Sunny's Point of ViewGaya nang ipinangako ni Mama, tinulungan nila akong maghanap ng trabaho sa Internet.
Sabi nila subukan ko daw lahat nang makikita kong malapit lang dito sa Cavite at baka sakaling may isang tumawag sa akin.
Natutuwa ako ngayon dahil dama ko sakanila ang pag-suporta sa akin.
Parang kailan lang nung sabihin ko sa sarili ko na wala akong balak ipaalam kila Mama pero ngayon tinutulungan na nila ako maghanap ng trabaho.
Sobrang gaan sa feeling.
Pagkagising ni Terrence gulat na gulat siya sa komosyon na nangyayari sa amin hindi niya kasi alam na sinabi ko na kila Papa kagabi kaya nagulat ito.
"Mabuti naman at sinabi mo agad sakanila Ate, baka agawin mo pa yung moment ko pag sa araw ko pa ng graduation mo sasabihin." Biro nito.
"Kayo ha, huwag niyo na uulitin yun. Sabihin niyo agad samin ang mga problema niyo para matulungan namin kayo." Sabi ni Papa.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sobrang hindi ko ineexpect yung mga reaksyon nila.
Kung noon ay takot na takot ako, ngayon parang ayoko na bumalik sa Maynila.
Charot.
May trabaho pa pala akong iniwan doon.
"Yung kaibigan mo pala te? Bakit ang aga umuwi akala ko ba magpapalipas siya dito ng gabi?" Tanong ni Terrence.
Hindi ko na nga iniisip si Tracy ngayon dahil focus ako sa paghahanap ng trabaho tapos ipapaalala niya pa sakin?
Pshh.
Malay ko dun.
Iniwan ako sa ere.
Bahala siya diyan.
"Oo nga anak, bakit pala umuwi yun agad? May nangyari bang hindi maganda? Mukhang malungkot siyang nagpaalam sa amin ng Papa mo."
Singit naman ni Mama sa usapan habang hinahain sa tabi ng laptop ko ang mga almusal.
Malungkot?
"Alam mo kung ano mali teh? Sabi mo kasi "I think" shunga ka ba? Hindi ka sigurado tapos gusto mong halikan yung tao? Aba talagang magwa-walk out din ako pag sinabihan akong ganyan! Paasa much?!"
Naalala ko tuloy bigla ang sinabi sa akin ni Vaness.
Nakokonsensya tuloy ako dahil hindi naman yun ang gusto kong iparating.
Gusto ko talaga siya.
As in.
"May emergency daw sa bahay nila eh. Kaya maaga umuwi." Sabi ko na lang sakanila.
"Oh siya, sayang naman. Mukhang mabait yung bata na yun. Tapos ang ganda pa. Punta siya kamo ulit dito ha. Nakakhiya naman at nag-byahe pa sya papunta sa atin." Dagdag ulit ni Mama.
Wow ha?
Boto agad si Mama para kay Tracy.
Totoo namang maganda si Tracy.
Hindi ko talaga aakalaing lesbian siya.
Napansin ko ito nung magkasama kami sa resto-bar para mag-kuwentuhan.
Sa simpleng bagay na yun natuwa ako.
"Thank you. You always made my day, Sunny." Doon ko unang naramdaman yung bilis ng tibok ng puso ko. Pano ba naman hindi bibilis ang tibok ng puso ko nun eh hinalikan niya ako sa pisngi?
Matapos ang halos isang oras at kalahating pag-hahanap ng trabaho may nakita na ako na pwede kong applyan bukas.
Magsusubmit na lang muna ako ng application form ko sa gmail and then pwede na muna ako magpahinga kahit papaano.
Umakyat ako sa taas para humilita at chinarge ko na din ang laptop para magamit ko mamaya.
Napalingon ako sa cellphone kong nasa kama nung biglang tumunog.
May notification ata.
Kinuha ko agad ito at nakita ko ngang may message si Tracy.
I'm sorry. Don't worry I won't bother you anymore. Bye.
Napaupo na lang ako sa kama habang pilit pang iniisip ang mga sinabi niya.
Bakit? Ang? Cold? Niya?
Hindi niya ba muna ako hahayaan na magpaliwanag?
Ayaw niya ba sakin?
Ano yun?
Gaguhan?
Matapos niya sabihin saking gusto niya ako?
Ang gulo gulo niya.
Nakakainis.
Ang hirap niyang intindihin.
Umiyak ako.
Hindi ko alam kung bakit.
Ang tanga diba?
Syempre gusto ko eh.
Tapos pinapahirapan niya ako ng ganito?
Dahil sa sobrang inis ko sumabog ako at tinype ang mga nilalaman ng damdamin ko.
Ano bang problema mo? Hindi ba malinaw sayo na gusto kita? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito? Gusto kita Tracy. Ang gulo mo. Nung isang araw lang sinabi mo na gusto mo ako? Hinalikan mo pa nga ako eh. Ano yun? Fling lang? Tangina mo pala eh. Pinaglalaruan mo feelings ko. Sige mabuti pa nga huwag na tayo mag-usap. Kahit kailan. Huwag ka na magpapakita sakin. BYE.
Nagising ako bigla sa isang ingay mula sa baba.
Nakatulog pala ako.
Paggising ko nakita kong nag-reply siya sa akin.
Ok.
Tangina.
Gusto ko na lang matulog ulit.
Pinagsisisihan ko na tinaasan ko pa pride ko.
Hayan tuloy ang nangyari.
Ayaw niya na nga ata talaga akong kausap.
Ang sakit.
Bakit ganun lang kadali para sakaniya yun?
Siya ang unang nagbigay sakin ng mga mixed signals tapos iiwan niya ako.
Tangina naman. Bakit ba may mga ganyang tao.
Nakakainis. Ganyan pala si Tracy.
Sana hindi ko na lang siya nakilala.
Pinapahirapan niya ako ng ganito.
- - - - - -
"If you love someone set her free. Kung ayaw huwag ipilit. May mga bagay talaga na akala mo sa una mag-wowork pero sa kalagitnaan ng istorya doon mo marerealize na hindi pala siya ang para sa iyo."
-Sunny ^-^

BINABASA MO ANG
Save Me
Teen FictionSa pamamagitan ng panulat at isang malinis na papel ay nakakapagsulat si Sunny ng mga saloobin niya. Isang malaking parte ng buhay niya ang pagsusulat. Ano na lang ang mangyayari sakaniya kung ang trabahong pinaka-mamahal niya ay pinag-desisyunan n...