Tracy's Point of ViewMedyo ma-traffic ngayon dahil lunes. Sinabi ko kay Felly na baka matagalan ako kaya libangin niya muna yung kliyente. Nagkaroon daw kasi ng problema.
Si Felly ang nag-refer samin sa kliyente. Kapag may kilala siyang magpapakasal samin niya talaga dinadala.
I am an events photographer. Halos three years din ang hinintay ko bago magkaroon ng sariling event business.
Mahirap sa umpisa pero kung talagang gusto mo ang ginagawa mo, kahit gaano pa yan kahirap handa kang sumugal.
"Hello Ynna? Pakisabi I'll be there in 10 minutes." Tinawagan ko ang aking kanang-kamay sa mga gawain. Si Ynna.
"Yes boss! Ingat!" Binaba ko na ang tawag at nagmamandaling sumakay sa tricycle.
"Hayan na si Boss Tracy, Maam Marj." Na-re call ko na siya. By next month ikakasal na sila. Ano naman kaya ang problema?
Huwag lang sanang hiwalayan dahil mahihirapan na naman kami.
Mukhang sa itsura pa lang ni Ynna alam ko nang dehado na naman kami sa lahat ng babayarang expenses.
"Anong atin ngayon Miss Marj?" Sinenyas ko ang aking kamay na umupo siya at ganoon naman ang ginawa nito.
"I will pay all the expenses, pero gusto ko na sanang i-cancel ang wedding." Sa totoo lang, hindi na ako nagulat dahil alam ko na umpisa pa lang.
Just by looking sa mga reaksiyon ng dalawa kong kasama na si Felly at Ynna. Nagulat lang ako sa "i-will-pay-all-the-expenses" part.
Mostly kasi ng mga kliyente naming nag-cacall off ng wedding panay sorry lang talaga.
Naiintindihan naman namin yun lalo na kung may involve na cheating sa hiwalayan nila.
Pero syempre dahil business nga ito nakakalungkot pa din kapag ganoon ang nangyayari. Bumababa kasi ang kita namin kapag ganoon.
"Hindi niyo na po ba pwedeng maayos?" Tanong ni Ynna na kinagulat naming dalawa ni Felly.
Madalas kasi na mahilig mang-intriga itong si Ynna kaya nakakahiya na din para sa mga kliyente. "Ano ka ba Ynna." Pinanlakihan ko ito ng mata.
"Ako na po ang hihingi ng despensa sa tanong ni Ynna." Dagdag ko dito.
Ngumiti lang ito ng pilit at parang sinasabing okay lang. "Nako, okay lang. Sa totoo nga niyan ay gusto ko talagang sabihin sainyo. Wala pa kasi akong napag-sasabihan na kahit na sino. Kagabi ko lang kasi nalaman."
Nagkatinginan kaming tatlo na para bang gulat na gulat kami sa aming narinig. "Nakita ko kasi sa phone niya na may tumatawag. Nung sinagot ko babae yung boses."
Pinipilit niya na hindi maluha sa harap namin pero ramdam ko naman sa boses niya na pinipiglan niya lang dahil nagiging shaky na ito.
"Hindi kasi familiar sakin yung boses nung babae kaya pagpasok niya sa kwarto tinanong ko siya agad. Hanggang sa nag-away na kami at pinalayas ko siya sa bahay."
Hindi ko pa na-eencounter na may mangyari na cheating sa buong buhay ko, pero talagang namamangha ako na nakakaya nila na ikwento yun kahit masakit.
And at the same time nagagalit ako sa mga taong ang lakas ng loob manloko sa partner nila.
"Nako Maam! Resbakan na natin yan!" Alam ko namang nadadala lang sa kwento si Ynna pero sinita ko ito.
Isa sa mga rules namin dito ay "separate private matters from business matters".
BINABASA MO ANG
Save Me
Teen FictionSa pamamagitan ng panulat at isang malinis na papel ay nakakapagsulat si Sunny ng mga saloobin niya. Isang malaking parte ng buhay niya ang pagsusulat. Ano na lang ang mangyayari sakaniya kung ang trabahong pinaka-mamahal niya ay pinag-desisyunan n...