Sunny's Point of ViewBago matulog kinuha ko ang notebook ko at naisipang mag-sulat.
Nakita ko kung gaano ako ka "sad girl" a few months ago.
Ngayon, masasabi kong hindi pa man ako nakakakuha ng trabaho, at may taong nawala sa buhay ko.
Atleast malaki ang pinagbago ko, at dahil na rin yun sa mga taong nag-stay kung kailan kailangan ko sila.
Hey, past Sunny. I'm your present. I just wanted to tell you how strong and amazing person you are. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.
Parang nung isang araw lang pinoproblema ko kung paano ko sasabihin kila Mama ang problema ko, pero ngayon okay na kami. Mas naramdaman ko ang suporta nila sa akin.
Sila Tiara naman, nakita ko kung gaano nila pinahahalagahan yung pagkakataong ibinigay ko sakanila.
Si Vaness nga nakasundo nila agad. Nagpapasalamat din ako kay Vaness dahil isa siya sa mga taong nagpa-realize sa akin na hindi naman ganoon kahirap na magtiwala.
Hindi ko na sana siya isasama dito, pero naging parte din siya ng pagbabago ko.
Gusto kong pasalamatan si Tracy dahil sa tuwing kasama ko siya, masaya lang ako. Naramdaman kong sa kahit sa sandaling panahon na pwede pa lang huminto at magpahinga sa lahat ng mga nakakapagpa-stress sa akin.
Lahat ng ito ay babaunin ko habang buhay. Handa na akong magsimulang muli.
Huwag ka sanang malulungkot past Sunny, pero lilipat na ako muli sa Cavite.
Babalik na ako kung saan ako nanggaling.
Doon ako hahanap ng trabaho para hindi na din ako malayo sa pamilya ko. Alam kong hindi tiyak kung ano ang maaaring mangyari, past Sunny.
Pero sana kahit ano man ang mangyari maging proud ka sakin, sating dalawa dahil alam kong sa bawat desisyon na ating pinili ay may dahilan at handa nating panindigan iyon kasama Siya. Ang Panginoon.
I hope you're doing well past Sunny.
I'm so proud of you.
Ibinaba ko na ang ballpen ko at isinara ang notebook. Napaluha ako habang sinusulat ang bawat mga salita.
Nakakatakot man, pero heto na naman ako at susugal sa isang bagay na walang katiyakan.
Tumingin ako sa salamin at ngumiti. "I'm so proud of you Sunny." Bulong ko sa aking sarili.
Kanino pa nga ba magsisimula ang paniniwala sa sarili? Kung hindi sa iyo mismo.
Mawalan na nang tiwala ang iba sa kakayahan mo huwag lang ikaw, dahil saan ka huhugot ng lakas?
Tama nga ang sabi nila na kahit anong mangyari, tanging sarili mo lang ang meron ka hanggang sa huli.
Kaya't sana'y huwag niyo hahayaang mawala ang sarili niyo.
"Handa ka na ba talaga?" Inabot ko ang maleta ko kay Terrence at kinuha niya naman ito agad.
"Oo naman. Bakit?"
Tanong ko dito.
Ngayon ang araw kung kailan ako lilipat muli sa Cavite.
Nakapagpaalam ako nang maayos sa coffee shop pati na rin kay Vaness.
Mamimiss ko yung babae na yun kahit papaano, pero ganoon talaga kung sa tingin kong ito ang paraan para mag-grow ako muli kailangan kong harapin lahat ng consequences. Sabi ko naman dito na magkikita-kita pa din kaming apat para sa chika.
"Okay na ba? Wala na bang naiwan?" Tanong ni Papa na buhat buhat si Luna.
Oo. Sinama ko na si Luna.
Aba syempre pinag-ipunan ko yan noh di ko yan iiwan nang basta basta.
"Ikaw ate? May naiwan ka pa ba?"
Lumingon ako muli sa apartment sa huing pagkakataon atsaka ngumiti muli sakanila.
"Wala na. Tara na." Pumunta na kami sa sasakyan at bumyahe na pabalik ng Cavite.
It feels like home.
Matapos ang ilang oras na byahe ay naka-uwi na din kami sa wakas.
Inayos ko muna ang kwarto ko atsaka inilagay an mga gamit ko.
"Ang tagal mo na talagang hindi nakapunta dito ano? Masyado na madaming nangyari."
Sumilip si Mama sa kwarto ko at napatingin ako sakaniya.
"Hayaan niyo, Ma. Hindi na ako aalis. Magkakasama na tayo ulit." Nilapitan ko ito at hinawakan ang kamay niya.
"Nako ah! Promise mo yan! At ayaw din naming nagtatago ka sa amin. Mabuti nang nandito ka at nakikita ka namin kung okay ka lang ba. Kaysa sa teleponolang kita nakakamusta."
Ngumiti ako kay Mama at yinakap siya.
Hindi ko na napigilang mapaluha. Hindi naman kasi talaga kami close ni Mama eh, sa totoo lang sakaniya ako pinakatakot dahil alam kong mataas ang expectations niya sa akin lagi.
At natatakot ako na baka hindi ko ma-meet yung expectations niya na yun. Lahat yun napawi ngayon. Wala naman akong dapat ikatakot kay Mama dahil alam kong kahit ganoon siya minsan, tatanggapin niya pa rin ako palagi bilang anak niya.
"Ano yan kayo lang? Sama din kami ni Papa." Inaya namin ang dalawa at nagyakapan kaming apat.
Ang gaan sobra sa pakiramdam na ganito na kami ka-open sa isa't-isa.
Kung dati pinapangarap ko lang, ngayon nararanasan ko na.
Sobrang saya.
Hindi ko maexplain eh.
Nakaka-overwhelm.
Being alone is fun yet challenging. Oo. Masayang mapag-isa kasi malaya kang gawin lahat ng gusto mo pero meron din itong disadvantages at isa na dun na ramdam mong wala kang kasama sa bawat problema na dumadaan sa iyo.
Yung alam mo yun? Love mo yung idea na "mag-isa" ka pero ayaw mong maramdaman na mag-isa ka on some point because you want to be alone for experiencing independency but you don't want to be alone on times when you needed someone to comfort you.
And maybe that's why I feel that I'm longing for comfort and support from my family.
Feeling ko mas magiging okay ako kapag kasama ko sila. Kasi alam kong may dadamay sa akin kapag malungkot ako.
Kaya heto, bumalik ako sa aking tahanan.
Gaya nga ng sabi nila
"There's no place like home."
————
<3
BINABASA MO ANG
Save Me
Teen FictionSa pamamagitan ng panulat at isang malinis na papel ay nakakapagsulat si Sunny ng mga saloobin niya. Isang malaking parte ng buhay niya ang pagsusulat. Ano na lang ang mangyayari sakaniya kung ang trabahong pinaka-mamahal niya ay pinag-desisyunan n...