ang naagrabyado sa relasyon namin.
"Ynna tumigil ka na. Hindi mo na ako makukulit pa. Binigyan ko na siya ng chance na magkabalikan kami nung panahon na niloko niya ako sa harap ng magulang niya. Anong chance pa ba ang maibibigay ko sa gagong yon?"
———FLASHBACK———
"Ma, Pa. Si Brent boyfriend ko po." Halos mabingi ako sa sinabing iyon ni Beatrice.
Pinapunta niya ba ako para lang sabihin niya sa akin na mas pipiliin niya na magsinungaling sa magulang niya kaysa ipaglaban kami?
Natanaw niya ako mula sa parking lot.
Balak ko sana siyang sunduin pauwi pero mukhang kakayanin niya na naman atang umuwi kasama si Brent.
Tumalikod na lang ako dito at hindi na tumingin pang muli sakanila.
Nag-drive ako pauwi na umiiyak at may sama ng loob.
Tangina talaga.
——END OF FLASHBACK———
"Ynna kaibigan ka naming pareho. Kaya sana naman patas ka sa amin. Sinaktan ako nang kaibigan mo pero gusto mo parin na makipag-balikan ako sakaniya?" Napatayo ako at napataas ang tono ng boses ko.
Bumalik lahat sa akin nung ginawa niya.
Naaawa ako para sa sarili ko na hinayaan ko na may isang tao na gumawa sa akin ng ganoong bagay.
"Hindi ganoon ang hinihiling ko sa iyo Tracy. Ang hinihiling ko sa iyo na makipag-usap ng maayos at mapag-usapan niyo ito para hindi ka nagkakaanyan. Kita mo ngayon. Naggalit ka agad. Siguro panahon na para magkalinawan kayo at sana balang araw mapatawad mo siya."
Tumayo na din si Ynna at tinapik ang balikat ko.
"Ynna, pag-iisipan ko. Salamat." Sabi ko dito bago siya umalis.
Aaminin ko naman na affected pa din ako pero hindi ibig sabihin nun na mahal ko pa siya.
Panay galit na lang ang natira sa akin eh.
Siguro tama nga na magusap din kami ni Beatrice sa kung kailan handa na ako.
Sunny: Sige.
Biglang nag-beep ng phone ko at nakita kong nag-reply na sa akin si Sunny.
Mukhang marami yata akong iipunin na lakas na loob bukas para maging maayos ang kalalabasan ng paglabas namin ni Sunny bukas.
"Pucha." Iritable kong sinagot ang tawag.
Hindi ko namalayang naka-iglip na pala ako sa opisina.
Anong oras na din pala.
"Tracy. Are you free on friday?" Nung tinignan ko ang pangalan nang tumawag si Beatrice pala.
"Hindi ko pa alam. Bakit?"
Ang bilis naman na makarating kay Beatrice ang sinabi ko kay Ynna.
"Can we talk? Bago ako pumuntang Spain." Mahinahong tanong nito sa akin.
Kaya pala kinausap ako ni Ynna kanina.
Aalis na pala si Beatrice.
"Sige. Sabihin mo na lang sa akin kung saan tayo magkikita." Sabi ko dito.
Nagpaalam na din ito agad at ibinaba ang tawag.
Isinarado ko na ang opisina at umalis. Sa tingin ko kailangan ko munang uminom para kahit papano hindi ko papalipasin ang pagkainis kanina.
Dahil namiss ko si Sunny naisip ko na sa resto-bar ulit na iyon pumunta.
"Ate, bukas ba may banda kayo dito?" Tinanong ko sa waiter habang kinukuha ang order kong Tapa.
"Opo, meron po ulit. Punta po kayo dito." Sabi naman nito.
Sa totoo lang, wala pa talaga akong plano kung saan kami pupunta ni Sunny bukas.
Buti na lang pumunta ako dito.
Sakto.
Dito na lang din kami bukas para naman pagkatapos niyang mapagod sa trabaho ay makapagpahinga siya.
Makapagpahinga sa akin.
———
<3

BINABASA MO ANG
Save Me
Teen FictionSa pamamagitan ng panulat at isang malinis na papel ay nakakapagsulat si Sunny ng mga saloobin niya. Isang malaking parte ng buhay niya ang pagsusulat. Ano na lang ang mangyayari sakaniya kung ang trabahong pinaka-mamahal niya ay pinag-desisyunan n...