Tracy's Point of ViewMaaga pa lang ay nagpunta na kami nila Ynna sa wedding location na ni-refer sa akin ni Reese.
Actually kanina ko pa hinihintay si Sunny pero magsisimula na yung misa wala pa din siya.
"Tawagan mo na ga si Sunny. Nasan na daw ba siya?" Narinig ko na nag-uusap si Reese at Tiara.
"Ako na lang ang tatawag. Pwede ko bang mahingi ang number niya?" Habang wala pa naman, tumawag muna ako saglit kay Sunny.
Binigay ko na nga ang calling card ko pero hindi pa din ako tinawagan.
"Oo papunta na." Bungad nito sa akin.
"Huh? It's Tracy." Sagot ko dito.
Akala niya ata si Tiara ang tumatawag.
"Saan mo nakuha ang cellphone number ko?" Takang-taka ito at parang naiinis na yata. Ang sungit naman.
"Relax, hiningi ko kay Tiara. Actually, kasama ko sila ngayon. Pupunta ka pala?"
"Bakit ka ba tumawag?" Hindi niya ako sinagot at sa halip ay nagtanong pa ito ulit sa akin.
"Well, hindi mo kasi ako tinatawagan kahit na binigay na sayo ng friend mo ang calling card ko. Kaya ako na mismo ang tumawag sayo." Paliwanag ko dito.
"Anyways, sige na baka busy ka pa mag-ayos. Intayin na lang kita mamaya dito." Ibinaba ko na din agad ang tawag dahil magsisimula na ang misa.
Hindi lang naman ako ang taga-kuha ng mga pictures actually tatlo kami.
Nakilala ko lang din ang mga ito sa mga event na pinag-raraketan ko noon.
Gaya ko freelance photographer lang sila.
Looking at my past, talagang masasabi ko na ang daming kong napag-daanang ups and downs, pero ngayon heto na ako.
Kasama sila na mag-grow at sana mag-expand pa lalo ang business namin.
Nasa reception na kami pero hanggang ngayon wala pa din akong nakikitang Sunny.
Nilibot kong mabuti yung paligid at mula sa malayo.
Nakita ko na siya.
Naka-suot siya ng isang off-shoulder white dress na below the knee. Simple lang ang make-up nito at ang tanging accessory niya lang sa katawan ay isang bracelet na matingkad.
Ang ganda.
"Ganda ba? Kami ang nag-organize ng wedding na ito." Walang pag-dadalang isip ko itong nilapitan agad dahil alam kong wala na naman itong makakausap.
"Kain ka muna. Ayun sila Reese nakikipag-usap dun sa bagong kasal."
Napansin kong hinahanap niya ang dalawa niyang "kaibigan" kaya agad ko namang tinuro ang direksiyon ng mga ito.
Sa totoo lang, noong nakita ko siya sa samgyup nung nakaraan.
Ramdam ko na pilit na lang talaga siyang isinasama ng dalawa at siya naman itong payag ng payag.
Sobrang soft niya eh.
Kitang-kita mo talaga sa mga mata niya kung ano yung nararamdaman niya.
Maybe I'm weird.
"Wala ka bang gagawin? Diba photographer ka? Bakit hindi mo picturan yung bagong kasal?"
Nakatingin lang ako habang kumakain siya at dahil doon nainis na ito sa akin bigla.
"Actually, you're right!" Kinuha ko ang camera niya at tinapat sakanya.
"Ano bang ginagawa mo ha?" Kita kong naaasar na siya sa ginawa ko kaya mas ginatungan ko pa ang pagbibiro.
"You're one of the guests kaya pipicturan din kita dahil ikaw na lang ang wala pang picture." I actually press the button.
Hindi naman masama na picturan ko siya?
And maybe save some of it on my phone.
"I'm just messing around. Bakit ba ang sungit mo ngayon? Meron ka na ba?" Tanong ko habang natatawa.
Hindi niya na napigilan matawa.
"See! Ayan! Ang ganda mo pala kapag naka-ngiti. Madalas kasi kitang nakikita na naka-busangot o di kaya ganito."
"Ang panget mo! Hindi ako ganyan!"
Sa wakas. Nakuha ko na din ang atensyon niya.
Sobrang weird alam ko, pero simula pa lang nung una ko siyang nakita na lasing.
Naging interesado na ako sakaniya.
"So how's life?" Tanong ko dito.
"Ang weird naman niyan. Biglang sumeryoso si Tracy." Sabi niya.
"Wow. Ngayon mo lang tinawag ang pangalan ko. New achievement unlocked." Biro ko ulit dito.
"Sa ngayon, ayun dun pa din muna ako sa coffee shop temporarily. Kasi alam mo naman diba? Or? Hindi ko nasabi nung lasing ako?" Lahat ng sinabi mo tandang-tanda ko pa.
"Yep. Ako yung pinag-sabihan mo nun." Maikling sagot ko dito.
"Naisip ko nga magtayo na lang ng coffee shop din, tapos lahat nung mga published works ko i-didisplay ko sa coffee shop. Oh diba! Ang taas ng pangarap!" Habang nagkukwento siya sa akin ramdam ko na talagang gustong-gusto niyang maging isang author someday.
"Sabihin mo nga sakin? Masama bang mag-resign sa trabaho na ang toxic na nung epekto sakin? Mahal ko naman talaga yun! Kaso nakakasawa na! Yung mga tao dun lagi na lang pinapamukha sakin na kulang yung mga efforts ko. Nakakainis!"
Well, hindi naman siya iiyak at mag-lalasing ng ganoon kung hindi niya ito mahal.
"Kung gagawin mo yan, support ako. That's actually a great idea." Napa-titig ito bigla sa akin ng matagal.
Actually, ang weird talaga sa pakiramdam pag tinititigan ako ng isang tao.
"Matutunaw na ako." Inalis na nito ang titig sa akin na dahilan ng pag-ngiti ko.
"You know what? Sabi ko na talaga masaya kang kausap at masarap na kasama." Sabi ko dito.
"Ay, wala akong bente eh. Tsaka mo na ako i-compliment kapag nakilala mo na talaga ako kung sino ako." Biro nito.
Bakit ba kapag nagsasabi ako ng mga bagay na totoo akala nila joke?
"Sure. I'd like to know more about you." Dagdag ko pa.
"Boss! Papa-picture daw sila!" Panira naman si Ynna. Na-eenjoy ko na usapan namin eh.
"Dito ka lang. Babalikan kita." Paalam ko dito.
"Ikaw ah! Kapag yan iniwan ka ulit gaya nung huli mo." Sabi ni Ynna.
Matagal na kaming magkakilala ni Ynna, matanda lang ako sakaniya ng isang taon.
Alam niya halos lahat ng mga failed relationships ko.
At hindi ko naman itatanggi na ang pinakahuli kong relationship ang pinaka-worst.
"Sa tingin ko iba siya sa mga nakilala ko." Nagkibit-balikat na lang si Ynna at nag-proceed na sa wedding couple.
Sana nga Sunny, iba ka sa mga nakilala ko.
——
<3

BINABASA MO ANG
Save Me
Novela JuvenilSa pamamagitan ng panulat at isang malinis na papel ay nakakapagsulat si Sunny ng mga saloobin niya. Isang malaking parte ng buhay niya ang pagsusulat. Ano na lang ang mangyayari sakaniya kung ang trabahong pinaka-mamahal niya ay pinag-desisyunan n...